"Umaygas! What a great morning mga igan!" sigaw ni Adrian pagkagising nya
"Napakagandang araw para magluto ng masarap na breakfast!" dagdag pa nya habang papunta sa kusina pero nagulat na lang sya nang makita si Lito na nakahanda na ng almusal
"T-teka. Ikaw yung lalaki kagabi diba? Dito ka na nakatira? Akalain mo nga naman! Hinanda mo ito?" Tanong ni Adrian. Sasagot pa sana si Lito nang biglang dumating si Zandrex
"Lito nandyan ka lang pal... Gawa mo yan?" Gulat ding tanong ni Zandrex
"Opo kuya." Sagot ni lito
"Ano ba! Wag mo akong tatawaging kuya! Pero salamat ah! Ngayon lang ulit kami makakakain ng tunay na pagkain!" Sabi ni Zandrex at nauna nang kumain
"Ano pong ibig nyong sabihin? Instant foods lang po a kinakain nyo dito?" tanong ni Lito
"Hindi naman. Kaso si Adrian kase ang tagaluto namin. Nakakasawa na kayang kumain ng sunog!" sagot ni Zandrex kaya natawa si Lito
"Grabe naman yung sunog!" reklamo ni Adrian
"Eh totoo naman eh! Kung hindi sunog, matabang o maalat!" sabi ni Zandrex at nagtawanan na naman sila ni Lito
"Sige ganyan ka! Hindi na tayo bati!" pagmamaktol ni Adrian na parang bata kaya nagtawanan silang tatlo.
Zandrex' POV
Pagkatapos naming kumain,
"Nga pala Lito, tara sa mall. Ibibili kita ng mga gamit mo." Sabi ko sa kay Lito
"M-mall? Teka, bakit sa mall? Sa may palengke na lang! Sa may tiangge! O sa ukay-ukay! Doon na lang! Mas mura doon!" sagot ni Lito kaya sinamaan ko sya ng tingin
"Kung yung presyo lang naman basehan mo, wag mo nang alalahanin yun! Leave it to me! Ako nang bahala." sabi ko at nauna nang tumayo mula sa hapag kainan
"Teka, saan ka pupunta?" tanong ni Lyndon na nakisabay na rin kanina na kumain kasama si Justin
"Sa mall! Mygass! Kakasabi ko lang diba?" pambabara ko sa kanya
"Hoy, sinasabi ko na nga ba eh! Mula ngayon lumayu-layo na tayo kay Lazaro! Pati expression nya nagagaya na ni Zandrex eh." sabi ni Adrian. Minsan kase nagiging expression ni Lazaro ang mygass!
"Teka sama ako!" sabi ni Lyndon
"Naman! Kailangan namin ng tagabitbit, hahaha!" pang-aasar ko kaya nag-make face na lang sya at umiwas na ng tingin.
"Hindi pwedeng hindi ako sasama! Malay mo, may mga babae doon?" napangiwi naman ako sa sinabi ni Adrian
"Ikaw ba Mr. Sungit? Sama ka?" tanong ko kay Justin
"Ayoko nga! Edi kayo!" sigaw nya
"Edi wag! Makasigaw ka naman!" sigaw ko pabalik. Kaya yun, nagsibihis na kami at pumunta na ng mall.
- - - - -
Sa mall, binilhan ko lang naman si Lito ng gamit nya mula pambahay na damit, panglabas, mga school supplies. Basta lahat ng kailangan nya.
Habang naglalakad kami palabas ng mall, nagtitinginan sa amin ang mga tao lalo na ang mga babae. Itong si Lyndon, chill lang. Ngingiti lang. Si Adrian ang todo pa-cute. Kindat ng kindat! Nakakadiri! Kaya eto ako ngayon diretso lang ang tingin. Wala akong pakialam sa kanila.
Habang naglalakad nga kami, nakasalubong namin si Allysa kasama ng boyfriend nya. Kyle yata pangalan sa pagkakatanda ko? Yung kumanta kagabi?
"Allysa!" pagtawag ko sa kanya
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...