Kyle's POV
Nandito ako ngayon sa loob ng kotse ng mga aampon sa akin
"Oh, Kyle! Ayos ka lang ba?" tanong nung babae
"Hindi po masyado. Mamimiss ko po kase sina ate Wilma, sina Lito tsaka sina sister." sabi ko habang nagpipigil ng luha
"Ayos lang yan baby. Dadalaw naman tayo dito every Saturday eh." sabi ulit nung babae kaya napatingin na lang ako sa likod ng kotse para tignan sina ate Wilma na nagwa-wave sa akin
"Mamimiss ko din po yung cricket hill." sabi ko ulit
"Madadalaw mo din naman yan pagbalik mo eh. Pero sa ngayon, uuwi muna tayo. Tiyak magugustuhan mo yung room mo!" sabi naman nung lalaki
"Talaga po? Yehey! Thank you po!" sigaw ko
"Daddy na lang itawag mo sa akin. Tapos mommy na rin itawag mo kay mommy mo." sabi ni daddy
"Yes mommy! Yes daddy!" masigla kong sagot.
"Pero bago yan, kain muna tayo sa labas tapos bibili pa tayo ng madaming-madaming toys at damit mo. Gusto mo ba?" tanong ni mommy
"Yes po! Yehey!" sigaw ko ulit.
After nun, kumain kami tapos nagshopping kami. Yung room ko, ang laki! Ang ganda! Ang daming toys! Ang laki ng bed ko!
Every morning, nagplaplay kami nila mommy at daddy. Tapos kapag afternoon naman nagluluto kami. Tapos kapag night na, nagre-read at nagw-write kami ni dad.
Ang saya dito! Mas masaya pala dito kesa sa ampunan!
Saturday, hindi nila ako pinayagan kase walang maghahatid daw sa akin. Busy kase sila. Pati nga pagluluto ng pagkain ko, ako na mismo nagluluto. Binibigyan na lang nila ako ng pera ko weekly. Oo sapat na yun, pero mas gusto ko pa rin yung nandito sila. Namimiss ko na tuloy sila sa ampunan. Pati yung cricket hill.
After 5 years,
Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa room ko. Ito kase ang unang araw ko bilang grade 6. Habang papasok ako, may isa akong babaeng nakita na nakaagaw ng atensyon ko
"Ate, ayos ka lang?" tanong ko sa kanya kase nakaluhod sya habang nakaharap sa tanim. Hindi naman sya sumagot kaya ako na ang lumapit sa kanya. Nagulat naman ako nang nakita kong may inhaler sya at putlang-putla na nya
"Teka, ate? Uy ate ayos ka lang?" aligaga kong tanong
"W-wag mo ak-akong t-tatawaging ate!" nanghihina at hinihingal nyang sagot
"Oh, sorry naman daw! Pero ayos ka lang ba? Dalhin na ba kita sa clinic?" tanong ko
"H-hindi! K-kumanta ka!" napatayo naman ako sa sinabi nya
"B-basta! K-kumanta ka! K-kantahan mo ako!" sagot nya
"Its my liiife! Its now or never! I ain't gonna live foreveer! Tenenenenen! Yeah!" pagkanta ko naman na feel na feel ko pa
"Y-yung nakaka... Y-yung n-nakakarelax n-na k-kanta!" sigaw nya
"Sorry naman! Malay ko ba! Anong gusto mo? Every night in my dreams. I see youu, I feel youuu!" sabi ko kaya tumango-tango sya na parang sinasabing ituloy ko
"Seryoso ka? Gusto mo sa boses ko? Bahala ka! Itutuloy ko pa rin. Ehem... Neeear, faaar! Whereeever you are... I believe that the heart does go ooon!" feel ko pa yung kanta habang naka-open arms pa nang biglang may humawak sa braso ko
"T-tama na! A-ayos na! L-lalo akong aatakehin sa boses mo eh!" sabi nya na nakatayo na sa harap ko
"Sabi ko na nga ba eh, napakabanal ng boses ko! Nakakapagpagaling ng sakit ba?" sabi ko sa kanya
"Che! Hindi kaya! Natakot lang yung sakit ko sa boses mo kaya nawala! By the way, may kasama naman na ako. Pwede bang magtanong ng room dito?" tanong nya
"Saglit lang, sure kang ayaw mong magpadala sa clinic?" tanong ko sa kanya
"No need. Actually kapag umaatake yung sakit ko sa puso, ginagamit ko lang yung inhaler ko tsaka ako lalapit sa mga halaman para may oxygen. Nakikinig pa ako sa mga nakakarelax na kanta para naman marelax ako. Thanks to you, natakot yata yung sakit ko sa boses mo!" sabi nya kaya nangiwi ako
"Grabe talaga! Pasalamat ka na lang at kinantahan ka ng isang gwapong tulad ko! By the way, I'm Kyle Fernando. Grade 6. Section A." pagpapakilala ko.
"Section A? Doon din ako eh. Pasabay na lang ako! I'm Queenie by the way." pagpapakilala nya kaya nag-shake hands kami
Pagpasok ng room, agad akong sinalubong ng mga tropa ko
"Uy binata na si Kyle oh! May kasama nang chicks!" kantyaw nung isa
"Grabe! Si Queenie nga pala, bago nating kaklase." pagpapakilala ko kay Queenie
"Hi guys! Hope na maging friends tayong lahat!" sabi ni Queenie
"Kahit more than friends pa eh!" sabi ng isa kaya nagtawanan silang lahat
"Grabe talaga! Wag ganoon!" sita ko sa kanila
"Selos ka naman?" sabi nila. Hindi na ako nakasagot at napakamot na lang ng batok tsaka yumuko. Narinig ko namang natawa si Queenie kaya nahihiyang humarap ako sa kanya. Ang ganda pala nya grabe!
At yun na nga, buong grade 6 ko kami lagi ang magkasama ni Queenie. Lahat ng tungkol sa akin, alam na nya. Lahat naman ng tungkol sa kanya alam ko na rin. Ganyan kami ka-close. Lahat kase ng problema ko sa bahay sa kanya ko nasasabi na ni minsan hindi ko nasabi sa mga tropa ko. At yun na nga, nahulog ako sa kanya. Niligawan ko at sa loob lang ng apat na araw sinagot na nya ako. Sabi nga nya hindi daw nasusukat sa haba ng panliligaw kung mahal mo ang isang tao.
Author's Note:
Cut! Hanggang dito na muna ulit. Oo, alam kong jeje. Mga jejemon pa sila kase mga bata pa naman. Pagbigyan na. Basta yung sa unang part, yun yung continuation ng isang chapter sa kwentong Baryo. Ayos lang naman kung hindi nyo pa yun nabasa. Pero kung gusto nyo pa ring basahin, 'Past Life' yan po pangalan ng chapter na yun. See you next chapter guys! Hahahaha
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...