Third Person's POV
Nagising na lang si Kyle na masakit ang ulo dahil sa dami ng nasinghot na pampatulog.
Agad din syang bumangon at natigil nang mapansin na iba na ang suot nya. Nakasuot na sya ngayon ng itim na coat at black pants. At ngayon ay naka-black shoes na rin.
"Nasaan ako?" Tangi na lang nyang sigaw at lumabas na ng room.
Nasa hallway lang sya mag-isa habang naglalakad at hindi alam ang patutunguhan. Habang naglalakad, nakarinig naman sya ng mumunting musika. Sinundan nya yun at nagbabakasakaling may mga tao dun.
At tama nga sya ng hinala. May malaking hagdanan pababa mula sa pinanggagalingan ng musika.
"Ang there he is! The soon to be other half of Ms. April Gabriel! Mr. Kyle Fernando!" Natulala naman si Kyle habang nasa kalagitnaan ng hagdan. Ngayon lang nya napansin ang isang poster kung saan nakalagay ang larawan nilang dalawa ni April na parang ikakasal.
Aakyat na sana sya nang may humila sa kanya sa braso
"Kyle! Stay!" Maotoridad na sabi ni April na naka-formal din. Maotoridad man, nakangiti pa rin ito para sa mga bisita.
"No! Hindi ako papayag na maikasal sayo!" Deretsahang sabi ni Kyle. Wala na syang naging pakialam na baka may makarinig dahil malayo naman sya sa mga panauhin.
"Nasa baba ang parents mo, may bantay silang titira sayo kapag umatras ka. Look at the door." Napatingin naman sya sa pinto at nakita nya ang dalawang armadong lalaki na nakatitig lang sa kanya. Dahil sa kaba at takot na mamatay ay kusa itong naglakad papunta sa stage kasama ni April
"Look at these creatures! They are so handsome and pretty, are they? They look good together right?" Manghang sabi ng announcer.
"Anong masasabi mo at ngayon ay magsi-sign na kayo ng contract para maikasal na soon?" Tanong nung announcer kay April
"Of course! I'm so happy po! Dati pinapangarap ko lang sya! Hanggang tingin lang ako sa kanya! But now, look everyone! Ikakasal na kami! Yoi are all invited to our wedding, guys! And I hope you'll attend and join us!" Sabi ni April kaya nagpalakpakan ang mga tao.
"And you, handsome Kyle! What do you feel right now?" Napatingin naman si Kyle sa parents nya at kita nyang napakatalim ng tingin nila. Yung tinging nagbabanta.
"Uhm, ah... I-I'm h-happy?" Patanong na sagot ni Kyle
"That's nice! I think, our future groom is nervous. But that's okay. It is normal when you sign a contract!" Sabi nung announcer
"And because we are all set, can I call the parents of the both sides to join us here in stage for the signage of Kyle and April?" At umakyat na nga ang parents nina Kyle at April sa tabi nila.
Nauna nang pumirma si April pero hindi man lang mahawakan ni Kyle ang ballpen sa harap nya
"Ano pang hinihintay mo? Pumirma ka na!" Bulong ng daddy ni Kyle sa kanya
"Ayoko! Aalis na ako." Tatayo na sana si Kyle pero pinigilan ito ng daddy nya sa pamamagitan ng paghawak nya sa balikat ng anak.
"Pipirma ka o kakalabitin ko ito?" Nanigas naman si Kyle nang maramdaman ang baril na nakatutok sa tagiliran nya.
Kusa naman nyang kinuha yung ballpen at pipirma na sana nang may umeksena sa stage.
"Don't be too harsh tito." Sabi ni Christian at inagaw ang baril sa daddy ni Kyle at hinagis sa malayo. Itinaas naman ng mga armadong lalaki ang kanilang baril at itinutok kay Christian.
Nag-finger snap naman si Christian at may mas maraming armadong lalaki ang nagtutok ng baril sa mga tauhan ng daddy ni Kyle at sa mismong daddy ni Kyle.
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...