Kyle's POV
Anniversary namin ngayon ni Grace pero gaya ng dati, wala pa rin syang maalala.
Kahit na ganoon, itinuturing pa rin namain syang normal.
Oo nga pala, nasa condo kami ngayon nila Joseph at dito kami nagcecelebrate ni Grace ng anniversary namin. Kompleto kami lahat maliban kay Lester na di na talaga nagpakita. Nakita na lang namin sa facebook nya na sa Manila na sya ulit nagtratrabaho.
Lahat pala kami nakapalibot sa mesa nila Jose habang nag-iinuman. Pati mga babae umiinom din pero yung mga mild lang.
"Teka! Nasaan ako? Bakit ako umiinom? Hindi ako umiinom ng alak!" Biglang sigaw ni Grace habang nagkakasiyahan kami.
"Anniversary nyo ni Kyle at nandito tayo ngayon sa condo unit namin para magsaya!" Sagot ni Joseph na nakangiti.
Kinausap ko na kase sila na kapag once na inatake si Grace ng Alzheimer's nya, act normal lang kami na parang wala syang sakit.
Nakakatuwa kase ginagawa naman nila. Kahit noon pang di ko pa sila sinabihan, ganoon na ginagawa nila.
"Sino si Kyle?" Tanong ni Grace.
Medyo nasaktan naman ako sa tanong ni Grace. Oo, sanay na ako. Pero masakit sa akin na di makilala ng taong mahal ko.
"Sya oh! Boyfriend mo!" Sagot naman ni Joseph at itinuro ako.
Humarap naman sa akin si Grace na parang nagtatanong. Ngumiti na lang ako at tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Joseph.
"Wala akong boyfriend! Yung boyfriend ko, sumama na sa iba! Sa hinayupak na Queenie na yun!" Sigaw ni Grace.
Natigil naman kaming lahat at nagkatinginan sa isa't-isa.
"Uhm, Grace? Wala na si Queenie. Matagal na syang patay." Mahinahong pagpapaliwanag ni Via kaya nanlaki ang mata ni Grace.
"Patay na si Queenie? Anong ikinamatay?" Gulat na tanong ni Grace kaya napatingin na naman sa amin si Via.
"Naaksidente sya. Nabangga ang sinasaktan nyang kotse." Pagpapalusot na lang ni Via.
"Talaga? Eh si Kyle? Kumusta na sya? Kasama ba nya sa kotse? Namatay din ba sya? Naaksidente din ba sya? Sumagot ka! Nasaan si Kyle ngayon? Dalhin nyo ako sa kanya! Kailangan ko syang makita!" Naiyak naman ako sa sinabi ni Grace.
Ngayon naiintindihan ko na. Totoo nga ang sinabi ni kuya Zandrex na kahit noong iniwan ko si Grace para kay Queenie, hindi pa rin nawala ang love at care para sa akin ni Grace.
"Yan si Kyle oh! Sa tabi mo." Sabi ni Via kaya napatingin sa akin si Grace.
"Kyle? Kyle, buhay ka!!!" Sabi ni Grace at niyakap ako. Naiyak naman ako nang naiyak na sya.
"Kyle, ayos lang sa akin na iwan mo ako. Basta ipangako mo lang na hindi ka mawawala. Makita lang kita na ayos ka, ayos na din ako!" Dagdag pa ni Grace.
Kumalas naman ako sa yakap at tinitigan si Grace sa mata nya.
"Grace! Hinding-hindi na ako mawawala sayo! Nandito lang ako lagi para sayo! Tandaan mo yan ha? Mahal na mahal kita!" Sabi ko.
Nagulat naman ako nang biglang nagbago ang reaksiyon ng mukha ni Grace at sinamaan nya ako ng tingin.
"Sino ka? Sino kayo? Bakit ako nandito?" Tanong ni Grace at dali-daling tumayo. Saktong pagtayo nya ay bigla syang nawalan ng malay.
"Grace!" Sabi ng iba at pinuntahan si Grace.
"Excuse me. Ako na. Nurse ako, remember?" Sabi ni Judy at chineck ang kalagayan ni Grace.
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...