Grace' POV
Second week ng August na at heto kaming lahat na subsob sa quarter exam.
Habang nag-eexam, nagvibrate ang cellphone ko kaya palihim kong binasa yung message.
Fr. Queenie
Grace, pwede mo bang papuntahin dito si Kyle? Inaatake ako!Nanlaki naman ang mata ko sa nabasa. Simula kase nung gabing nagdrama ako kay Kyle, tinotohanan na nyang lumayo kay Queenie. Lagi na rin kaming magkasama at bumabalik na ang pagkasweet nya sa akin.
Kumuha ako ng papel at sinulatan yun.
Honey ko, inaatake si Queenie!!! Kailangan ka daw!!!
Natapos kong isulat ay ipinasa ko yun sa kaharap ko at pinakiusapang ipasa hanggang kay Kyle. Ang layo nya kase. Sa bandang unahan pa.
Tinitigan ko lang sya nung nabasa na nya. Tumingin naman sya sa akin at nagmake face lang sya at bumalik sa pagsusulat. Yung parang walang pakialam?
Honey ko, please! Kailangan ka nya!
Pagsusulat ko sa isa pang papel at ipinasa ulit sa kanya.
Nang nabasa na nya, sinamaan nya ako ng tingin at sya naman ang nagsulat.
Mas uunahin ko pa ba sya kesa sayo? Grace naman! Napag-usapan na natin ito!
Sabi nya sa sulat kaya nagsulat ulit ako ng panibago.
Kyle naman! Please lang! Kailangan ka nya!
Nang nabasa na nya, tumayo na sya at lumapit sa proctor namin.
"Sir, excuse me. May I excuse myself. Emergency lang po." Tumango lang yung proctor kaya lumabas na si Kyle na hindi lumilingon sa akin. Masama lang ang mukha nya habang naglalakad palabas. Nagalit ba sya? Eh para naman ito sa nakabubuti ah!
Uwian na at hindi pa rin bumabalik si Kyle. Nagtampo na yata?
"Bestie, sabay tayong umuwi ha?" Sabi ko kay Ally na kasalukuyang nag-aayos ng gamit.
"Naman!" Sagot nya at lumabas na kami.
"Girls, pwede ko ba kayong makausap?" Nagulat naman kami nang hilain kami ni Vina
"Wag na!" Sabi ni Allysa pero mas hinigpitan ni Vina ang hawak sa amin
"Importante lang! Tungkol ito kay Grace at sa..." Natigil naman sya at lumingon sa paligid "At sa sakit nya." Bulong nya kaya nagkatinginan kami ni Allysa.
"Sumunod kayo." Sabi ni Vina at nauna nang umalis. Wala na kaming nagawa ni Allysa kundi sumunod.
Sa likod ng main building tumigil si Vina kaya tumigil na rin kami.
"Spit it!" Sabi ni Allysa kaya humarap sa amin si Vina.
"Gaya ng sabi ko, tungkol ito sa sakit mo Grace. Meron akong tito na doctor ng Alzheimer's. Sa tingin ko matutulungan ka nya!" Sinserong sabi ni Vina habang nakatitig sa mata ko
"At sa tingin mo maniniwala kami?" Prangkang tanong ni Allysa
"Pwede bang isantabi mo muna ang pride mo, Allysa? Para rin naman ito sa kaibigan natin eh!" Sigaw ni Vina
"Natin? Hoy, kaibigan lang NAMIN si Grace!" Sigaw din ni Allysa
"Tumigil nga kayo! Vina, alam mo namang ayaw kong magpagamot diba? Diba nga coincidence lang ang lahat!" Sabi ko kay Vina
"Coincidence? Ngayon sabihin mo, nasaan ang bag mo?" Napakapa naman ako sa likod ko at wala nga yung bag ko.
"Ah, eh... Nasa room! Bakit?" Taas noo kong sagot
"Kita mo, nakalimutan mo! Kaya sumama ka sa akin sa tito ko at ipapagamot kita! Libre na dahil tito ko naman yun!" Sabi ni Vina
"Sige, kailan tayo aalis?" Sagot ko. Libre eh!
"Sa Sunday na ang flight natin papunt..."
"Flight? As in, eroplano? Hoy! Saan mo balak dalhin ang bestie ko?" Tanong ni Allysa
"Sa Japan. Doon kase nagtratrabaho ang tito ko eh." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya
"Teka nga! Hindi pa tapos ang school year ah! Tapusin muna natin!" Sabi ko
"Para ano? Para matapos na rin ang buhay mo nang maaga? Grace, sumama ka sa akin!" Sabi ni Vina
"No! Walang aalis!" Sigae ni Allysa kaya napapikit ng mariin si Vina
"Listen guys! Ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti ni Grace! Tapos na ang 1st quarter ng exam diba? Edi kung sakaling may time o may chance, doon na namin itutuloy ni Grace ang pag-aaral! Nakausap ko na si tito at meron daw Filipino schools sa Japan! At ready na ang lahat! Sa Sunday ipapadala ni tito ang private plane! Ano? Sasayangin nyo na lang ang chance? Hahayaan mo na lang ba na magdusa ang bestie mo sa sakit nya? Allysa, wake up!" Sigaw ni Vina. Napatingin naman sa akin si Allysa na parang medyo pumapayag na. Ako nga rin eh, medyo nakukumbinsi na.
"Sige! Sasama ako! Basta libre lahat!" Sabi ko kay Vina
"Naman! Sabi ko nga diba, tito ko na ang bahala!" Sabi ni Vina
"Salamat. Pero wag nyo itong sasabihin kina Kyle at sa iba ha? Ikaw na ang bahalang magdahilan sa kanila ha?" Sabi ko kay Allysa. Nagulat naman ako nang umiyak ito at niyakap ako.
"Grace! Mag-iingat ka doon ha? Magpagaling ka agad! Mamimiss kita!" Sabi nya kaya naluha na din ako.
"Oo naman! Tara na?" Sabi ko kaya umalis na kaming tatlo.
- - - - -
Sabado ng gabi, nandito kami ngayon sa kwarto ko kasama sina Allysa at Vina. Nag-aayos kase kami ng gamit ko.
"Ano bang meron? Bakit tayo nagliligpit ng damit ko?" Tanong ko
"Diba nga flight natin papuntang Japan?" Tanong ni Vina
"Japan? Wow! Anong gagawin natin doon?" Tanong ko
"Magpapagamot ka doon." Sagot ulit ni Vina kaya napakunot ang noo ko
"Anong ipapagamot ko? Wala naman akong sakit ah!" Sabi ko
"Yung Alzheimer's mo." Sabi ni Allysa
"Alzheimer's?" Nagtataka kong tanong
"Basta sumama ka na lang." Sabi ni Vina.
Pagkatapos mag-ayos ay umalis na rin kami ni Vina.
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...