Instant Companion

20 0 0
                                    

Zandrex' POV

Biyernes at nandito kami ngayon sa room nagmumukmok kasama ng mga kaklase namin. Wala yung instructor namin eh. Hindi naman kami makalabas dahil sobrang istrikto ng mayor namin sa room. Sino pa nga ba? Si mister sungit lang naman o kilala bilang Justin.

Buti na lang pwede daw gumamit ng gadget. Buti na lang talaga dahil kung hindi ihuhulog ko talaga yang Justin na yan mula dito sa bintana ng 3rd floor. Hindi naman siguro sya mamamatay kaya ok lang. Pero joke lang

Nilabas ko naman cellphone ko at tinext si Allysa.

To Allysa:
Hey Sasa! How are you?

Makalipas ang ilang sandali, nag-reply sya

Fr. Allysa:
boyfriend nya ito. May kailangan ka sa girlfriend ko?

Imbes na reply-an pa, gumawa na lang ako ng new message.

To Grace:
Sese! Di ka pa nagkwekwento about sa laro nyo last wednesday. Panalo ba?

Ilang sandali ay may dalawang message na dumating. Inuna ko naman yung kay Allysa

Fr. Allysa:
Uy sorry Sansan! Hawak kase ng boyfriend ko yung cellphone ko! Kumusta ka na dyan???

Napangiti naman ako sa sagot nya. Akala ko kase tuluyan na nyang tinalikuran ang SBNHS. Hindi pala. Nagkakausap pa rin kami minsan. Sa kanya ko rin nalaman mismo na ayaw na nyang makita pa sina Kyle at Grace. Nakakatuwa nga kase kapag may problema sya, sa akin pa rin lumalapit

To Allysa:
I'm fine. Still suffering because of the dog named Joseph. Ikaw ba? How are you na? Wala ka na ba talagang balak dumalaw dito? O kahit ako man lang dalawin mo?

Tanong ko at nag-reply naman sya agad

Fr. Allysa:
Sorry Sansan. I can't pa eh. Alam mo naman. By the way, gotta go. Pupunta kaming mall ng boyfie ko eh! Hihihi

Natawa naman ako sa huli nyang sinabi. Ang kulit pa rin talaga nya.

In-open ko naman yung isa pang message na di ko nabasa kanina

Fr. Grace:
Yun na nga eh. Kaya ayaw kong magkwento kase natalo kami. Tsaka nakalaban pa namin si Allysa. Mahabang kwento Sansan eh. Ikwento ko na lang pag nagkita tayo. Bye! Need to work with our booth for our school feast.

Napabuntong hininga naman ako dahil wala na akong makausap pa. Speaking of booths.

"Hoy mayor! Ano? Tatahimik na lang ba tayo? Why don't we have a small talk about our booth for next week?" Tanong ko na sinang-ayunan naman ng lahat

"Too early." Tipid na sagot ni Justin

"Early? Sa Monday na magsisimula!" Sigaw ko

"Nga naman! Buti sana kung ganoon kadali ang mag-isip!" Sabi naman ni Lyndon

"Edi music booth na lang! Mag-rent na lang sila ng instruments natin for a minute." Sagot ni Justin

"No! Ayokong iparenta sa iba ang baby guitar ko!" Sigaw ni Adrian

"See? What if horror booth?" I suggested

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon