Kyle's POV
"Dad! Mom! I'm sorry but I can't take this anymore! Una pa lang, alam nyo nang ayaw ko nang pakasalan si April! Si Grace talaga ang mahal ko noon pa!" sabi ko kina mommy at daddy nang nakauwi na sila galing trabaho
"Please anak! Not now! Pagod kami." sabi ni mommy
"Alam mo naman siguro ang consequences kapag nilabag mo yung engagement diba?" sabi naman ni daddy.
"Na maba-bankrupt ang kompanya? Wala akong pakialam! Palayasin nyo na ako, alisan nyo na ako mana, wala akong pakialam! Mahal ko si Grace kaya sa kanya ako pupunta kahit na anong mangyari!" sigaw ko
"Ganoon? So ano pang hinihintay mo? Layas! At paniguradong wala ka nang babalikan pa dito!" sigaw ni daddy
"As if namang babalik pa ako! Hindi nyo hawak ang buhay ko at hindi nyo ito kontrolado! Papakasalan ko ang gusto kong pakasalan at hindi si April yun!" sigaw ko at binitbit na ang maleta at backpack ko palabas. Kanina ko pa naayos gamit ko kaya ready na ako.
Hindi ko na alam ang pupuntahan ko. Napakadilim nitong tinatahak kong kalsada. Hindi naman siguro ako mara-rape diba?
Habang naglalakad, naramdaman kong may sumusunod sa akin na sasakyan, pasimple akong lumingon at may ilaw nga ng sasakyan. Nag-act na lang ako na hindi ko yun napansin at mas binilisan ang paglalakad. Ano yun? Ito na ba ang sinasabi nilang nngunguha ng tao at binibenta ang laman? Tapos gagawing pampatibay ng tulay ang dugo?
Beep beep
At doon na ako kinabahan at namutla ng sobra. Dahil dun ay napatakbo ako at napasigaw na rin. Sa pagtakbo ko, mas binilisan rin ng sasakyan ang pag-andar.
"Hoy! Anong ginagawa mo? Bakit ka sumisigaw?" at doon na kumalma ang pagkatao ko nang makita si kuya Drex na nakadungaw sa bintana ng sasakyan nila.
"Eh natakot ako sa inyo eh! Bakit ba kayo nanghahabol? Jusko! Akala ko nangingidnap na eh!" reklamo ko
"Ano ka? Bata? Malamang hinahabol ka namin kanina. Naglalakad ka ba naman mag-isa! Tsaka ano yang mga dala mo?" tanong nya
"Baka maleta at bag kuya?" sarcastic kong sagot
"Heh! I mean, bakit yan!" sigaw nya
"Pinalayas ako sa amin eh. Alam mo na." at napangiti naman sya sa sinabi ko
"Oh! So saan mo na balak magstay nyan?" at doon na sya sumeryoso ulit
"Yun nga eh. Di ko pa alam kung saan ako tutuloy." sabi ko at nagkamot ng batok
"Aish! Sabi ko naman diba, nandito lang ako kapag kailangan mo ng tulong? Sakay na!" sabi nya at binuksan yung pinto
"Eh? Nakakahiya naman! Salamat na lang kuya. Maghahanap na lang ako ng matutulugan dyan. Tsaka maghahanap na rin ako ng trabaho." sabi ko
"Ng ganitong oras? Sa tingin mo ba hahayaan na lang kita na magtrabaho at maghanap ng ibang matitirhan? Parang kapatid na rin turing ko sayo kaya sumakay ka na at sa amin ka na tutuloy. Ako nang bahala sa mga gastusin mo." sasagot pa sana ako nang hatakin na nya ako papasok ng sasakyan nya.
Kinabukasan, sabay-sabay na kaming pumasok nila Lito at buong blood band. Nasa iisa nga kaming unit. Pero mamaya lilipat yata kami ng unit nila kuya Drex at Lito. Nagrereklamo na kase si Mr. Sungit. Masyado na daw masikip yung unit sa aming anim.
Sa room, dahil wala pa si ma'am, at wala naman akong makausap dito, pinili kong i-text muna si kuya Drex. Ayoko kase munang makipag-usap kahit sino sa kanila kase ang awkward. Si Grace, sya ang nangunguna sa pambubugaw kay Vina kay Joseph. Sina Ally naman, nagbabasa lang ng libro sa likod namin kasama ni Jayson. Si April naman busy sa pagma-make up
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
Storie d'amoreA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...