At Your Service

12 0 0
                                    

Mali pala ang desisyon kong bumaba dito. Wala kaseng nasyadong sasakyan. Hindi naman sya liblib pero malayo lang talaga ito sa highway.

Great! Mukhang lalakarin ko talaga hanggang highway! Dun na lang ako maghihintay ng bus pa-Bolinao.

Habang naglalakad, may kotseng tumigil sa tabi ko at bumukas yung bintana.

"Hey babe! Sakay na!" Sino pa bang ibang tumatawag sa kin ng babe?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay April

"Sinundan ka. At nakita ko ang pagbaba mo sa kotse nila Ally." Inirapan ko na lang sya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Wala na bang ibang nakakaintindi sayo? Wag kang mag-alala. Nandito naman ako." Napatingin naman ako kay April pero hindi ko alam kung anong itutugon ko.

"Sakay ka na. Sundan natin sila sa Bolinao." At dun na nanlaki ang mata ko

"Paano mo nalaman na pupunta kami sa Bolinao?" Tanong ko

"Ibinigay mo yung facebook password mo sa akin, remember?" Oo nga pala. Nung nasa Tagaytay pa kami

"Sumakay ka na nga! Ano? Lalakarin mo hanggang Bolinao? Malayo pa yun no!" Wala na akong nagawa kindi ang sumakay.

- - - - -

Grace' POV

Tahimik lang kami sa kotse na nakarating sa Bolinao. Sa isang beach resort kami nagpasyang magstay.

Pagbaba ko, sinalubong naman ako ni Sansan.

"Teka, nasaan si Kyle?" Tanong nya agad nang makitang walang bumabang Kyle.

"Hayun, nagpaiwan sa gitna ng daan!" Sagot ni Ally

"Ano? Iniwan nyo sya sa daan?" Gulat na tanong ni Sansan

"Eh yun ang gusto nya eh!" Sigaw ni Ally

"Bakit nyo naman sya hinayaang magpaiwan doon? Ano na lang ang mangyayari sa kanya doon?" Sigaw ni Sansan

"Wag mo nga kaming sigawan na parang sinisisi mo kami! Kasalanan ba namin kung masyadong matigas ang ulo ng kapatid mo? Kausapin mo nga kase! Pati girlfriend nya sinisigawan na nya eh!" Sigaw ni Allysa kaya napatingin sa akin si Sansan

"Totoo ba yun Sese?" Tanong nya kaya dahan-dahan akong tumango at yumuko

"Ano bang nangyayari sa isang yun?" Iritado nyang sigaw at inagaw yung susi ng shuttle sa driver nila.

Papasakay na sana sya nang mamataan namin ang isang kotse na pumasok. Halos mapunit ang puso ko nang makita kung sino ang bumaba dun. Si April at si Kyle lang naman na masayang nagtatawanan. Napatingin naman sa akin si Ally at Sansan pero nanatili lang akong nakatingin kina Kyle.

Sakto namang napatingin din sa dako ko si Kyle pero nilagpasan lang ako. Yung parang hindi nya ako kilala? Pati si April tumingin din sakin sabay smirk. Yung ngising parang nakakuha ng malaking tagumpay.

"Hayop kang babae ka!!!" Nagulat naman ako nang biglang hablutin ni Allysa yung buhok ni April. Lumaban din naman si April kaya umawat na kami nila Sansan, Jayson at Kyle.

"Ano bang problema mo ha?" Sigaw ni April kay Ally nang maghiwalay na sila

"Malandi kang babae ka! Tumi-take advantage ka na naman kay Kyle habang magkagalit sila ni Grace!" Sigaw ni Ally

"Excuse me! Tinutulungan ko lang sya no! Iwan nyo ba naman sya sa gitna ng kalsada!" Sagot ni April

"Excuse me din! Hindi kami ang nang-iwan! Sya ang nagpaiwan!" Sagot din ni Ally

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon