C2: Its Time

9 0 0
                                    

Lunes na nang nakalabas na si Justin. Si Grace at Joseph kailangan pa daw magstay for more examinations and treatment. Therapy kumbaga.

Hapon na nang nakarating kami sa condo ni Justin. Akay-akay ko sya ngayon dahil maliban sa arm supporter nya dahil sa tama ng baril, meron pa syang saklay dahil sa pagkakahulog nya sa mataas na hagdan.

Kahit na ganoon, nagpapasalamat pa rin ako na hindi nabagok ulo nya o naparalisa. Mataas talaga yun eh. Buti na lang talaga galos lang natamo nya

"Justin, sorry talaga ha! Sorry ulit." Sabi ko habang papasok kami

"Oo na!" Pagsusungit na naman nya

"Kuya!" Natigil naman ako nang tinawag ako ni Kyle. Halos sabay pala kaming nakarating ng condo.

"Miss, pakialagaan muna sya ha? May kakausapin lang ako saglit." Oo nga pala, naghire pala ako ng private nurse para matutukan ng maayos si Justin habang nandito sya sa condo.

"Yes sir. Ako na pong bahala." Sabi nung nurse

"Kyle!" Bati ko sa kanya

"Wow! Ganyan mo ba ako iwelcome matapos kang naglayas na walang paalam?" Pagsusungit din ni Kyle.

"Paano mo ba gusto? Ganito?" Sabi ko at niyakap sya at ibinagsak ang katawan namin sa couch gaya ng lagi nyang ginagawa sa akin

"Kuya! Umalis ka!" Pagtataboy nya pero mas lalo ko syang niyakap para hindi makaalis.

"Diba sinabi ko na sayo na pumunta kami sa birthday ng kapatid ng kaklase ko noong elementary? Ang kulit din ng lahi mo no! Lahi pala natin!" Sabi ko

"Birthday? Eh bakit nakasaklay yung isa? At may private nurse pa talaga? Ano ba talagang nangyari? Birthday lang ba talaga pinuntahan nyo?" Tanong nya

"Kilala mo naman yang si Justin! Masungit! Dahil dun nakursunadahan syang bugbugin ng iba kong kaklase dati. Hayun, nahospital!" Sabi ko na lang

"Ganoon? Hindi naman yata pwede yun? Dapat ipinakulong nyo yun kahit kaklase nyo pa!" Sabi ni Kyle

"Nakakulong na sila." Pagsisinungaling ko

"Osha, alis na! Magbibihis na ako. May trabaho pa ako." Sabi nya kaya pinakawalan ko na sya

"Sama ako!" Lumingon naman sya sa akin at malungkot na tumango. Oo nga pala, all this time masakit pa rin sa kanya ang pagkawala ni Grace. Hanggang ngayon pala hindi pa nya alam ang nangyari. Ang alam lang nya ay iniwan sya.

Lumapit naman ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit

"I'm sorry, Kyle!" Sabi ko kaya humagulgol sya

"Kuya wala na sya!" Sabi nya at niyakap ako pabalik

"Kyle sorry talaga na wala ako sa tabi mo nung mga time na kailangan mo ng kuya! Babawi ako!" Sabi ko

"Ayos lang kuya. Ang mahalaga, nandito ka na. Nandito ka pa. Ikaw na lang kuya ang natitira sa akin! Wag mo akong iiwan ha?" Sabi nya at umiyak ulit

"Oo! Hindi naman kita iiwan! Tsaka lakasan mo lang loob ko ah! Magiging ayos din ang lahat." Dahil dadalhin ko talaga sa America si Grace para mas mapabilis ang paggaling nya.

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon