C2: Sign II

4 0 0
                                    

Grace' POV

Naglalakad ako ngayon sa tabi ng pool habang tinatanaw ang mga kaibigan namin na masayang nags-swimming.

"Allysa! Please! Mag-usap naman tayo!" Narinig kong sabi ni Lester mula sa di kalayuan

"Bitch, please! Wala na dapat tayong dapat pag-usapan." Sagot naman ni Allysa kaya lumapit na ako.

"Hoy! Ano yan? Nakikipaglandian ka sa iba, baka magalit si Jayson! Taksil ka!" Pang-aasar ko

"Akala ko ba wala na kayo ni Jayson?" Biglang tanong ni Lester

"Wala na nga! Grace, ano ba! Ang tagal na naming wala! At ikaw ang unang nakaalam nun diba?" Napaisip naman ako sa sinabi nya

"Kailan pa?" Tanong ko sa kanya kaya inirapan nya ako at umalis na. Binangga pa nga nya ako.

"Grace, ano nga ba talaga ang totoo?" Tanong sa akin ni Lester

Napaisip ulit ako hanggang sa naalala ko na ang lahat.

"Ah, oo! Naalala ko na! Iniwan nya si Jayson dahil pala gusto nyang masave ang friendship nyo!" Sagot ko

"Talaga?" Gulat nyang tanong

"Oo. Osha, alis na ako. Sumakit ulo ko eh." Sabi ko at umalis na.

Nakakainis naman! Bakit ko nakalimutan yun? Nasira ko yata ang diskarte ni Allysa para makaiwas kay Lester. Kailangan kong makausap si Allysa.

Naabutan ko si Allysa sa room namin na masama ang tingin sa akin.

"Ano na naman?" Tanong nya

"Eh kase..." Napatigil naman ako sa pagsasalita. Ano na nga bang gagawin ko dito? "Uhm, kukunin ko lang yung cellphone ko." Sabi ko na lang

"Diba nasa bulsa mo?" Napakapa naman ako sa shorts ko at nandun nga yung cellphone ko

"Oo nga. Sige labas na ako." Bago ako nakalabas ay nagsalita muna sya.

"Hindi ka man lang ba magsosorry?" Tanong nya kaya kunot noo akong lumingon sa kanya.

"Bakit naman ako magsosorry?" Tanong ko

"Aish! Wala! Doon ka na nga!" Pagtataboy nya sa akin.

Bakit naman ako magsosorry? Weird!

Bigla ko namang naalala si Kyle. Nasaan na kaya sya? Saktong nadaanan ko si Jayson na kausap ni Vina. Kailan pa naging close ang dalawang ito?

"Jayson, nakita mo ba si Kyle?" Tanong ko

"Ah, umalis kanina. Tumawag kase si Queenie kanina. Inaatake daw." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya

"Talaga? Nakakaawa naman sya! Kailan kaya sya gagaling?" Tanong ko

"Bitch! Umaarte lang ng bruhang yun! Eh magaling na sya diba?" Sabat naman ni Vina

"Oh? Kailan pa?" Tanong ko

"Diba nga itinawag sayo ni Kyle kagabi? Na magaling na si Queenie? Kaya nga tayo nandito ngayon lahat dahil bumabawi sya sa atin!" Sigaw ni Vina

"Oo nga. Anyways, swimming tayo!" Bago pa sya nakaangal ay hinila ko na sya.

Bakit kaya lately lagi na akong nagiging makakalimutin? I admit naman na dati pa makakalimutin na ako. Pero hindi naman yung point na nakakalimutan ko nang magtsinelas! Nagkataon lang siguro. Oo nga, nagkataon lang.

Dumiretso naman kami ni Vina sa canteen. Dun ko sya hinila para makakain kami.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ni Vina

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon