Kyle's POV
March na pala. Ang bilis ng panahon.
Mula nung nasipa ni Allysa si April sa puson, hindi na muling nanggulo pa sa amin si April. Lalo na sa akin. Wala, para lang syang ordinaryong estudyante na walang paki sa iba. As in parang hindi nya kami kilala kung umasta. Hindi ko nga alam kung kakabahan ako o matutuwa.
Nga pala. Nakauwi na si Lito sa condo. Dahil dun, mas lalo silang naging close ng kuya ko. Nakakaselos lang! Kaya madalang ko nang kausapin si kuya Drex. Kinakausap ko lang sya kapag kinakausap nya ako. Parang wala nga lang sa kanya eh. Eh kase naman, si Lito pa rin katabi nyang natutulog eh.
Ako naman, tuloy pa rin sa trabaho ko. Nung monthsary nga namin ni Grace, dinala ko sya sa Baguio. Siyempre sariling ipon ko ginamit ko. I'm so proud sa sarili ko! Kaya ko na syang buhayin!
At heto na nga, kahit wala nang pasok, pumapasok pa rin kaming magkakaibigan. Wala lang, enjoy and cherish every single moment. Hindi na nga rin kami nag-uuniform eh.
Nanonood kami ngayon ni Grace sa mga ate at kuya sa kanilang practice para sa graduation.
"Grace, gutom ka na?" Tanong ko kag Grace
"Oo. Kain na tayo." Sabi nya at tumayo na
"Hindi. Ako na lang bibili. Ayokong mapagod ang prinsesa ko! Hintayin mo na lang ako dito!" Sabi ko
"Woo! Prinsesa ko? Ang corny nyo!" Sabi ni Joseph na nasa taas ng puno ng mangga kung saan kami sumisilong.
"Tumahimik ka Joseph! Inggit ka lang! Ligawan mo na kase si Vina!" Sabi ko at binabato sya ng mga maliliit ng bato.
"Ni minsan hindi ako nainggit sa inyo! Diri pwede pa! Nakaka-goosebumps kaya! At anong Vina? Yuck! Hindi ako pumapatol sa kampon ni satanas!" Sabi nya at binato ako ng bunga ng mangga. Sinubukan kong umiwas pero natamaan pa rin ako sa braso. Pero kahit ganoon, natawa pa rin ako sa kanya.
"At ilang ulit kong sasabihin sayo na hindi mo ako kampon!" Sabi ni Vina na napadaan sa likod namin
"Oh Vina ikaw pala! Nandito sa taas ng puno ang frog prince mo oh. Sinaniban yata ng unggoy kaya nandyan." Sabi ko
"Bitch please! Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na magiging prince ko ang asong yan! Never! Duh!" Sabi nya at dali-dali nang umalis. Ayaw nya yata talaga kay Jose hahaha.
"Kyle, dun na lang tayo sa restobar nola Jose kumain. Gusto ko na rin kaseng umalis. Ang boring na kase eh." Sabi ni Grace
"Naku, tutubo na naman ang resto ni Jose nyan!" Sabi ko
"Actually that was a great idea Grace! Lets go!" Sabi ni Joseph at tumalon mula sa taas.
"Woah! Nakaya mong tumalon mula dyan?" Mangha kong tanong. Ngumisi lang sya at pinagpag ang balikat na parang nagpapasikat.
"Ganyan yan. Elementary pa lang kami may lahi na yang unggoy!" Bulong ni Grace kaya natawa ako
"Hoy narinig ko yun Gracia ha! Banned ka na sa resto ko." Sigaw na Jose na hindi pa pala nakakalayo. Natawa na lang kami ni Grace at sumunod na sa kanya
After naming kumain, hinatid ko na si Grace at umuwi na sa condo. May trabaho pa kase ako sa resto eh.
Habang naglalakad sa hallway, bigla na lang may dalawang lalaki ang humawak sa magkabilang braso ko at sapilitan akong ipinasok sa isang unit. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakahiga na sa kama at hawak pa rin ako ng dalawang lalaki sa magkabilang braso. Akala ko gagahasain ako ng dalawang ito pero nakita ko si April na nasa paanan ko na nakabikini lang at napaibabawan ng manipis na robe.
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...