[Super SPG... If you're sensitive, hintayin na lang ang next chapter.]
Zandrex' POV
"Trust me! Magigising na sya ngayon!" Sabi ni Joseph na nasa tabi ko.
"Anong ngayon? Bukas pa yan, tignan mo!" Sabi naman ni Lito.
"Aish! Ang ingay nyo! Baka magising si Sese eh!" Reklamo ko.
Nandito kase kami ngayon sa room ni Grace sa hospital.
"Aysos! Kung alam ko lang na nagpapaka-bitter ka eh!" Napairap na lang ako sa sinabi ni Joseph
"Wag mo ngang ginaganyan si kuya Drex! Broken hearted yan eh!" Sabi naman ni Lito.
"Isa ka pa! Bumili ka na nga muna ng makakain sa labas!" Sabi ko
"Oo na!" Natatawa pang sabi ni Lito bago lumabas.
Tama bang pagtawanan nila ang tulad kong broken hearted?
"Gracia?" Napalingon naman ako kay Joseph na nagsalita.
Nakatingin lang sya kay Gracia na gising na, na nakatingin sa amin.
"Sese!" Sabi ko at lalapit na sana pero tumayo na sya agad.
"Kailangan ko nang makaalis dito!" Aligagang sabi ni Grace.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong pero di na nya ako pinansin.
Yumuko si Grace para maghanap ng tsinelas pero wala syang nakita.
Nagulat naman ako nang bigla jyang hawakan ang buhok nya at tinitigan lang ito.
"Bakit ang haba na ng buhok ko? Ilang buwan ba ako nakatulog?" Tanong nya.
"T-tatlong taon." Kinakabahan kong sagot.
"Tatlong taon?" Mahinang tanong ni Grace. "Hahaha! Nice joke! Nasaan ba ang clip nito? Pinagtripan nyo lang ako habang tulog eh! Nilagyan nyo lang ako ng wig!" Natatawang sabi ni Grace habang naghahanap ng clip sa buhok.
Kusa namang bumagsak ang mga luha ni Grace nang ma-realize na mahaba nga ang buhok nito.
"Nasaan na si bestie? Kailangan ko si bestie! Galit pa ba si Kyle? Nasaan na sila?" Sunod-sunod nyang tanong kaya nagkatinginan kami ni Joseph.
"Grace! May bago palang kanta na trending! Pakinggan m..." Di na tinapos ni Grace ang sasabihin ni Joseph nang sumigaw ito
"Sagutin nyo ako!!!" Sigaw ni Grace pero nanatili kaming tahimik ni Joseph
"Bakit hindi nyo ako masagot???" Sigaw ulit ni Grace
"Dahil hindi ka pa handang malaman ang totoo!" Sagot ni Lito na kakapasok lang na kanina pa pala nakikinig sa pinto.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Grace kay Lito.
"Sese, magpahinga ka muna! Brain dead ka pa eh. Bukas na lang namin sabihin ang totoo." Sabi ko habang inaalalayang makahiga si Grace pero hinawi nya ang kamay ko.
"Hindi! Kailangan ko nang malaman lahat ngayon!" Sabi ni Grace
Napabuntong hininga na lang ako at napatingin kina Joseph at Lito. Tumango naman sila na parang sinasabing sabihin ko na.
"Patay na si Allysa!" Napahagulgol naman si Grace sa narinig. Ginusto nya ito eh.
"Namatay sya 3 years ago. Kasabay ng pagkamatay ni Allysa ang pagkamatay naman nila Adrian at Lyndon. Pati si Queenie namatay na rin!" Sabi ko kaya mas lalong napaiyak si Grace. Hinimas ko na lang sya sa likod.
"Si Kyle ba? Nasaan sya?" Tanong ni Grace kaya napatingin ako kay Lito.
"Sila na ni Via!" Si Lito na ang sumagot para sa akin.
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...