Kyle's POV
Last day na ngayon ng school feast at kung minamalas ka nga naman, nabiktima ako ng jail booth nina Zandrex. At ang kaso ko, illegal posession of handsome face! Seryoso! Mula sa isang stranger na bading! Carlo daw yata ang pangalan?
At kung mas minamalas ka nga naman, bawal ang cellphone! Paano ako hihingi ng tulong?
"Huy Zandrex! Sige naman na oh! Pakawalan mo na ako! Kailangan ako sa booth namin eh!" Sabi ko kay Zandrex na nagbabantay ng kulungan kuno
"Panis na yan Kyle! Yan laging palusot ng mga biktima namin eh!" Sagot ni Zandrex
"Totoo talaga! Kailangan ako dun! Ako naka-assign sa props ngayon!" Pagpupumilit ko
"Nakaw! Don't me! Marami kayong magkakaklase. Kaya na nila yun." Sasagot pa sana ako nang dumating si Via
"Blood band, excused na daw kayo sabi ng principal. Kailangan nyo na daw kaseng mag-practice para sa kakantahin nyo mamayang gabi." Sabi ni Via
"Okkie. Salamat sa info! Kyle, paano ba yan? Mukhang mamayang hapon ka pa makakalabas eh! See you later na lang sa covered court." May gaganapin kaseng parang closing chuchu ng school feast mamayang gabi at parang informal ball na rin para sa mga estudyante
"Heh! Hindi ako aattend! Asahan mong hindi kita papanoorin!" Sigaw ko sa kanya
"Sorry bro! Attendance for tonight is a must ayon sa principal! So see you later!" Nainis naman ako nang tinalikuran na nya ako
"Hi mister pogi!" Nagulat naman ako nang may bading ang pumunta sa harap ko
"Sino ka?" Tanong ko
"I'm Carlo! And these are my friends, Angelo, Regine and Maricar!" Sagot nya at ipinakilala pa nya yung mga kasama nya
"I'm not interested!" Sagot ko na lang
"Masungit sister! Atras na us!" Sabi nung Regine kung tama ang pagkakatanda ko
"No! Ako ang nagsimula ng larong ito! Kailangang ako rin ang tumapos! Ikaw na nagbabantay, tutubusin ko na si pogi at ida-date sya sa halagang 500 pesos!" Matapang na sigaw ni Carlo
"Wow sis! Gara mo ngayon ah!" Sabi nung medyo chubby. Maricar yata?
"Ganyan talaga! Pinaghandaan ko ito kaya shut up ka lang dyan!" Napa-make face na lang si Maricar sa sinabi ni Carlo
"Ang baba naman! Akin na si mister pogi sa halagang 1000 pesos!" Sabi ng isa pang babae na kararating lang
"Bitch! Epal ka talaga Gemel! 2500! Akin na si koya!" Sigaw ni Carlo
"Uy may pera ka ba? Kaya mo pa ba?" Bulong sa kanya nung Angelo
"Wala na nga eh! Pautang naman dyan oh!" Bulong pabalik ni Carlo
"Hahahaha! Wala ka naman pala eh! Ang cheap mo!" Narinig pala ni Gemel? Kunsabagay, ang lakas ng bulungan nila eh
"Last bid! 5000!" Sigaw ni Gemel kaya nagsinghapan ang mga nandito
"10,000! Take it or leave it!" Nas nagulat naman ako nang nakita si Grace na nandito pala. Napanganga naman sina Gemel at Carlo pati mga kaibigan nya
"Wala na! Uwian na! May nanalo na!" Sabi nung Gemel kaya nagsialisan na sila.
"Seryoso ka ate? 10,000?" Tanong nung isang nagbabantay
"Naman! Mukha akong nagbibiro?" Tanong ni Grace
"Actually po 500 lang po talaga maximum namin. Hindi na po kami tumatanggap ng higit pa don." Sabi naman ng isa pang nagbabantay
"Eh bakit yung dalawang nagpapalakihan kanina?" Tanong ko
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...