C3: TriQk or Threat

16 0 0
                                    

Grace' POV

Ilang linggo na ang nakalipas mula nung iniwan ko sa bahay mag-isa si Luke. Dahil dun, ilang linggo na rin akong hindi kinakausap ng mga kaibigan ko.

Nalaman din pala nila mommy ang nangyari kay Luke kaya napauwi sila ng di oras. Bakit ba ang lapit ng loob nila sa batang yun? Hindi naman nila yun kadugo!

Yun na nga, dahil wala naman ni isa sa mga kaibigan ko ang pumapansin sa akin, itinuon ko na lang ang oras ko sa pag-aaral. Kung ayaw nila sa akin, pwes mas ayaw ko sa inaanak nila!

Yung about sa pills pala. Patuloy ko pa rin syang ginagamit. Habang tumatagal mas nagi-improve ang utak ko. Feeling ko nga mas tumalino ako eh. Share lang.

- - - - -

Kyle's POV

Ilang linggo na ang nakalipas at sobrang tuwa ko nang medyo bumabalik na sa dati ang anak ko. After kase ng incident na yun, lagi na lang syang tahimik. Natutulala. Tapos ayaw na ayaw na nya sa madidilim na lugar. Maging ilalim nga ng sofa, takot na sya!

Pero ngayon, balik na sya sa dating bibong anak ko! Yun nga lang ayaw na talaga nyang bumalik sa bahay nila Grace. Kahit sunduin sya ng parents ni Grace, ayaw na talaga nya. Natatakot daw.

Kaya naman kapag gusto syang makasama ng parents ni Grace, sila na ang pumupunta dito sa condo. Hinahatidan na lang nila si Luke ng makakain o mga laruan nya.

Last week na ngayon ng October at sem break na namin. Dahil dun, naisipan naming maghanda ng halloween party para sa mga bata sa ampunan. Magkakaroon kami ng mini trick or treat.

At heto kami ni kuya Drex kasama ni Luke, nandito kami sa mall para bumili ng costumes namin.

Vampire costume ang napili ko. Si kuya Drex, walang binili. Make up lang. Zombie daw kase ang gagawin nya. May mga luma naman daw syang damit kaya pupunitin na lang daw nya. Yung anak ko? Guess what! Pulis lang naman ang napiling costume! Sya daw ang papatay kuno sa mga monsters. Hahaha.

Araw na ng halloween at nandito kami ngayon sa ampunan. Lahat ng bata ay naka-costumes. Merong mga multo, merong mga superheroes, meron din namang naka-costume na ayon sa gusto nilang propesyon.

Nakakatuwa kase nandito din si Joseph at naka-costume sya bilang si Hulk! Nagpinta ba naman ng green na pintura sa buong katawan? Hahahaha, pero safe naman daw ang pinang-pinta nya.

Ang mas nakakatuwa, pati mga madre nag-costume ala-Valak. Nakakatawa nga eh, hahaha.

Habang nagkakasiyahan, panay ang tingin ko kina Lito at Joseph na kanina pa nag-uusap. Ang seryoso nila! Ano naman kaya pinag-uusapan nila?

Hayaan mo na nga! Hinanap ko naman ang anak ko at nakita ko syang may kausap sa malapit sa gate. Naka-costume din sya ng witch. Di ko na pinansin at baka bisita din ng mga madre.

"Anak!" Pagtawag ko kay Luke.

Dahil dun, umalis na agad yung witch. Weird!

"Daddy!" Sabi nya at niyakap ako

"Who's that?" Tanong ko patukoy sa witch

"I don't know, daddy. Kinukuha nya ako. Sabi nya sya daw ang mommy ko. Hindi naman sya si mommy Grace!" Mula sa pagkaka-lean forward ko sa anak ko, napatayo ako dahil sa narinig.

Hindi kaya nagbabalik na sya? Nakatakas na naman ba sya?

"Daddy, may iniwan sya sa aking paper." Sabi ni Luke at inabot sa akin ang isang papel

Dear Kyle,

I'm baQk!!! I'm officially baQk with a capital Q!!! Qilala mo naman siguro aQo diba?

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon