Dire-diretso na kaagad kami sa room ng Section A. Napatigil kami sa corridor nila dahil kabado kami.
"Aubrie ikaw na mauna." Sabi ni Lance sa kanya.
"Ayoko nga! Hindi ko alam kung saan ako uupo."
"Lance ikaw na kaya, lalaki ka naman ah." Pilit ko.
"Ayoko rin, lady's first nga diba?" Angal niya sa amin.
Itinulak namin siya ni Aubrie papasok. Pero sa kasamaang palad, lakas ng pagka-tulak namin sa kanya. Nagulat naman yung mga magiging classmates namin ngayon dahil papasok na kami sa kanila. Napansin ko namang ang tahimik pa rin nila kahit walang teacher.
Bigla silang tumayo at bumati sa amin.
"Good morning sa inyo." Bati ng marami sa amin.
Siyempre tumugon na kami at baka mapagkamalan kaming snobbero at snobbera.
"Good morning din." Tipid kong reply sa kanila habang nasa gilid kami ng pinto. Wala kasi kaming makitang pwede naming maupuan eh.
Si Aubrie naman, may mga paghawi ng buhok niya, pero ala-pabebe style lang naman kaya hindi na masama. Hindi na masama 'yon? Hahaha...
Bigla namang dumating yung adviser nila at nakita niya kami. Agad siyang nagpunta sa unahan, habang nagsusuklay. Hindi pa naman gano'n katanda si mam, mga nasa 25-28 lang siya sa tingin ko.
"Class, meet your new classmates from Section B. Pwede ba kayong magpakilala sa kanila?"
Ako naman nakatulala.
"Uhmmm. Ms. Sandoval?" Inulit ni mam yung tanong. Bigla naman akong niyaya nina Lance na magpunta sa gitna.
Akala ko kasi, sila magpapakilala isa-isa sa amin. Ang ewan ko rin talaga 'pag minsan, pero sa tingin ko madalas na.
Nauna ng nagpakilala yung dalawa tapos it's my turn na para magsalita.
"Hello, I'm Callie Sandoval nice meeting you all. Sana maging maayos ang pakikitungo natin for each other."
Sinimplehan ko nalang, hindi naman nila kailangang malaman ang buong pagkatao ko kung saan ako ipinanganak, anong blood type at anong pangarap ko na parang biodata lang. Hahaha...
Maya-maya may inihanda silang upuan sa amin.
"Inayos na namin yung seating arrangement matagal na, para kapag dating niyo, maayos na tignan ang arrangements."
"Gano'n po ba? Salamat po." Sabi ni Aubrie kay mam.
Habang papunta na kami sa mga upuan namin, tinanong ko si Aubrie.
"Ano nga ulit ang pangalan ng bago nating teacher?"
"Si Mam Adelene iyan, talaga bang wala kang kilala sa mga teachers?"
"Hindi naman totally pero marami-rami rin."
Maganda nga yung magkakatabi kaming tatlo. May apat na rows ang upuan, sa isang hilera may 12 chairs in total na hinati sa dalawa. Meaning, 2 groups ng row ang may tig-anim na upuan. Doon talaga ako naitapat malapit sa bintana. Katabi ko sa kanan ko si Lance, sa kaliwa ko naman yung pader ang katabi ko. Hahaha... Si Aubrie ang nasa kanan ni Lance. Ang challenge lang sa kaniya, may iba din siyang katabi.
Nanlalamig yung tiyan ko ngayon. Jusko. Ang dami kasing nagpakaba sa akin ngayon eh.
Yung mga new classmates namin, nag-ngingitian nung nakaupo na kami.
Hindi ko naman mapag-kakailang na ho-home seek ako kaagad sa mga dati kong kaklase. Pero sa tingin ko naman, masasanay rin kami kapag tumagal na kami rito.
BINABASA MO ANG
If I Were The President
JugendliteraturMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...