Chapter 62: Opening Day (Part 2)

126 14 0
                                    

Halos mangatog-ngatog ang buong katawan ko ngayon, at para akong nakalutang dahil namamanhid ang mga paa ko sa sobrang kaba.

Medyo napahiya ako ng kaunti pero ipinagpapatuloy ko pa rin ang pagsasalita sa harapan nila.

Nagsabi ako ng nararamdaman ko mula pa noong unang nagsalita ako dito sa stage at nabanggit ko bigla ang School Fest. Inamin ko talaga sa kanila, na hindi ako gano'n kahanda nung mga oras na iyon. May ilang nagtawanan bigla at sa tingin ko naman, naging okay yung on-the-spot na plano ko at ito na. Nagkatotoo lahat ng imahinasyon ko kaya napakasaya at napakalaking opportunity ito sa akin para mas paghusayan ko pa.

After no'n, binasa ko na rin yung format para sa fest ng mabilis. Medyo yung last part, maraming nag-react. Confidential kasi yung nakalagay parang secret lang kung pabababawin. Eh ano namang one thing iyon? Maski ako gano'n din ang reaksyon gaya ng lahat.

Natapos ang lahat ng nasabi ko sa kanila, at may kaunting infos pa na idinagdag ni Hubert. Kasama roon ang mga rooms na gagamitin ng Music Fest at Art Exhibit. Yung mga sa Sports naman ay sabay-sabay na gagawin. Tutal, malawak naman itong school para gawin at the same time ang lahat for this day. Marami halos ang nabago mula noong first meeting namin.

Dalawang rooms ang gagamitin sa Music Fest. Yung mga contestants ay hahatin, edi bale dalawang batch silang lahat. Then sa Art Exhibit naman, tatlong rooms ang nakahanda then hindi na hahatiin pa iyon dahil mas malaki ang room na gagamitin kumpara sa Music.

"Callie, tayong dalawa ang naka-assign sa Music Fest doon tayo sa Battle of the Bands." Biglang tawag sa akin ni Kyan. Buti nalang dinig ko pa rin dahil ang lakas nung mga nagtugtugan ng School Band namin.

"Ah gano'n ba? Sige tara na, hanapin natin ang room na iyon." Sabi ko kay Kyan.

Ngayon ko lang na-realize na halos panglalaki yung name niya. Pero okay na rin ang unique nga eh. Hahaha... Paalala lang yung Battle of the Bands ay may 3-5 members lang. Iba't-ibang variety ng genre naman yung gagawin nila.

Hinahanap na namin yung room kung saan kami dedestino. At matapos ang ilang minutong paghahanap, ay nakita na rin namin sa wakas. Napakahirap lang na pumasok dahil maraming nakapila ngayon, Batch 1 palang dagsa na kaagad. Nakipagsiksikan nalang kaming dalawa sa mga kapuwa naming estudyante.

"Excuse me?" Tawag ng isang babae mula sa likuran ko. Alam kong ako na yata ang tinatawag niya kaya nilingon ko muna.

"Ako ba yung tinatawag mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo, then I know na kaibigan mo si Aubrie. Am I right?"

"Oo naman, bakit?"

"Ano kasi, ahmmm... Basta. You will know it later. Sige na." Umalis nalang ako pagkatapos no'n dahil minamadali na ako ni Kyan.

Bakit naman kaya si Aubrie yung tinatanong niya sa'kin? 'Di bale na nga lang.

Pagkapasok namin, napakaganda na pala ng setup nitong room na gagamitin. May mga musical instruments ng inilagay sa mga tabi na ipapagamit mamaya sa audition.

Lumapit muna kami ni Kyan sa isang teacher na nakaupo malapit sa pinto.

"Sir, ano po bang pwede naming gawin rito?" Tanong ko.

"Kayo muna ang mag a-assist ng mga contestants na nakapila sa labas. Baka kasi habang may nag o-audition na rito sa loob, biglang magkagulo."

"Sige po sir, anong oras po ba magsisimula?"

"5 minutes nalang at magsisimula na rin tayo."

Dumating na rin yung ibang teachers na mag ja-judge. Lumabas na muna kami para sabihin sa lahat na 5 minutes nalang at magsisimula na.

If I Were The President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon