Chapter 2: Prologue

15 0 0
                                    

Zandrex' POV

One week before pasukan, sabay-sabay kaming lahat na pumasok para i-check ang sections namin. Todo akbay pa nga itong si Kyle kay Grace. Siyempre ako rin kay Via. Guess what, officially na nililigawan ko na si Via. Ang kaso, nililigawan din sya ni Lito. Be the best man win na lang. Correction, walang ilangan sa amin ni Lito. Casual lang ang lahat.

"OMG! Magkakaklase tayo guys!" Sigaw ni Grace

"Oo nga! Walang naiwan!" Sang-ayon naman ni Kyle

"Ano pa nga ba't naging president nyo ako kung hindi ko gagamitin ang power ko para maayos ang section natin!" Sabi ni Via

"Nice naman! Yan ang girlfriend ko!" Sabi ko at ginulo buhok nya

"Ehem." Pagpaparinig ni Lito

"Ay, sorry naman daw!" Sabi ko na lang

Share lang, muntik kong nakalimutan. Ang election pala ay nagaganap sa huling buwan ng school year. Para kapag umabot na sa unang araw ng klase sa susunod na taon, sure nang meron na agad mamamahala. At siyempre, nanalong president ang mahal ko.

"Sige, kain tayo sa labas! My treat!" Sabi ni Jayson

"Uhm, Jayson? Siguro wag muna tayong masyadong magsaya!" Napatingin naman kami kay Allysa at mukhang malalim nga problema nya

"Bakit naman?" Tanong ni Jayson kaya lumapit sya sa list ng kaklase namin at may mga itinuro.

3. Antonio, Danilo

24. Mariano, Derrick

49. Viloria, Lester

"Shocks! OMG! I'm so sorry Allysa! Hindi lang kase ako ang nag-asikaso nyan! Ang naging role ko lang ay sabihin sa kanila na pagsamahin tayo! Di ko sila napansin! Sorry!" Sabi ni Via

"Ayos lang!" Matamlay pa ring sabi ni Allysa.

"Wait, punta lang ako sa office. Baka sakaling maayos pa natin ito. Sorry talaga! Kasalanan ko ito kay dapat ayusin ko!" Sabi pa rin ni Via

"Wag na! Ayos lang talaga!" Sabi ni Allysa kaya malungkot ding tumango si Via.

"So kain tayo? Sa resto ko na lang!" Sabi ni Jose

"Aish! Nakakasawa na sa resto mo!" Harap-harapang sabi ni Adrian

"Edi maiwan ka! Libre pa naman sana!" Sabi ni Joseph kaya nagsigawan kami sa tuwa.

"Uhm, excuse me guys! May lakad kase kami ni honey ko. Date namin. Baka naman pwedeng next time na lang kami sumama sayo?" Pagpapaalam ni Kyle. Kaya naman nagkanya-kanya na kami ng lakad.

- - - - -

Kyle's POV

"So saan mo balak pumunta? Baguio ulit tayo?" Tanong ko kay Grace

"Oy wag na! Ang mahal dun! Tsaka abala pa sayo!" Sabi naman ni Grace

"Abala? Paano naman yun naging abala?" Tanong ko

"Eh baka magsuka na naman ako sa daan eh! Problema mo na naman ako!" Sagot nya

"Problema? Kahit kailan hindi ka naging problema sa akin!" Sabi ko at hinawakan pa ang magkabila nyang pisngi.

"Eh kase naman! Hindi mo man lang ipinaalam na sa Baguio pala tayo noon pupunta! Edi nasukahan ko pa yung paborito mong shirt noon!" Sabi pa rin ni Grace

"Gracia naman! Ayos lang yun! Kung ikaw ba, kapag nasukahan mo sarili mo, magagalit ka?" Tanong ko kaya kumunot noo nya

"Ano bang tanong yan? Siguro hindi! Katawan ko naman ito eh." Sagot nya

"That's the point! Boyfriend mo ako, pag-aari mo ako! Sayo na rin katawan ko. Kaya kahit anong gawin mo sa akin, bakit naman ako magagalit? Sayo na rin naman ako eh at buong katawan ko!" Sabi ko kaya kinurot nya ako sa tagiliran

"Aray ko honey ko! Masakit! Eh bakit ba? Totoo naman ah! Tsaka wag ka ngang mag-act na parang hindi mo pa ako nakikita ng buo!" Sabi ko at nagsmirk. Sya naman ngayon ay mala-kamatis na sa pula.

"Che! Dyan ka na nga!" Sabi nya at nauna nang naglakad.

Susundan ko pa sana sya nang mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na sasakyan. Lumabas din dito ang isang pamilyar na mukha.

Teka, hindi!!! Hindi ito maaari!!! Hindi sya pwedeng bumalik!!! Wag ngayon!!! Wag ngayong masaya na ako!!! At wag MUNA ngayon na hindi ko pa sya nakakalimutan. Wag muna ngayon na may natitira pa akong pagmamahal sa kanya! Ayokong mangyaring nandito sya at baka bumigay na naman ang puso ko at balikan ko ang unang babaeng naging girlfriend ko!

"Honey ko! Nakikinig ka ba?" Sigaw ni Grace na nasa harap ko na pala

"H-ha? Ano yun?" Tanong ko

"Sabi ko, mag-fishball na lang tayo!" Sabi nya

"H-ha? S-sige! Sige!" Sabi ko at sinubukang hanapin si Queenie pero wala na sya at ang sasakyan nya

"Ano ba kaseng tinitignan mo?" Tanong nya at lumingon din "Mga sasakyan na naka-park? Seriously? Ngayon lang nakakita? Tara na nga!" Sabi nya at hinila na ako palabas ng gate.

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon