Vacation

6 0 0
                                    

Grace' POV

December 26,

"Uy sis! May napapansin lang ako!" Sabi ko kay Via habang nag-aayos kami ng gamit. Nandito pa nga rin kami ni Joseph sa bahay nila. Nag-enjoy na kami eh. Tsaka ngayon na rin biyahe namin papuntang Nueva Ecija

"Oh? Ano naman?" tanong nya

"Tungkol sa Carino brothers." namula naman bigla ang gaga

"Tingin ko may gusto sila sayo. Not so sure, need more evidences." sabi ko. Hindi naman na sya sumagot. Nang tinignan ko, mas lalo syang namula

"Oy ano yan sis? May type ka sa kanila no?" tanong ko sa kanya kaya nagtakip sya ng mukha

"Ano? Totoo? Ayyie! Sino? Si Lito ba? Actually bagay kayo ni Lito. Tapos kapag si Sansan naman, edi hipag na kita nyan? Eh kapatid ko yung si Sansan eh! SIno ba sis?" tanong ko

"Eh! Nakakahiya eh!" sabi nya at dumapa na sa kama nya

"At sa akin ka pa nahiya! Don't me, Via!" sabi ko at dumapa din sa tabi nya

"Eh nakakahiya talaga eh! Actually dati ko pa talaga sanang gustong sabihin sayo kaso... Nakakahiya talaga eh!!!" at high pitch pa talaga yung last line nya. Sakit sa tainga bes!

"Nakaw! Isa pa talaga, iisipin ko nang kagaya ka na ni Vina! Iisipin ko na ring hindi ka tunay na kaibigan!" at doon na nga sya humarap sa akin

"Grabe! At sa kanya mo pa talaga ako inihambing! Osha! Sasabihin ko na, kaso baka tawanan mo ako eh!" sabi nya at dumapa ulit

"Bakit naman kita pagtatawanan? Ayos lang naman sa akin kung sino sa kanila ang type mo!" sabi ko sa kanya

"Eh paano kung sinabi kong dalawa silang type ko?" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya

"OMG, SIS!!! SERYOSO???" sigaw ko na nakangiti

"Oo! Di ko mapigilan eh!" sabi nya at namula ulit

"Eh paano yan? Mukhang type ka nung dalawa? Paano kung sabay silang nanligaw sayo? Sinong pipiliin mo?" tanong ko

"Yun na nga eh! Hindi ko alam! Basta, hindi ko alam!" naguguluhan nyang sagot. Sumeryoso naman na ako dahil seryoso talagang issue yan

"Ok lang yan sis. Kahit ano namang mangyari, nandito lang kami nakasuporta." sasagot pa sana sya nang may kumatok sa pinto

"Hoy, hindi pa ba kayo tapos?" napairap naman ako nang si Lazaro pala yug kumakatok

"Malapit na po!" sabi ko nang nabuksan ko na yung pinto

"Dapat lang! Bilisan nyo at medyo malayo ang lalakbayin natin!" sabi nya at pumasok na agad. Hindi man lang sya nahiya! Di man lang nya naisip na kwarto ito ng babae! Actually, kahit harmful syang tignan, may respeto naman yan sa babae. Sadyang medyo bastos lang magsalita.

"S-sina Z-zandrex at L-lito ba?" nanginginig at nahihiyang tanong ni Via. Napatingin naman ako sa kanya at ngumisi

"Aba'y kanina pa silang umalis! Malayo ang Isabela sa Nueva Ecija! Kaya kailangan nyo nang bilisan at medyo malayo din itong Pangasinan sa Nueva Ecija! Nakakahiya naman kung mas mauna pang darating yung galing sa mas malayo!" sigaw ni Joseph. Buti na lang di nahalata ni Joseph yung about sa pananalita ni Via tungkol sa magkapatid

"Oo na, ito na! Tapos na po!" sabi ni Via at sinikbit na ang backpack nya at isang shoulder bag. Ako naman, kinuha yung isa ko ring shoulder bag at travelling bag ko.

"Bakit yan ang dala nyo? Ano tingin nyo pupuntahan nyo? Mamamalengke?" sigaw na naman ni Joseph

"Ano na naman bang masama sa gamit namin?" tanong ko

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon