Dumaan ang ilang araw, at nagkayayaang mag-overnight dito sa school. Hindi ko alam kung papayagan ako ni mama. Kailangan daw kasi lahat ng Student Council officers para sa pagsusulat ng pieces para sa campus paper publication. Sakto namang editor-in-chief si Hubert kaya siguradong kasama siya rito. Kailangan ko pang magpaturo dahil wala akong kaalam-alam sa pagsusulat.
Nagpaalam ako kay mama pag-uwi, walang patumpik-tumpik at pinayagan niya ako kaagad.
"Sino bang mga kasama mo?" Tanong sa'kin ni mama. Hindi pa ako nakakasagot ng biglang umepal sa eksena si Kath. Ang magaling kong kapatid.
"Edi sina kuya Lance at Dustin. Hindi na sila mawawala sa landas ni ate." Singit niya. Bumawi na ako ng pagsagot, at mahirap na.
"Hindi po sila sure ma."
"Mag-iingat ka ha, kahit sabihing sa school iyon. Ang ganda mo pa naman." Bilin ni mama.
"Ate, sama ako dali." Sabi sa'kin ni Kath.
"Kath, hindi ka pwede. Bawala ang makukulit doon." Pagbabawal sa kaniya ni mama.
Wala naman siyang nagawa. Naghanda na ako ng mga gamit na kailangan ko roon.
Pagkatapos ng lahat, agad na rin akong umalis ng bahay habang may liwanag pa. Takot kasi ako sa dilim, sumakay nalang ako ng tricycle para safe.
Habang nasa trip pa ako, napansin ko namang kasunod ko yung sasakyan ni Hazel. Nakailang lingon ako, at sa kanila nga iyon. Sana naman gumaling na siya ng tuluyan, at makabalik sa school namin.
After a few minutes, nakarating na ako ng school. Dumiretso ako sa room namin, dahil doon na daw kami magpapalipas ng gabi. Maluwag naman din ang room namin, kung hindi man edi sa katabi nalang.
Medyo kinakabahan ako dahil ako lang mag-isa ang naglalakad pataas ng hagdan. Jusko. Sana walang multo dito.
Tumatayo ang mga balahibo ko, kaya binilisan ko na. Hanggang sa nakita ko na silang nagkakainan sa loob.
"Callie, nandiyan ka na pala. Humanap ka na ng pwesto mo." Sabi sa akin ni Hubert.
Habang nasa pintuan ako, tiningnan ko na rin kung saan may mapu-pwestuhan. Doon na ako nagpunta malapit sa bintana.
Marami-rami na ang taong nandito ngayon, yung iba hindi ko kilala. Nilabas ko na yung dala kong cup noodles, may water dispenser naman kami eh. Sumabay na akong kumain sa kanila para hindi ako magmukhang loner dito.
"Hubert, mga kasamahan mo sila?" Ta nong ko sa kaniya.
"Oo, nga pala. Susunod din daw si Kyan. Hindi ba consultant mo rin 'yun?" Tanong niya rin sa akin.
Ibig sabihin kung si Kyan lang ang susunod, nandito na rin si Dustin?
"Oo."
Nagkwentuhan nalang din kami habang kumakain, dahil maya-maya mga puyat na kami sa kagagawa ng piece.
Bigla namang pumasok si Dustin, mukhang kaliligo lang dahil basang-basa ang buhok.
"Kanina pa ba siya rito?" Tanong ko sa isa naming kasama.
"Oo. Kanina pa, galing 'yun ng CR."
Wow. May sariling schedule lang?
Maya-maya nagsimula na kaming pumunta sa kaniya-kaniya naming pwesto. Mag ta-type na kami sa computer para diretso na.
Hindi ko rin naman inasahan na makakatabi ko si Dustin. Si Hubert kasi, doon ako itinabi. May ni-reserve ata siyang upuan para sa Kyan niya.
"Kumain ka na?" Tanong ko kay Dustin para hindi mukhang tahimik.
"Oo." Tipid niyang sagot, habang nag ta-type. Sinimulan ko na ring magtype sa Word nung nakita ko na ang topic na gagawin ko. Tungkol sa mga experience at anuman ng pagiging unexpected president ng school namin. English pa naman.
"Kamusta na si Hazel? Nakita ko kasi yung sasakyan nila kanina." Tanong ko ulit.
"Okay naman na daw, pero hindi pa siya pwedeng lumabas-labas ng bahay dahil hindi pa siya totally recovered." Sagot niya.
Maya-maya dumating na rin si Kyan. Mukhang busog na dahil agad din siyang umupo at nag-type. Hindi na tuloy kami nakapag-usap. Mga tao talaga sa mundong 'to.
"Ikaw, okay ka lang ba?" Biglang tanong ni Dustin sa'kin.
"Oo naman, wala naman akong sakit ah. Bakit mo natanong iyan?"
"Masyado ka ng busy nitong mga nakaraang araw. Hindi ka pa ba napapagod?"
"Medyo. Kaya ko naman eh."
"Nga pala, ano yung Gala Night na naririnig ko?"
"Ano? Alam mo na?"
"Oo, sinabi sa akin ni Hubert. Batch lang daw natin ang magkakaroon no'n. Parang prom pero hindi."
"Hindi kita gets. Pero bahala na."
"Bunutan yata ang partners sa pagkakaalam ko."
"Wala pa akong damit no."
"Yung mga binili ko sa'yo dati."
"Oo nga no. Pero hindi bagay sa okasyon."
"Edi bumili ka."
Itinuloy ko nalang ang ginagawa ko dahil baka magtalo na naman kami.
Tick-tock tick-tock parang mga tunog nalang ng orasan ang naririnig ko bukod sa maingay na pag ta-type ni Dustin.
Sinubukan kong tignan yung mga kasama ko. Lahat sila nakaubob na, tatlong oras na rin pala ang nakalipas.
"Dustin, tulog na silang lahat."
"Ha? Makatulog na rin." Si-nave niya bigla yung document.
"Paano naman ako rito?"
"Edi matulog ka na rin. Ako na ang mag shu-shutdown sa mga monitors. Magpahinga ka na."
Sinunod ko nalang yung command niya dahil tinatawag na rin ako ng higaan. Este, banig. Kailangan ko nalang tiisin yung tulugan ko, isang gabi lang naman 'to.
Pinatay na rin niya yung mga ilaw, sobrang dilim at natakot ako bigla.
"Hoy, huwag mong patayin." Sabi ko.
"Hindi ako makakatulog kapag bukas ang ilaw. Takot ka?"
"Bahala ka nga."
Binuksan ko yung flashlight na dala ko, para kahit papaano may liwanag akong nakikita. Bigla namang tumunog yung cellphone ko, mukhang may nag-chat.
"Mag-overnight pala kayo?" Message galing kay Lance. Kahit inaantok na ako nag-reply na ko.
"Oo. Mga tulog na kasama ko."
"Okay. Sige, Goodnight."
Mag re-reply pa sana ako kaso nawalan ng signal. Jusko.
Napansin ko namang naglalatag itong si Dustin sa tabi ko.
"Saan ka ba matutulog?" Tanong ko sa kaniya.
"Dito, dapat nga diyan ako eh."
"Gano'n ba? Bahala ka na diyan."
"Huwag kang malikot, baka maistorbo mo pa ako sa pagtulog."
"Opo, sir."
Ngayon lang ako naka-experience na matulog sa school. Pakiramadam ko naman safe ako dito. Wala namang mga strangers ang maglalakas na pumunta rito dahil lagot sila sa'kin.
"Goodnight." Bulong niya sa akin. Napapikit nalang ako sa sinabi niya, at dumiretso na ako ng pagtulog.
Huwag sana siyang humilik. Patay siya sa'kin.
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...