Nagising na lang ako na nasa loob ng kulay rosas na kwarto. Teka, nasaan ako? Imposibleng nasa hospital ako! Naalala ko na yung nangyari pero ang pinoproblema ko na lang ngayon kung nasaan ako? Saan ito???
"Hi paps! Good morning! Gising ka na pala!" nagulat naman ako nang pumasok sa kwarto ang isang babae na kaedad ko lang
"Teka, sino ka? Nasaan ako?" tanong ko sa kanya
"I'm Allysa! Nasa kwarto ko ikaw! By the way, hetong soup mo! Gawa ko yan!" pagmamalaki nya
"Sorry miss pero kailangan ko nang umuwi. Salamat na lang sa soup." sabi ko at tatayo na sana nang naramdaman ko ang hilo ko at natumba ako sa kama
"Oh, chill paps! Pahinga ka muna. Tignan mo, ang init mo pa! Baka mapaano ka dyan sa daan!" sabi nya sa akin habang inaalalayan nya akong umayos ng higa
"Teka nga, paano ba ako napunta dito sa kwarto mo?" tanong ko sa kanya
"Galing kami sa trip ng mama ko nang nakita ka na lang namin na walang malay sa gitna ng ulan sa gitna ng kalsada kaya inuwi ka muna namin!" sabi nya sabay bungisngis. Medyo napangiti naman ako sa bungisngis nya pero pinigilan ko. Di ko na lang sya pinansin tsaka sinubukan kong kunin yung soup pero iniwas nya
"Akala ko ba akin yan?" tanong ko sa kanya
"Oo nga! Pero ako magpapakain sayo kyah!" sabi nya
"Kyah? Kanina paps! Ano ba talaga?" tanong ko kaya bahagya syang nag-isip
"Gwapo? Tama! Gwapo na lang itawag ko sayo!" at di ko na nga napigil ngiti ko dun
"Wahh! Napangiti kita cute! Ang cute mo pala kapag nakangiti! Bagay talaga tayo!" nagulat naman ako sa huli nyang sinabi. Medyo namula pa nga yata ako kaya umiwas ako ng tingin
"My gawd! Namumula ka!!!" at napansin talaga nya!
"Ano? Hindi ah! Pinaglihi lang talaga ako sa apple! Akin na nga yang soup! Kaya ko na!" sabi ko
"Anong kaya mo na? Sa ayaw at sa gusto mo ako ang susubo sayo!" kaya wala na akong nagawa kundi magpasubo. Nung una, naiilang pa ako pero habang tumatagal, napapansin kong maganda pala sya! Ang ganda nya sa malapitan!
"Oy! Si koya! Natutulala sa beauty ko!" napansin na naman pala nya
"Hindi ah! Ang cute kase ng lamok nyo dito sa bahay nyo! Personalized mosquito? Hayan nga oh, nasa noo mo!" sabi ko at pinitik sya sa noo.
"Aray ko! Masakit yun ah!" reklamo nya pero hindi ko napansin pareho na pala kaming nagtatawanan
- - - - -
Alas tres na ng hapon pero nandito pa rin ako sa kwarto ni Allysa. Hindi ako pinayagan eh. Baka mabinat daw kase ako. Kaninang tanghalian, ganoon pa rin, sya pa rin nagpakain sa akin kahit kaya ko na. Nakakapaglakad na nga rin ako eh. Kanina nilibot ko itong kwarto nya at napakadami nyang abubot sa kwarto. Pero ang napansin ko, may isang family picture na naka-frame sa bed-side table nya. May isang lalaki sa likod na pinunit yung sa bandang mukha. Daddy nya siguro? Wag ko na lang itanong kase hindi pa kami close.
"Kyah! Alas tres na! Kain tayong sandwich oh!" sabi ni Allysa na pumasok dala ang tray ng dalawang sandwich at dalawang baso ng milk tea yata yun?
"Salamat na lang sa effort Allysa pero kailangan ko na talagang umalis! Kailangan ko nang magbihis ng tunay na damit na panglalaki!" sabi ko. Eh paano, naka-shorts ako. SHORTS!!! Ang ikli! Yun na daw pinakamahaba nya pero hanggang taas pa rin ng tuhod ko eh! Nakakatakot ngang maggalaw at baka sumilip si Hayden Kho! Buti na lang checkered yung short kaya hindi halatang pangbabae. Yung pantaas ko naman, ewan ko lang kung mahalata nyong pambabae. Yellow na T-shirt na may tatak na tweety bird. Sobrang fitted alam nyo yun? Damit ng babae eh tsaka maliit katawan ni Allysa kumpara sa akin
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...