Epilogue: 1 of 4

7 0 0
                                    

Kyle's POV

Dala ang isang bouquet ng roses at isang lalagyan ng binagoongan at kanin, bumaba ako ng sasakyan ko dito sa ampunan malapit sa hill.

"Kyle, napadalaw ka?" Bungad ni Lito na kasalukuyang naninirahan at nagtratrabaho sa ampunan.

"Oo. Dadalawin ko lang si Grace." Sagot ko

"Limang taon na rin." Sabi ni Lito at napabuntong hininga.

Ngumiti na lang ako ng tipid saka umakyat na sa hill.

"Grace, para sayo. Happy anniversary!" Bati ko sabay lapag ng mga bulaklak at pagkain sa tabi ng lapida ni Grace.

Tama, dito nga namin ipinalibing si Grace sa taas ng burol, kung saan kami unang nagkita.

"Ang ganda ng view dito sa taas ng hill diba? Naaalala mo pa ba nung unang beses tayong nagkita dito sa burol? Hanggang sa kasal natin na dito rin ginanap? Ang dami na talaga nating pinagdaanan no? Ang dami na palang nangyari." Pagkwento ko habang hinahaplos ang lapida ni Grace.

"Kumusta ka na? Alam kong payapa ka na kung nasaan ka man ngayon. Sana naman masaya ka na dyan dahil masaya na kaming lahat dito." Natigil naman ako at napatingala.

"Sila lang pala. Paano ako magiging masaya kung wala ka na?" Naiyak naman ako sa huli kong sinabi pero pinigilan ko.

"Nga pala, nadaanan ko kanina si Lito sa baba. Masyadong minahal ang ampunang pinanggalingan eh. Hanggang ngayon nagtratrabaho pa rin sya doon...

...Si Joseph naman, hayun bungol pa rin hahaha! Pero wag ka! Sobrang close na nila ni Judy! Lagi nyang sinasamahan sa hospital! Minsan nga akala ko nabuntis na nya si Judy hahaha! Joke lang! Yung sa sakit sa mata ni Juday...

...Happy together nga pala hanggang ngayon sina Christian at April! Sobrang kumikita talaga lahat ng negosyo at company nila! Akalain mong isang business man at isang architect ay perfect together? Kahit sobrang hectic na kani-kanilang schedule, may time pa rin sila sa isa't-isa! Ang kaso, wala pa daw sa plano nila ang magkaanak at magpakasal! Ewan ko nga sa kanila! Buti pa sina kuya Drex at Via..."

Natigil naman ako sa pagkwento at napabuntong hininga na lang nang may naalala ako.

"Iniwan ko na nga pala si Lia kina kuya Drex at Via. Iniwan ko na sya sa tunay nyang ama." Sabi ko kaya napabuntong hininga na naman ako.

Tama nga, ako ang nag-alaga at nagpalaki kay Thalia mag-isa. Ginive up ko na nga trabaho ko para lang maging full time daddy kay Lia. Nandyan naman sumusuporta ang tunay nyang daddy na si kuya Drex. Actually sya na ang bumubuhay sa amin ni Thalia. Binibigyan nya kami ng allowance buwan-buwan.

Actually pati sina Christian at April ay tumutulong din sa amin. Sobra-sobra daw kase ang kinikita ng kanilang mga negosyo at company para sa kanilang dalawa lang. Dahil si Thalia pa lang naman ang nag-iisa nilang inaanak, at nalaman nilang tumigil ako sa trabaho, nag-volunteer na sila na bigyan din kami ng monthly allowance. Pati nga bayarin sa bahay, sina Christian at April na ang umako.

Si Judy naman, tumawag nung nakaraan. Humihingi ng tawad dahil daw hindi sya makapagbibigay ng tulong. Siyempre naiintindihan ko naman dahil may sakit sya na dapat pina-priority nyang paglaanan ng pera!

Ganoon din si Joseph. Actually gusto nyang tumulong. Ako na ang nagsabi sa kanya na wag na lang. Sabi ko ilaan na lang nya ang pera sa mga gastusin ni Judy. Nung una nagalit sya. Bakit ko daw nilalagyan ng malisya ang pagtulong ni Joseph sa kainigan nya? Kaibigan daw? Utot nya! Sinong niloko nya? Papunta pa lang sya, pabalik na ako! Lalaki sya, lalaki ako! Alam na alam ko yan! Tsaka ilang taon na kaming magkaibigan nyan kaya bawat hininga at utot nya alam ko na ang ibig sabihin! Lagi nyang sinasamahan si Judy sa check up! Tsaka ibang care ang ipinapakita nya kay Judy. Care na ni minsan, hindi ipinaramdam ni Joseph sa amin. Pero kahit ganoon, sobrang proud pa rin ako kay Joseph dahil nakahanap na sya ng babaeng nakapagpabago sa kanya.

Hindi na nga rin pala ako humingi ng tulong kay Lito. Nagvo-volunteer kase si Lito sa ampunan na walang bayad. Binibigyan naman sya minsan ni kuya Drex ng pera kaso ginagastos lang nya ito para sa mga bata sa ampunan.

Sina Lester at Jayson naman, nangibang bayan na rin. Magkasosyo na ang dalawa sa mas lumalawak na bar ni Jayson. Kumita at sumikat na eh.

Chirp... Chirp... Chirp...

Nabasag naman ang pagmumuni ko nang maulinigan ko ang mga crickets dito sa hill, sign na pagabi na. Tatlong beses lang kaseng tumutunog ang mga crickets. Umaga, hapon o gabi, at kapag malapit nang umulan.

"Grace, narinig mo yun? Papagabi na pala! Tara, kain tayo!" Sabi ko at binuksan na ang lagayan ko ng kanin at binagoongan saka ako kumain.

Habang kumakain, pasulyap-sulyap pa ako sa lapida ni Grace saka pangiti-ngiti lang.

Habang kumakain, natigil ako nang biglang kumirot ang ulo ko kasabay ng sobrang hilo. Pero kahit ganoon, mas lalo akong natuwa.

"Grace! Ang sarap ng luto ko! Alam mo ba ang secret ingredient ko? Lason!" Kasabay nun ay ang paghina ng kamay ko kaya nabitawan ko ang hawak kong binagoongan at natapon yun sa mismong lapida ni Grace. Susubsob pa sana ang mukha ko sa lapida, pero naisangga ko ang dalawa kong kamay sa lupa. Gamit ang mga natitira ko pang lakas, pinunasan ko ang lapida para makita nang one last time kahit ang pangalan lang ni Grace. Na kahit kailan, tanging pangalan lang na nakatatak sa puso't kaluluwa ko.

"I...ihahanda ko na m...mamaya yung... yung ulo k...ko! Alam kong... Al...alam kong... ba-batukan ko ak-ako dahil... dahil sa gin-ginawa ko." At doon na ako naiyak.

"G-grace! Ho-honey ko! Mal-malapit na tay-tayong magkasama ulit!" At di na nga nakayanan ng katawan ko at sumubsob na ako sa mismong lapida ni Grace. Kahit nahihirapan, hinaplos ko pa rin ang pangalan ni Grace sa lapida.

"I love you, Grace! Happy anniversary! See you later!"

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon