Realizations

21 0 0
                                    

Kyle's POV

Lunes, pasukan na naman at dito ko na lang siguro hihintayin si Grace. Tutal, magkatabi naman kami ng upuan. Hindi ko na kase sya naabutan kahapon sa mall eh.

"Kyle, palit nga tayo ng upuan." iritadong sabi ni Allysa. Ano ba yan! Masisira pang plano ko eh!

"Bakit ba? Eh dyan naman gusto mo dati pa diba?" medyo iritable ko ding tanong

"Tignan mo kase yung babaeng yun oh! Tingin nang tingin! Tas irap pa ng irap! Nakakainis!" tinignan ko naman yung babaeng itinuro nya sa kabilang building na kaharap ng room namin

"Oh? Tumitingin lang naman dito sa building! Hindi naman siguro ikaw tinitignan nya! Hayaan mo na lang!" sabi ko

"Pati yung lalaki sa kabilang bintana oh! Kinikindatan ako! Nakakaasar!" reklamo nya

"Wag mo na lang kaseng pansinin!" sabi ko ulit

"Eh kapansin-pansin yung pangit nyang mukha eh! Feeling pakboy eh mukha namang kinulam na bulldog! Bwenas!" reklamo na naman nya

"Hayaan mo lang kase!" half-annoyed kong sabi sa kanya

"Basta palit tayo! Tabi na kami ni bestie ko!" sabi nya at sya na mismo nanghila sa akin patayo

"Allysa ano ba!" reklamo ko

"Bakit din ba? Ikaw napaghahalataan na kita ah! Gusto mong makatabi bestie ko no? May girlfriend ka na baka nakakalimutan mo!" napanganga naman ako sa sinabi nya

"Ally ano bang sinasabi mo? Hindi naman sa gusto kong makatabi si Grace. Ayoko lang talaga sa bintana!" sabi ko sa kanya

"Eh ayoko din sa bintana eh! Ano? Ikaw pa ngayon ang mas dapat paburan? Ako ang girlfriend, ako ang babae kaya dapat ako ang mas iniintindi! Pero kung yan ang gusto mo, na makatabi ang bestie ko, fine! Ako na lang ang aalis! Mukhang nakakasagabal na ako sa fairy tale love story nyo eh!" sarcastic nyang sigaw. Teka, may alam ba sya?

"Ano bang pinagsasabi mo Ally?" sigaw ko na din pero hinawi lang nya yung paa ko para makadaan sya

"Whoops! Bawal nang dumaan! Nakaupo na ang magandang reyna!" sabi naman ni Vina tsaka umupo na sa tabi ko. Mas nabwisit naman doon si Ally

"Aalis ka sa dadaanan ko? O huhugutin ko yang fallopian tube mo mula sa perlas mo at gagawin kong collar ng aso?" sigaw ni Allysa kaya nagtinginan sa kanya ang mga kaklase ko. Nagbulungan pa nga yung iba eh

"As if you can! I dare you!" sagot naman ni Vina kaya biglang hinigit ni Allysa yung buhok ni Vina. Lumaban din naman si Vina kaya doon na ako umaksyon. Pumagitna na ako sa kanya

"Lo'dyes lo'dyes! Sa pula o sa puti? Taya taya taya taya taya!" bigla namang sumigaw si Joseph sa may pintuan na parang announcer sa isang sabungan

"Isa ka pa!" sigaw ni Allysa sabay hagis ng bag nya sa mukha ni Lazaro kaya napaupo ito sa sahig

"Bestie! Ano ito? Ano itong ginagawa mo?" sigaw ni Grace na kakarating lang at naabutan yung ginawa ni Allysa

"Wag kang mangingialam dito Gracia! Baka gusto mo ring makatikim?" sigaw ni Allysa kaya napako si Grace sa kinatatayuan nya. Yung parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Allysa

"Allysa? Ikaw ba yan? Anong nangyayari sayo?" mahinang tanong ni Grace kaya doon na natauhan si Allysa

"S-sorry! Wag kase kayong sumasabay kapag monthly period ko! Pati tuloy kayo napapagbuntungan ko na! Sorry." sabi ni Allysa at umupo na.

"Upo ka na!" sabi ko kay Grace. Nabigla naman sya nang makita ako kaya umiwas sya ng tingin.

"Lazaro, upo ka na dito. Doon na lang ako sa kabila." sabi ni Grace at pumunta na sa bandang likod. Pipigilan ko pa sana pero nakaupo na sa tabi ko si Vina

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon