Happy 75th chapter for me and for you, guys! Can't believe na aabot ako dito!!!
By the way, here's a very special chapter for you guys!!! Hope you like it!!!
😊😍🤗
- - - - -
Grace' POV
Miyerkules na pero di pa rin nagpaparamdam ang ama ng batang nakatira sa bahay ko! Aba! Ano, ako na lang lagi magluluto ng ulam nya at maghuhugas ng pinagkainan nya? Buti na lang itong batang ito ang tagaluto ng kanin namin. Ayos na yun!
Hindi naman masyadong hasel ang pag-absent ko ng tatlong araw. Sa tatlong araw kase na yun, sinisend naman sa akin ng classmates ko ang mga assignments at projects namin. Ginagawa ko yun at sinisend din via online. Buti na lang talaga hindi writen kundi patay ako! Maraming magagalit kapag iwanan ko itong bata. Ayoko namang dalhin sya sa university! Duh!
Kinahapunan, magte-take na sana ako ng gamot ko pero naubos na pala. Patay kang bata ka!
Hindi naman siguro babalik ang Alzheimer's ko kapag isang gabi akong hindi iinom nitong experimental pills diba?
Nagtungo ako sa kwarto ni Luke at nakatulog na sya. Ang aga ah! 5 pa lang!
Sakto, tulog na sya. Kailangan kong lumuwas para makakuha ulit ng pills na ito. Kaya nag-ayos agad ako damit at nagtungo na sa terminal ng bus pa-Manila.
- - - - -
Lester's POV
Grabe, for the nth time, ginabi ako ng uwi galing trabaho. Napaka kase ng boss ko! Over maka-demand ng over time! Kaya no choice kami kundi mag-over time talaga! Nakakainis!
Dito nga pala ako sa Asian Hospital nagtratrabaho. For your info, nursing po ang kinuha kong course. Nakakabakla para sa iba pero itong gusto ko eh. At sinuwerte naman ako at nakahanap ako agad ng trabaho.
Mahirap sya talaga! Hindi naman sa mahiral ang sched ko. 12nn ako hanggang 10 ng gabi. Ayos na sana yun para sa akin eh. Pero dahil nga sa dami ng pasyente ngayon, umabot ako hanggang 12!
Ngayon, papalabas na sana ako at papaliko na sa pasilyo nang dumaan sa harapan ko si Grace. Nung una, akala ko namalik-mata lang ako. Pero sya talaga!
Galing sya sa office ni doc Carino. Ano naman kayang ginagawa nya dito? Therapy kaya? Operation para sa utak nya? Sa pagkakaalam ko, matagal na syang walang Alzheimer's eh!
Imbes na habulin at kausapin si Grace, pinili kong tawagan na lang si Allysa.
"Ano? Gabi na ah! Buti gising pa ako!" Walang gana nyang tanong.
Hanggang ngayon kase iniiwasan ko pa rin sya. Mula pa nung sinabihan ako ni Derrick noon.
Tanggap ko na na hanggang tingin na lang ako sa kanya. Pero hindi pa rin ako susuko. Hihintayin ko na lang ang right time!
"Nakita ko si Grace!" Panimula ko
"Oh? Buti nakadaan ka dyan sa bahay nila!" Sabi nya kaya napatampal ako ng noo.
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...