FC: Contract

11 0 0
                                    

Kyle's POV

Dala ang briefcase kong laman ang isang milyon, dumiretso na agad ako sa isang mamahaling resto kung saan pinili ng ka-meeting kong makipagkita.

Nang nasa resto na ako, ang daming tao! Paano ko hahanapin ang taong di ko naman alam ang itsura at buong pagkatao?

Tinawagan ko naman ang numerong ibinigay nya kagabi. Actually ngayon ko lang sya makakausap. Hanggang chat lang kami eh.

"Hello? Nandito na ako. Nasaan ka na?" Tanong ko

"Sa table 13!" Napataas naman ang kilay ko. Babae? Tsaka sounds familiar?

Ibinaba ko na yung telepono at nagpunta na sa table 13.

Habang papalapit ako, kita ko agad ang babae na may maiksing buhok. Hindi naman ganoon kaiksi, below shoulder.

"Hi! Good mornin... Ikaw?" Nawala naman ang ngiti ko nang makita si Grace na nakaupo dun.

Imbes na sumagot, ngumisi lang sya sa akin.

"Bakit ka nandito? Alam mo bang reserved na ang mesang ito?" Sabi ko pero kinumpas lang nya yung kamay nya para tawagin yung waiter.

"Umalis ka na nga dito! May ka-meeting ako! Baka mamaya isipin kong ini-stalk mo ako?" Sabi ko na nakataas ang kilay at nakangisi.

"Isa ngang special coffee! Yung pinakamahal!" Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya.

"Ang kapal ng mukha mo! At talagang nag-order ka pa! Umalis ka nga! Baka nag-CR lang yung ka-meeting ko!" Sabi ko.

"Ikaw? Hindi ka oorder? Baka naman namamahalan ka?" Nakangisi nyang tanong kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Hindi ah! Kaya ko ngang bilhin itong buong resto!" Pagmamayabang ko

"Talaga lang ah! Sige na nga! Dalawang pinakamahal na kape! My treat!" Sabi nya

"No! Ako na ang magbabayad nung sa akin!" Sabi ko

"Ikaw bahala!" Nakangising sabi ni Grace kaya umalis na yung waiter.

Nang nakaalis na yung waiter, isang nakakabinging katahimikan at napakabigat na hangin ang naiwan sa amin ni Grace.

Sinasamaan ko naman ng tingin si Grace dahil sa titig at ngisi nya sa akin. Nakakaasar! Sinasamaan ko na lang sya ng tingin. Bakit ba kase nakikitable pa ang babaeng ito dito? Nakakahiya sa ka-meeting ko.

Speaking of ka-meeting, nasaan na kaya yun? Kanina pa yata sa CR ah! O baka naman umalis na dahil sa tagal ko? Dumating na nga ang order namin, wala pa sya! Matawagan nga!

Nang nai-dial ko na ang numero nya, sakto din namang may tumawag kay Grace.

"Lumayo ka nga kapag sagutin mo yan! May kakausapin din ako!" Iritado kong sabi sa kanya.

Imbes na sumagot, ngumisi lang sya at sinagot pa rin ang tawag.

"Hello? Are you ready sa meeting? Mukhang wala ka yata sa mood ah!" Namutla naman ako nang ang ka-meeting ko at si Grace ay iisa. Sya pala yun???

Dahan-dahan ko namang ibinaba ang cellphone ko at nag clear throat. Kailangan ko munang lunukin pansamantala ang pride ko. For the sake of business.

"Ehem... Here's my one million. Hope na mapalago mo." Formal kong sabi sabay abot ng briefcase.

"Sure ka bang 1 million ang laman nito?" Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya

"Naman! Anong akala mo sa akin? Dudugaan pa ba kita?" Sagot ko

"Naninigurado lang. Akala ko kase naghihirap ka na." Mas lalong nakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Ako? Maghihirap? Nah!" Sabi ko na lang

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon