Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Nahihiya ako, parang bumalik yung Callie version ko kahapon. Na parang hindi kami magkakilala.
"Callie." Bulong niya sa akin.
'Di pa rin ako makatingin.
"Callie."
Jusko. Paano ba 'to?
"Callie."
Wait. Kakausapin ko na.
"Callie, kung alam mo na nga?" Pinaglakasan niya ko bigla ng boses.
"Oo. Alam ko."
Matapos ko siyang sagutin, hindi niya ako pinansin. Mukhang galit yata ito.
"Dustin. Sorry, nakakahiya kasi na ang dami ko ng nalalaman eh."
Hindi pa rin niya ako pinapansin.
"Huyy... Please, kausapin mo naman ako. Sorry."
Matapos no'n bigla na lang siya humarap.
"So ngayon, alam mo na yung pakiramdam na 'di ka pinapansin."
"Sorry talaga. Nahihiya lang ako eh."
"It's ok, kung ganyan ang nasa isip mo. Siguro ngayon, nagtataka ka kung bakit..."
"Bakit ano?"
Sasagot sana si Dustin, pero sumingit na si Aubrie.
"Kung bakit parang close kayo. Tama ba ako?"
Doon sa sinabi niya, pareho kaming natahimik. Pero sa totoo lang 'yun din ang nasa isip ko. Pero ayokong mag-isip ng meaning dahil minsan paasa talaga siya. Tsaka malay ko bang makakasama ko siya dito. Kita ko naman din sa kanya na talagang gusto niyang magkaroon ng kaibigang tulad ko. Pero ang bilis eh, do'n ako napapaisip sa kanya.
"Parang 'yun na nga." Nagsalita na si Dustin.
"Alam mo ok lang naman sa'kin eh. 'Di ko naman inakala na ang isang sikat na estudyanteng katulad mo ang makikitungo sa akin ng ganito. No matter what sa kung ano ako. Napapaisip lang ako na parang ang bilis ng mga pangyayari."
"Gano'n talaga ako eh. Sorry."
"Hindi naman. 'Wag ka mag-sorry sa'kin. Thankful pa nga ako't may ganyan ka palang ugali." Natatawa kong sabi sa kanya.
"Maski ako rin naman, ewan ko ba. Sa'yo lang ako nakakita ng wala sa iba."
"Ano?"
"Uhhmm, sabi ko ewan ko ba kung bakit nangyayari 'to. Hahahaha. Hayain na, ok naman eh."
"Oo nga. Nako, habang nag chi-chika tayo gawin na natin 'tong mga flyers."
"Nakaka-O.P. kayo ha. Ikaw Callie, may kaibigan ka na pala, 'di ka man lang nagsasabi! Pero it's ok. Maganda 'yan para naman gumulo ang buhay mo. Hahaha. Joke." Sabi ni Aubrie.
"Nako, mag-asikaso na lang tayo ng mga 'to, para naman makakain na tayo kaagad."
"Magkakasundo kayong dalawa niyan, mamaya na ang pagkain. Kakasimula pa lang natin eh. Ano bang nakain niyo at naunahan niyo kami dito?" Sabi naman nitong si Dustin.
"Wala naman, trip lang namin ni Aubrie."
"Huwag kayong maingay Dustin. Busy ako."
"Siya, oo na. Ikaw na ang busy." Muntik ko ng masapok ang Aubrie na 'to eh. Madaldal din.
"Kaya kami magkasama ni Hazel kasi, bumisita siya sa bahay kagabi kasama sina Hubert, nag-overnight sila. Pinili ni Hazel na makisabay na sa pagpasok."
"Okay. Yung Mama mo dumating kahapon?"
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...