After 8 months...
Grace's POV
Nasa harap ako ng salamin ngayon. Kanina ko pa tinititigan ang repleksiyon ko. Ang matured ko na pala. Hindi na pala ako teenager.
Bumaba naman ang tingin ko sa salamin papunta sa tiyan ko. Ang laki ng tiyan ko. Anong nasa loob nito? Bakit gumagalaw?
Dahil sa takot ay kinuha ko ang gunting sa may cabinet at bumalik ako sa harap ng salamin.
Pinagmasdan ko pa rin ang tiyan ko mula sa salamin. Gumagalaw pa rin sya! Itinaas ko naman ang kamay kong may hawak na gunting at buong buwelong isinaksak ito sa tiyan ko.
Kasabay ng pagtagas ng maraming dugo, ay ang boses ng isang palahaw ng isang lalaki. Sumisigaw at umiiyak ito.
Lilingunin ko pa sana kung sino sya pero dumilim na lahat at nawalan na ako ng malay.
- - - - -
Kyle's POV
Isang buwan na ang nakalipas mula nang makita ko mismo si Grace na sinaksak ang tiyan.
Buti na lang talaga hindi mismong tiyan ang nasaksak ni Grace. Sa bandang tagiliran nya. Hindi mismong tagiliran. Yung bandang gilid lang ng baby bump.
Alam nyo nangyari? Sumagad talaga yung gunting hanggang sa bahay bata! Buti na lang hindi yung baby namin ang natamaan.
Pero kahit na ganoon, nagkaroon pa rin ng komplikasyon si Grace dahil sa pagkakabutas ng bahay bata at nagkaroon din ito ng masamang epekto sa pagbubuntis nya
Buti na lang at naidala sya sa hospital ng maaga at naagapan naman ng mga doctor agad. Kaso, napakaraming proseso ang kanilang ginawa para umabot ang baby namin ng eksaktong 9 months.
At nag good news, heto na! Safe na nailuwal ni Grace ang aming malusog na baby girl! Tama, babae ang anak namin! Kahit nagkaroon ng conflict ang pagbubuntis ni Grace, naging malakas ang baby namin at hindi sya nagpaapekto!
Kaya heto kami ni Grace sa harap ng window ng nursery room para silipin ang baby namin na kasalukuyang nasa incubator dahil nga sa naging kalagayan ng pagbubuntis ni Grace. Kinailangan syang ilagay sa incubator. Two days, two nights lang naman daw ang kakailanganin dahil wala daw masyadong komplikasyon ang anak namin.
Hindi lang pala kaming dalawa ang nandito na sumisilip sa anak ko. Nandito din sina kuya Zandrex, si Lito, si Joseph, Judy at Via.
"Anong ipapangalan mo sa kanya Kyle?" Tanong ni kuya Drex.
"Hindi ko pa alam eh. Di ako makapag-isip." Sagot ko.
"Idikit mo na lang sa pangalan mo. Dagdagan mo na lang ng I. Kylie! Diba?" Suggestion ni kuya Drex.
"Masyado namang selfish yun! Parang sinakop na nya ang buong pangalan ni baby eh. Palitan na lang yung E ng A! Kyla na lang!" Sabi naman ni Lito.
"Ano ba kayo? Unfair naman kay Grace! Wala man lang nahalo na pangalan nya sa pangalan ng bata! Gayle! Yan na lang! Tunog-kikay pa!" Sabi naman ni Via.
"Think critical nga! Dapat maging unique ang pangalan ng inaanak 2.0 ko!" Sabi naman ni Joseph.
"Wow! At talagang sinigurado mo nang kukunin ka nang ninong ah! At anong unique namang pangalan?" Tanong ni Judy.
"Agilitina! Came from the word agility. Galing umiwas ng inaanak ko sa saksak eh!" Natawa naman ako sa suggestion ni Joseph.
"Alam mo pala ang agility? Sige nga, what is agility?" Tanong ni kuya Zandrex
"Ako pa talaga hinamon mo! Basta yung ano yun, yung magaling umiwas!" Nahihirapang sagot ni Joseph.
"Agility is the ability to change position in a short period of time." Out of the blue na sagot ni Grace kaya napatingin kami sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...