Rivalry

19 0 0
                                    

[Lito at the cricket hill..]

Allysa's POV

Nandito na ako ngayon sa loob ng dressing room ng mga babae habang nagbibihis para sa gaganaping taunang patimpalak kung saan maglalaban ang school namin - Daniel Maramba NHS, na kakalabanin naman ng pinanggalingan ko dating Sta Barbara NHS. Sports ang mga paglalabanan namin. Sa volleyball ako napunta at sa basketball naman napunta yung apat na repapips ko.

Papalabas na sana ako nang may humarang sa akin

"Bestie!" natigil naman ako sa nakita ko. Umirap na lang ako tsaka ko sya nilagpasan

"Bestie naman! Mag-usap tayo! Galit ka pa rin ba?" bigla na namang kumulo ang dugo ko sa sinabi ni Grace kaya humarap ako sa kanya at sinampal sya

"Sinabi ko na sayong wag mo akong matawag-tawag na bestie! Isa pa! Naku, isa pa talaga! Hindi ko na alam gagawin ko sayo! Kaya kung ako sayo, lumayo ka na at wag ka nang magpapakita sa akin!" sigaw ko sa kanya

"Eh paano yan? Kalaban kita sa volleyball?" napatingin naman ako sa suot nya at naka-volleyball attire nga ang gaga

"Wow! Its nice na makakalaban nga kita! Ngayon matitikman mo ang pait ng lasa ng pagkatalo ng team nyo dahil gagawin ko ang lahat mapataob lang kayo!" sabi ko at tinalikuran na sya

"Oo ayos lang! Ayos lang na matalo kami." napalingon naman ako sa kanya tsaka natawa

"Wow talaga? So ano pang ginagawa mo? Go to your team mates and tell them na umuwi na kayo! My gawd! Anong klaseng mentality meron ka? Ayos lang na matalo kayo? Hahaha!" sabi ko

"Ayos lang na talunin mo kami! Pero sana naman wag mong gawin ito dahil sa personal nating issue! Kung may galit ka sa akin, wag mo namang idamay team mates ko! Tsaka Allysa, sana sa pagtatapos ng laro natin, sana mabalik pa ang dati nating friendship?" at mas natawa naman ako sa sinabi nya

"Mabalik ang dating friendship? Parang sinabi mo na ring papatulan ni Maria Ozawa si Joseph!" sabi ko. imbes na sumagot, naiyak naman si Gracia. At doon na nga ako tinamaan. Ayoko kaseng nakikitang umiiyak o nasasaktan ang bespren ko. Bago pa man pumatak din ang luha ko, dali-dali na akong pumunta sa team mates ko.

Maya-maya ay nakita ko si Grace na pumunta na rin sa team mates nya sa kabilang area. Namumugto pa rin mata nya habang nakatingin sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

"Hey! Why so sad?" tanong ni Lester at tumabi sa akin at inabot yung tubig

"Tubig agad? Hindi pa nga nagsisimula eh! Pero salamat pa rin. And why I'm sad? Nah! I'm not sad! I'm just thinking a strategy how to win against those bitches!" sagot ko

"Nah! Don't be like that babe! It is just a game. Just enjoy!" sabi nya kaya sinimangutan ko na lang sya.

"Enjoy? Eh kalaban ko yung ex-bestfriend ko na girlfriend na ngayon ng ex-boyfriend ko! Sinong hindi mag-iisip kung paano sila patutumbahin!" pabulong kong sigaw

"Wag mong sabihing mahal mo pa yung ex mo!" seryoso nyang sagot

"Hell no! Yuck! I'm not into him anymore! Naiinis lang talaga ako sa bruhildang Grace na yan!" sabi ko at sinimangutan si Grace sa kabilang side ng court

"Okay! Just promise me to take it easy huh! Inaalala ko rin safety mo! Ge, gotta go! Dun lang ako sa bleachers with the monkeys." at dun na ako natawa sa huli nyang sinabi

Natapos na ang laro namin at panalo ang team namin. Papasok na sana ako sa pagbibihisan nang may humila sa akin

"Hey! N-nice game!" naiilang na ngumiti si Grace

"K" sabi ko na lang

"Ayaw mo na ba talaga akong kausapin?" malungkot nyang tanong

"Yes!" tipid ko pa ring sagot nang may dumating na lalaki

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon