Special Chapter: 1 of 4

15 0 0
                                    

Dear diary,

          Mag-iisang dekada na ako dito sa ampunan pero hanggang ngayon di ko pa nadidiskubre ang mga dapat kong malaman.
          Ang plano ko kase, babalik ako dito para malaman ko kung sino talaga ang tunay kong magulang na nag-iwan sa akin. Gusto ko lang naman kase malaman talaga kung sino ang tunay kong magulang at gusto ko rin naman silang makilala at makasama kahit na saglit.
          Pero wag kayo, correction lang! Hindi ako bumalik dito dahil ayaw ko nang maging kapamilya sina kuya Drex. Masaya naman ako sa kanila noon. Kaso may kulang talaga eh. May part sa puso ko na para talaga sa tunay kong magulang.
          At ngayong nandito na nga ako sa ampunan, ni isang clue, wala akong makita! Wala talagang bakas kahit konti na magdudugtong sa dati kong buhay at pamilya! Ni hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko nga din alam kung anong hahanapin ko o kung may hinahanap pa ba ako!
          Ang hirap umasa! Ang hirap mangapa! Sa loob ng ilang taon kong pamamalagi dito sa ampunan, pakiramdam ko nakakulong ako sa isang malawak na maze na di alam kung saan patungo o kung saan lalabas. Ni di ko nga alam ang daan pabalik. No way out!
          Pero kahit ganoon, patuloy ko pa rin hahanapin ang sarili ko dito sa ampunan. Kahit gaano pa yan katagal, gagawin ko! Basta ba mapunan ko lang ang puwang na matagal nang bakante sa puso ko!

Umaasa,
Lito

- - - - -

Third Person's POV

"Ayaw ka naming kalaro! Doon ka!" Natigil naman sa paglalakad si Lito sa isang pasilyo ng ampunan nang maulinigan ang sigaw ng isang bata mula sa field sa mismong tabi ng building

"Oo nga! Hindi kami nakikipaglaro sa panget!" Sigaw ng isa pang bata.

"Laro lang basketball ay para lang sa matatangkad! Ang liit mo kaya! Doon ka na!" Pagtataboy ng isa pa.

Di na nakatiis si Lito at pinuntahan na ang pinanggagalingan ng mga sigaw.

Sa may field, naabutan nya ang kumpulan ng mga bata na pinapanood ang grupo ng mga batang lalaki na sinisigawan ang mas bata sa kanilang lalaki.

"Mga bata, ano yan?" Tanong ni Lito kaya nagsilingunan ang mga bata sa kanya

"Si Caloy po kase, ayaw nyang kalaro si Mikko!" Pagsusumbong ng isang batang babae.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon