Kyle's POV
Ang aga-aga naman nangbubulabog itong si Lyndon! Anong oras pa naman eh! Miyerkules pa naman ngayon! Alam kong may klase pero alas kuwatro pa lang ng umaga!
"Lyndon! Ang ingay!" Sigaw ko sa kanya
"Bumangon ka na bilis! Gala daw tayo sabi nila Justin at Adrian!" Aligaga nyang sabi habang tatalon-talon pa. Tuwang-tuwa naman! Anong meron?
"Gala? May pasok tayo! Ano ba kaseng meron?" Tanong ko
"Wala si Zandrex eh. Wala si boss! Free time natin ngayon! At dahil ito ang unang araw na wala sya, GALA NA!!!" Binato ko naman sya ng unan dahil ang ingay nya.
"5 minutes please!" Sabi ko at hihiga na sana ulit nang hilain nya ako paupo ulit.
"Walang five minutes! Bangon na! Naka-ready na ang lahat! Nasa labas na nga si Adrian. Naghihintay na sya sa sasakyan! Tara na!" Sabi nya at nauna nang lumabas.
Nagbihis lang ako ng maayos na damit saka kumuha na lang ng extra na pera. Ayoko nang magdala ng mga gamit. Hassle lang.
Paglabas ko ng room, nakita ko agad si Lito na nakabihis na rin.
"Wag mong sabihing sasama ka!" Sabi ko sa kanya.
"Sinama ako ni Justin eh." Pabait na naman nyang sagot
"Ganoon? Sige ikaw na lang sumama! Maiiwan na ako! Nawalan ako ng gaan eh." Sabi ko at babalik na sana ako sa kwarto nang hilain nya ako pabalik.
"Ano ba!" Reklamo ko at hinila pabalik yung braso ko
"Gusto mo ba talagang sumama kuya? Ako na lang maiiwan!" Sabi nya kaya napangisi ako.
"Gusto mo ba talaga? Dapat lang no! Sino ka ba para isama namin? Kaibigan ka ba namin? Sampid ka lang naman eh! Inampon ka lang naman ni kuya dahil nagpanggap kang ako!" Sabi ko kaya napayuko sya. Dapat lang na masaktan sya! Truth hurts!
"Hindi ko alam kung anong oras kami makakauwi! Hindi ko rin alam kung makakauwi ba kami ngayon. Basta siguraduhin mong malinis ang condo pagbalik namin! Pati yung mga basura mo sa kwarto! Pwede pakialis? Doon na kase ulit ako matutulog eh!" Sabi ko kaya tumango lang sya. Nakita ko pang nagpunas sya ng luha
"Anong iniiyak mo? Aarte ka? Dapat nga ikaw gumagawa lahat ng gawaing bahay dito eh! Yun naman talaga dapat ang ginagawa mo diba? Para ano pa't pinatira ka ng libre dito ni kuya kung hindi ka naman tumutulong! Kahit yun na lang gawin mo para makabayad ka, hindi mo pa magawa! Nakikipaglandian ka lang naman sa nililigawan ng kuya ko!" Di na nya napigil at humagulgol na sya. Tumakbo na sya papunta sa kwarto. Ang arte! Inirapan ko lang sya bago ako lumabas.
Sa parking lot, nakita kong bukad na yung shuttle at nasa loob na sina Adrian at Lyndon samantalang nasa labas pa si Justin.
Pagpasok ko sa loob, inagaw ko agad yung cellphone ni Lyndon.
"Hoy! Walang agawan ng cellphone! Gamitin mo yung iyo!" Sabi nya
"Maglalaro lang ako ng 2fuse." Sagot ko
"Akala ko ba ayaw mo sa 2fuse? Bakit nang-aagaw ka ngayon?" Reklamo ni Lyndon
"Wala kang pakialam!" Sabi ko na lang kaya pinabayaan na nya ako.
"Justin! Nasaan na pala yung nurse mo?" Biglang tanong ni Adrian kay Justin sa labas.
"Pinaalis ko na. Kaya ko naman nang mamuhay mag-isa!" Sagot naman ni Justin
"Bakit??? Masarap pa naman sya sakama!" Sabi ni Adrian
"Anong masarap sakama? Pati pananalita mo, typo?" Tanong ni Lyndon
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...