Allysa's POV
Alas sais pa lang ng umaga, sinundo na ako ni Jayson sa bahay. Actually, ako ang nagrerequest na ganitong oras ako sunduin. Medyo dead end din kase yung amin gaya nung kina Grace.
Nang nasa may kanto na kami ni Jayson,
"Allysa!" nagtaasan naman ang balahibo ko nang makita ko si Lester. Kasama pa nya sina Danilo at Derrick sa tabi nya. Naging alerto naman si Jayson at hinila nya ako sa likod nya.
"Jayson, tara na." sabi ko at umiwas kami ng daan.
"Ally, sandali lang." nagulat naman ako nang higitin ako sa braso ni Lester
"Lester, nasasaktan ako!" sigaw ko
"Allysa, mag-usap tayo." sabi nya at tuluyan na nya akong hinila
"Lester ano ba! Masakit!" sabi ko pero mas hinigpitan pa nya ang hawak sa braso ko
"Pare! Wag namang ganyan! Ayaw na ngang sumama ng tao sayo eh." mahinahong sabi ni Jayson nang hinawakan ako sa kabilang braso
"Wag ka ngang mangialam dito pare!" sigaw ni Lester at sinuntok si Jayson. Agad ding tumayo si Jayson at sinuntok din si Lester. To the rescue naman sina Derrick at Danilo at binugbog at pinagkaisahan din si Jayson
"Hoy! Tama na yan! Tulong! Mga kuya tulong!" sigaw ko sa mga tricycle driver sa paligid. Agad naman silang umawat at inilayo ang tatlo kay Jayson.
"Anong nangyayari dito?" tanong ng isang rumondang tanod.
"Silang tatlo po. Binugbog po nila itong kasama ko." sabi ko at nilapitan si Jayson na nakahiga pa rin sa kalsada habang duguan.
"Kayong tatlo, sumama kayo sa barangay hall! Mang Isko! Pakihatid itong dalawa sa pagamutan." sabi nung tanod at umalis na kasama ng tatlo.
"K-kuya. S-sa bahay na lang po." nanghihinang sabi ni Jayson
"Sigurado ka?" tanong ko
"Oo, itutulog ko na lang ito." sabi nya at ngumiti
"Wag ka ngang ngumiti dyan! Nahihirapan ka na nga! Kuya pahatid kami sa bahay nya." sabi ko sa driver
"A-ako lang po. I-ihatid nyo n po si Ally sa SB." sabi ni Jayson
"Nababaliw ka na ba? Bakit naman kita iiwanan? Sasama ako sa bahay nyo! Aalagaan kita!" sabi ko kaya hinawakan nya ako sa kamay at tinitigan sa mata.
"Ally! Ayokong lumiban ka sa klase! Ayos lang ako, basta ba nakita kong hindi ka nila sinaktan, masaya na ako. Pumasok ka na please." nahipnotismo naman ako sa titig nya kaya napatango na lang ako.
- - - - -
Kyle's POV
"Kyle, sabay ka na sa amin mamaya ha? Sunduin na rin natin si Grace." sabi ni kuya Drex kaya tumango ako
"Si Via, daanan muna natin mamaya. Sunduin din natin sya." nakangiting sabi ni kuya Drex
"Uhm, katext ko sya kanina. Nasa SB na sya ngayon. Maaga daw syang pumasok kase may aasikasuhin daw sya sa Student Council Office." sabi naman ni Lito
"Katext mo sya?" mahinang tanong ni kuya Drex
"Oo kuya!" Sagot ni Lito saka tumawa na parang kinikilig. Si kuya Drex naman nanatili lang na tahimik na nakatitig kay Lito. Anong meron?
Pasimple ko namang siniko si kuya Drex. Tinignan nya ako at nag-usap kami gamit ang tingin. Kinuha naman nya yung cellphone nya at ibinigay sa akin.
Zandrex:
Hello Via! Good evening!Via:
Good evening Drex. Pwede mamaya ka na magtext? Busy ako eh.
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...