C3: Prologue

8 0 0
                                    

Zandrex' POV

Isang linggo na ang nakakalipas mula nang umalis kami ni Grace sa Pinas. Tuloy-tuloy ang medications and therapy ni Grace dito kaya nakikitaan ko na sya minsan ng improvement. Kilala na nya lahat ng kaibigan namin, maliban kay Kyle. Nababanggit ko si Kyle minsan kay Grace pero wala syang idea kung sino sya. That's ok anyway. Para naman di na masyadong mai-stress si Grace kapag naaalala nya ang past nila. Mas mabuti na ito para mas mapabilis ang paggaling nya.

Kasalukuyan ako ngayong nasa condo namin dito sa America. Si Grace kase pinapa-stay pa sa hospital for observations. 8am-5pm lang kase ang visitting hours.

Ka-video call ko nga pala si Via habang hetong kumakain ako ng fries.

"Anong oras na ah! Hindi ka pa papasok?" Tanong ko sa kanya kase nakahilata pa sya sa kama nya.

Saktong 12 hours kase ang gap ng oras dito sa America doon sa Pinas. Eh 6:30 na ng hapon dito. Edi 6:30 na ng umaga dun! Di pa rin sya bumabangon

"Eh! Ayoko muna! Mamimiss ko mukha mo eh!" Napangiti naman ako sa sinabi nya

"Mamimiss din kita! Pero kailangan mo nang pumasok! President ka pa naman!" Mahinahon kong sabi sa kanya

"Kailan ba kase kayo uuwi? Namimiss na kita!" Tanong nya

"Malapit na. May improvements na kay Grace! Malapit na syang gumaling! Kaso hindi pa rin nya kilala si Kyle hanggang ngayon." Pagkwento ko

"Edi nice! Iwas stress!" Sabi nya

"Kaya nga eh." Pagsang-ayon ko naman

Kring kring...

"Wait! May tumatawag!" Sabi ni Via at kinuha yung cellphone nya

"Sino yan?" Tanong ko

"Si Lito." Nawala naman ang ngiti ko sa sinabi nya

"I-loud speaker mo." Cold kong utos kaya tumango sya at sinagot ang tawag.

"Hello?" Bati ni Via

[Hello! Nakabihis ka na ba? Daanan kita dyan!] Sabi ni Lito kaya napatingin sa akin si Via

"Hindi ako papasok eh." Sabi ni Via kaya sinamaan ko sya ng tingin

[Bakit???] Tanong ni Lito

"M-masama pakiramdam ko eh!" Sagot ni Via

[Bakit? Hindi na rin ako papasok! Dadalawin kita dyan!] Sincere na sabi ni Lito

"W-wag na! Pumasok ka! Ayos lang ako!" Pagtanggi ni Via

[Sure ka? Hindi din ako mapakali kapag wala ka dito. Nag-aalala din ako!] Sabi ni Lito

"Atos lang talaga! Sige na, bye!" Sabi ni Via at ibinaba na ang cellphone nya.

Pagkatapos nun ay ang nakakailang na katahimikan sa aming dalawa. Nakatingin lang kami sa isa't-isa.

"Ano yun?" Maotoridad kong tanong

"W-wala." Nanginginig nyang sagot

"Lagi ka ba nyang sinusundo?" Tanong ko

"Oo, kaso tumatanggi ako. Minsan makulit sya kaya pumapayag ako. Wala din naman akong masakyan kaya sumasabay ako. Tsaka kapag uwian, hinahatid din nya ako." Dahil doon ay sumeryoso na ako at tinitigan lang sya.

"Papadalhan kita ng sasakyan mo dyan! Yun na lang gamitin mo! Wag ka nang sumabay sa kanya!" Sabi ko kaya nanlaki mata nya

"Bibigyan mo ako ng sasakyan? Grabe, wag na!" Pagtanggi nya

"Kesa naman sumasabay ka sa kapatid ko? Este, kay Lito! Bakit? Ginugusto mo bang hatid-sundo ka nya? Ganyan ka ba kapag wala ako?" Tanong ko sa kanya

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon