Grace' POV
Nakakainis talaga ang batang yun! Ginulo ba naman ang dino-drawing ko?
Nakakainis sya kase nakikita ko sa kanya si Queenie! Magkahalong mukha nila ni Kyle yung bata eh! Kapag nakikita ko yung batang yun parang ibinabalik sa akin lahat ng nangyari? Nakakaasar!
"Grace! Ano daw ginawa mo sa bata?" Tanong ni mommy na basta-basta pumasok sa kwarto ko.
"So nagsumbong na pala yung bata?" Sarcastic kong tanong
"Hindi nagsumbong si Luke!" Sagot ni mommy
"Let me guess! Yung ama nya ang nagsumbong?" Tanong ko
"Hindi sila nagsumbong! Ako ang nagtanong at sinagot lang ni Kyle! Nag-alala lang kami sa bata! Pumunta sya sa amin na umiiyak! Kailan mo ba ititigil ang ganyang ugali mo sa bata ha?" Sigaw ni mommy
"Kung makaasta kayo mommy, parang kadugo nyo yung bata ah! Lalo naman ako! Hindi ko yun anak kaya wag nyo nang asahang aayos ang pakitungo ko sa bata!" Sigaw ko
"Pero anak sya ng boyfriend mo, na magiging asawa mo!" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni mommy.
"Wow! The words, mommy! Kahit kailan hindi na ako makikipagbalikan sa Kyle na yun!" Sigaw ko
"Hindi mo ba sya mapapatawad? Kahit para sa bata man lang! Ayokong lumaki ang apo ko na walang nanay!" Natawa naman ako ng mapait sa sinabi ni mommy
"Paano ko mapapatawad si Kyle? Kita nyo naman yung ginawa nya diba? Umalis ako para magpagamot! Di ko sinabi sa kanya dahil ayokong mag-alala sya! All those times, kahit malapit nng mawala ang memorya ko, sya pa rin iniisip ko! Tapos sya, sasabihin nya na iniwan ko sya! Tapos ano? Babalik sya sa ex nya? Pagbalik ko, malalaman ko na lang na magkakaanak na pala sila! Mommy naman! Alam mo yun!" Sigaw ko
"Oo, alam ko yun! Pero nagbago na si Kyle at nakikita ko yun! Pilit na nga syang lumalapit sayo at inilalapit na rin nya ang anak nya, pero ikaw itong lumalayo at nagtataboy sa kanila!" Napapikit naman ako ng mariin at inilahad ang nakasara kong palad sa harap ng mukha ni mommy na parang pinapatigil sya.
"Yung anak nya! Yung anak nya na naman! Bakit ba pinagpipilitan nyo ni daddy na tanggapin ko yung anak nya bilang anak ko na rin? Hindi yun akin! Galing yun sa babaeng muntik nang pumatay sa akin!" Sigaw ko
"Yun nga! Pero naisip mo man lang ba na walang kasalanan ang bata?" Sigaw ni mommy
"Pero kapag nakikita ko ang batang yun, nakikita ko lang sa kanya ang mukha nila Kyle at Queenie! Paano ko sya matatanggap kapag bawat nakikita ko sya, bumabalik lahat ng masasakit na alaala na iniwan ng magulang nya? Ngayon sabihin mo ma, paano ko sya matatanggap?" Naiyak na lang ako sa sinabi ko. Pati si mommy naiyak na din.
"Baba ka muna. Kain na." Cold na sabi ni mommy at nauna nang lumabas.
Wala na akong nagawa kundi sumunod. Nagugutom na rin ako eh. Tsaka para tuloy-tuloy ko nang gawin itong plate ko. Nakakasar kase ang batang yun.
"Sweetheart, umalis na pala si Kyle. Inuwi na nya si Luke. Hindi ka na nahintay." Rinig kong sabi ni daddy pababa pa lang ako ng hagdan. Napairap na lang ako sa narinig.
"Oh? Sayang naman itong niluto kong hotdog para sa kanya." Sabi naman ni mommy.
"Edi tayo na lang ang kumain." Sabi ni daddy.
"Kain ka na rin." Sabi ni mommy sa akin.
Papaupo na sana ako nang may napansin akong nakahain sa table.
"Ano ito?" Napasigaw na lang ako sa nakita.
"Fishballs. Paborito kase yan ni Luke." Padabog naman akong tumayo at umalis na sa hapagkainan. Nawalan ako ng gana eh.
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...