Chapter 76: Lance Vs. Dustin

155 10 0
                                    

Nagsisimula na ang finals ng Basketball Tournament. Ngayong araw, maghaharap ang team nina Lance at Dustin. Sila pa talagang dalawa ang natira, dapat kasi by grade level nalang kaso pinaghiwa-hiwalay pa.

Hindi mabilang ang dami ng mga viewers na nandito ngayon sa quadrangle. Naubusan tuloy ng audience yung ibang event.

As usual, magkatabi na naman ang "KyBert" ang sama lang ng pangalan. Nakaka-OP na yung usapan nila, kaya ako tahimik lang na nakaupo, naghihintay na magsimula ang laro.

Then yung iba naman, nagmukhang field reporter dahil sa mga vlog na ginagawa nila. What's inside the school lang? Gano'n?

Napatutok na ang lahat, dahil sa malakas na pagpito ni kuyang referee. Nakakabingi, kaniya-kaniyang cheer naman ang mga audience sa parehong team. Nakuha naman ni Dustin yung bola matapos ang jumpball.

"Callie, wala ka bang planong sumuporta diyan? Sigaw na dali." Biglang sabi sa'kin ni Kyan.

"Ewan, hindi ko alam kung sino bet ko. Pareho naman silang magagaling."

"Isigaw mo na yung laman ng puso mo. Ayyiieehhh."

"Puso ka diyan? Laro ang pinunta natin dito. Palibhasa..." Pabiro kong ganti sa kaniya.

"Anong sabi mo? Nag-uusap lang kami. Hahaha." Nakakatawa ba 'yun?

"Nga pala, Kyan tulungan mo naman akong mag-isip ng concept natin sa party. Wala pa akong ideas eh." Natandaan ko bigla.

"Nakahanap na kami." Singit ni Hubert.

"Ano? Nagpatulong ka? Sa kaniya?" Gulat kong tanong.

"Oo, mamaya na namin sasabihin yung napag-usapan naming dalawa." Sagot niya.

Talaga nga naman, mga galawan eh. Speaking of galawan, 6-8 ang score. Lamang sina Dustin. At alam ko namang hindi rin basta-basta ibibigay ni Lance ang laban sa kaniya. Sana maging maganda ang laro nila.

Nakakabingi na ang mga hiyawan kahit unang quarter pa lang. Hindi kaya sumasakit ang mga lalamunan nila? Samantalang ako rito, hanggang palapak lang, and I think it's enough na. Pareho ko naman silang gusto, gustong manalo.

May pa-libreng choco-choco naman ang mga kaibigan ko. Parang gusto ko tuloy magpunta sa canteen namin, pero mahihirapan na akong bumaba. Baka may mang-agaw pa ng upuan ko.

"Woohoo!!!"
Tie na po ang laro, 18-18. Nagiging intense na ang game kaya mas lalo akong nag-focus. Ngayon ko lang nakita yung ibang side ng dalawa, pareho silang sporty at parang wala lang sa kanila ang magkasakitan. Hindi naman na talaga maiiwasan 'yun eh.

Sunud-sunod na ang shoot ni Lance ng bola. Nakakalamang na sila ngayon ng 4 points. Nag-decide naman ang coach nilang mag-timeout muna.

Habang balik sa kaniya-kaniyang ganap ang mga schoolmates ko, nakita ko yung mga magulang ni Hazel na naglalakad kung saan. Sinundan ko sila ng tingin, at mukhang papunta sila sa Principal's Office. Gusto ko sana silang kausapin pero, baka may mahalaga silang rason kung bakit sila nandito. Tsaka na lang siguro 'pag may time.

Umalingawngaw na naman yung whistle. Back to game ulit.

Kaniya-kaniyang techniques at paraan ang ginawa ng parehong team para manalo. Hindi lang yung dalawa ang nagdadala sa team nila, siyempre pati mga kakampi na rin.

May nakaka-bitaw, nakaka-agaw at nakaka-puntos. Iyan ang cycle na masasabi ko sa laro aside sa mga fouls na nangyayari. Mabuti na lang at walang gulong nagaganap, may gulo man pero sa mga manonood lang gaya ko.  Marami kasi sa amin, hindi mapakali sa mga ganap ngayong araw. Hindi namin alam ang pwedeng mangyari, dahil kung tutuusin magka-level sina Dustin at Lance sa paglalaro. Kung kinuha nalang muna nila akong taga-abot ng tubig. Ano daw?

If I Were The President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon