FC: Moment of Truth

8 0 0
                                    

Zandrex' POV

Kasalukuyan kaming nasa loob ng hospital room ni Grace kasama si Via, Kyle at Joseph.

Nakatayo lang ako sa may pinto samantalang nasa may paanan naman ni Grace si Kyle. Sina Via at Joseph tahimik lang na nakaupo sa may sofa.

One more thing, di pa alam ni Kyle ang tungkol sa Alzheimer's ni Grace.

"Guys! Gising na si Grace! Honey ko! Anong nangyari sayo? Bakit ka nahimatay? May masakit ba sayo? Ayos ka na ba?" Sigaw ni Kyle kaya nagkatinginan kaming tatlo nila Via at Joseph.

"Sino ka?" Mahinang tanong ni Grace kaya napatingin sa akin si Kyle.

"Honey ko naman! Hanggang ngayon ba? Sorry na! Diba sabi ko namang hindi na magiging kami ni Via? Diba Via? Wag ka nang magselos honey ko!" Sabi ni Kyle.

"Anong honey ko?" Tumingin naman sa akin si Grace "Sino ka?" Baling nya sa akin kaya lumapit ako sa kanya.

"Sese, ako si Sansan! Remember? Sya naman si Kyle!" Pagpapakilala ko.

"Sansan? Kyle? Sino kayo?" Tanong pa rin ni Grace.

"Grace ako naman! Hulaan mo kung sino ako dali!" Sabi pa ni Joseph habang masayang patungo sa kama ni Grace.

Di pa nakakarating si Joseph sa kama nang habulin sya ni Via at sinabunutan ng malakas.

"Jose! Umayos ka!" Pabulong na sigaw ni Via habang sinasabunutan nya si Joseph pabalik sa sofa.

"Teka nga! Anong nangyayari? Kung galit ka sa akin, wag mo na silang idamay sa drama mo? At kayo naman! Anong drama na nagpapakilala pa kayo sa kanya?" Sigaw ni Kyle.

"May Alzheimer's disease si Grace!" Deretsahan kong sagot.

Saglit namang natigil si Kyle. Pero nnag makabawi ay tumawa sya ng malakas.

"Alzheimer's? Nagpapatawa ka ba kuya? Paano sya magkakasakit ng Alzheimer's eh napakalusog nya! Imposibleng magkakasakit sya! Tell me its a joke! Prank ba ito? Where's the hidden camera?" Sabi ni Kyle.

"Panahon na para malaman mo! May Alzheimer's sya, matagal na! High school pa lang tayo, may Alzheimer's na sya!" Sigaw ko

"Hahaha! Imposible kuya! Napakaimposible! Kung may sakit sya noon, bakit hindi ko alam? Bakit walang signs?" Naguguluhang tanong ni Kyle.

"Dahil naging bulag ka!" Nagulat naman ako nang sumigaw si Joseph at tumayo. "Natuon lang ang atensyon mo noon kina April at Queenie! Alam mo bang si Grace mismo ang nagsabi sa amin na wag sabihin sayo? Dahil ayaw nyang masaktan ka! Lalong ayaw nyang mahati ang atensyon mo! Ayon nga sa kanya, ayos lang na sya ang masaktan kesa ikaw! Ayos lang na sya ang nahihirapan!" Dagdag pa ni Jose. Wow! Coming from him?

"Teka nga! Dati pa alam mo na rin?" Tanong ni Kyle.

"Alam naming lahat!" Si Via naman ngayon ang tumayo dahil sa tensyon.

"Alam nyong lahat? Ang galing! Ni isa sa inyo wala man lang nagsabi sa akin? Anong klaseng mga kaibigan kayo?" Mahinang tanong ni Kyle.

"Its for the best!" Sagot ko

"Best? Naglihim kayong lahat sa akin!" Sigaw ni Kyle.

"Dahil yun ang tama! Mygass Kyle! Wake up! Lahat na nga ng ito, para sayo! Para sa kapakanan mo! Hindi lang para sa amin! Naglihim sayo si Grace dahil ayaw ka nyang masaktan! Buksan mo nga mata mo Kyle!" Sigaw ni Via.

"Tama! Mahirap ipaliwanag ang lahat! Kaya sana naman subukan mo kaming intindihin! Lawakan mo ang point of view mo!" Pakiusap ko.

"Sinasabi mong makitid utak ko? Wag mo na ngang pagtakpan ang kasinungalingan ninyong lahat!" Sigaw ni Kyle.

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon