Allysa's POV
Tahimik lang ako sa daan habang iniisip si Gracia.
"Ally, natawagan mo na ba si Zandrex?" Tanong ni Jayson
"Ay oo nga pala. Sorry. Tawagan ko lang." Sabi ko at nilabas na yung cellphone ko at dinial yung number ni Sansan
"Hello, San?" Bungad ko sa kanya
"Hello! Wait, malungkot ka ba? What happened?" Hindi naman ako nakasagot agad sa sinabi nya. Ang isa sa mga gusto ko kay Sansan ay nadi-detect nya agad kung may problema ako
"Hay! Yung boyfriend mo na naman ba?" Napatingin naman ako kay Jayson at napatingin din sya sa akin. Naka-loud speaker kase cp ko.
"Uhm, w-wala na kami ng boyfriend ko." Pabulong kong sagot
"Oh? Nice! You did a right move, Sasa!" Narinig ko namang pasimpleng nag-chuckle si Jayson na parang sinasang-ayunan nya yung sinabi ni Sansan
"Pero hindi dahil dun ang dahilan bakit ako tumawag." Sabi ko ulit "K-kase... Uhm... Nasa Nueva Ecija pa ba kayo?" Tanong ko sa kanya
"Yup. Hanggang 30 pa kami dito. Why?" Sagot nya
"P-pwede ba akong pumunta dyan?" Nag-aalangan kong tanong
"Oo naman! Mas maganda kung nandito ka! Lima lang kase kaming nandito." Nagulat naman ako sa sinabi nya
"You mean, kayong nasa picture lang? Eh bakit nakatag ang blood band at si Kyle?" Medyo pasigaw ko nang tanong
"Wala, nang-iinggit lang! Hahahaha! Sayang nga hindi ka naitag!" Pang-aasar nya
"Che! Alam mo bang nasa daan na ako ngayon papunta dyan dahil sa lintek nyong picture sa facebook? Nung nalaman kong kasama nyo si Kyle, halos mabaliw na ako sa pag-impake para pumunta dyan!" Sigaw ko sa kanya. Naramdaman ko namang hinawakan ni Jayson ang kamay ko kaya medyo kumalma na ako
"Wait, tama ba ang narinig ko? Tama ba ang pagkakaintindi ko? You still care kay Sese?" at pinoint out pa talaga nya.
"Yeah." sagot ko na lang. Hindi ko kase kayang magsinungaling kay Sansan eh. He's too good para paglihiman. Tsaka kuya-kuya ko na yan
"Nice! So magbabalik ka na rin ba sa SB?" tanong nya
"Yeah. Expect me there sa January!" sabi ko na lang
"Woah! I knew it! Hindi mo talaga matitiis si Sese! Mga bata pa tayo noon, grabe na ang pagtatanggol mo sa kanya!" masaya nyang sagot
"But! Hindi ko maipapangakong magiging nice na ako sa kanya! Remember, masyadong masakit ang ginawa nila ni Kyle! Pupunta lang ako dyan para i-observe kung ayos pa ba sya! Pero try ko pa rin. Alam mo naman..." di ko na naituloy yung sinabi ko
"Yes, I know! Ang importante, babalik ka na at mabubuo na tayo ulit! At least, kahit may ilangan pa, kompleto pa rin! Ayos na yun." sabi nya
"Oo na! Ang daldal mo!" sabi ko kaya natawa sya. Pati ako natawa na rin
"So? Kumusta biyahe mo? Buti nakaya mong bumiyahe mag-isa? Saan ka sumakay?" tanong nya
"May kasama ako. Yung... yung pinagseselosan dati ni Lester. Nasa kotse nya ako." ewan ko kung tama ba na sabihin ko sa kanya na kasama ko ngayon si Jayson. Napatingin naman ako kay Jayson at nakapoker face lang sya habang nakatingin sa akin. Nailang naman ako kaya tumingin na lang ako sa bintana
"Ano? Teka! Bakit..."
"Aish! Saka ko na lang ikwekwento sayo! Yung exact address, akin na!" sabi ko
"Fine, fine!"
- - - - -
Zandrex' POV
At ibinigay ko na nga yung address nitong resort
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...