Nakaka-kaba dahil ito ang numero unong pagpunta ko sa lugar na pinaka-ayaw ng lahat. Simula nung kauna-unahang araw ko ng pagpasok nung elementary ako, natatakot talaga akong makapunta sa hell room na 'yon este guidance office.
Naglalakad na kami patungo roon.
"Hindi na halata yung mga mata mo ng kaunti." Sabi ni Lance.
"Sabi ko naman sa inyo, okay na ako. Huwag na kayong mag-alala sa akin. Tsaka lilipas din naman yun."
"Baka naman nauna na sila sa atin?" Tanong bigla ni Aubrie.
"Baka nga, dahil medyo late na tayo. Hindi naman sila magsisimula kung hindi pa rin tayo nakakarating eh."
Binilisan na namin, dahil mahirap na mapagalitan pa kaming tatlo roon. Kahit magka-appendicitis kami, okay lang, sagot na nila ang pam-pagamot namin kung saka-sakali.
Habang naglalakad, umiiwas ako ng tingin sa mga teachers na nasasalubong namin. Dahil, sino bang hindi mahihiya mula sa nangyari kanina?
Maya-maya nakarating na rin kami sa tapat ng pinto. Ayaw na muna naming pumasok dahil nakaagaw-atensyon sa amin ang galit na mukha ni Hazel. Nauna na silang tatlo ni Dustin at Kyan.
Habang palapit ako ng palapit sa kanila, I feel na parang kakainin talaga ako ni Hazel. Huwag naman sana.
Ang awkward nga lang dahil wala kaming ka-imik imik lahat. Tatanungin ko sana si Kyan kung bakit hindi pa sila pumapasok, eh kanina pa pala silang nandito sa labas.
"Ano ba 'yan. Ang init, Kyan pamaypay dali!" Dinig ko iyon galing kay Hazel habang naghahalo ng jampong.
"Excuse me, huwag kang iba-ibahan please." Sabay in-irapan niya ito.
Paano ba naman siya hindi maiinitan, eh maanghang yata yung kinakain niya. Jusko.
Sumandal na lang siya sa pinto na nakatagilid na akala mo nasa bahay lang. Kakaiba din pala ito. Nung unang nagkakilala kami, may kutob na akong may masama siyang intensyon sa akin eh. Tama na pala ang hula ko.
Reklamo pa rin siya ng reklamo habang kumakain, pero sa totoo lang kapag naamoy ko yung aroma nung kinakain niya, natatakam naman ako. Syempre, patay malisya naman ako ngayon, mahirap na kapag nakahalata, nakakahiya.
Ilang minuto kaming parang mga ewan dahil nagtititigan lang kami pare-pareho. Napaka-awkward naman ng mga ginagawa namin.
Maya-maya naman may nagbukas na ng pinto. Gaya nga ng sinabi ko, nakasandal si Hazel sa pinto, kaya ayun natapunan ng mainit na jampong yung damit nung.... Nung... Nung... PRINCIPAL?! Naku, mukhang ma-dodoblehan siya ngayon.
"Jusko. Girl, bakit naman napag-tripan mong sumandal sa pinto? Hindi mo ba alam na delikado iyang ginagawa mo? Dahil diyan, madadagdagan pa ang school offense na ginawa mo kanina."
Dedma lang naman itong si Hazel.
"Pumasok na kayo, bago pa ako mainis ng sobra sa girl na 'to." Then umalis na siya.
Nagka-choice na kaming pumasok sa office, grabe mala-kabataan ang way nung pagsasalita niya. Minsan ko lang kasi nakikita ang principal namin, kaya hindi ko pa masyadong na o-obserbahan.
Umupo na kami sa mga available na upuan na nakikita namin. Kinakabahan na ulit ako sa mga pwedeng mangyari baka mamaya magkagulo rito, sabunot-sabunutan ako tapos mag-aawatan, tsaka baka biglang himatayin ako mamaya tapos bumagsak ako. Tanong ko lang, sino naman kaya ang sasalo sa akin? Si...
"Ms. Sandoval nakikinig ka ba?" Tanong nung guidance counselor sa akin.
Lutang yata ako ngayon. Napatingin ako sa kanila dahil, hindi ko alam ang isasagot eh. Kahiya-hiya man, sinabi ko na lang na,
"Puwede pong pakilinaw ulit? Sorry po." Parang ewan tuloy ako ngayon.
"Bakit nasa canteen kayong dalawa ni Lance?"
"Kasi po, hahanapin namin si Aubrie roon. Tapos habang naglalakad po kami, nasagi ko po yung pagkaing dala ni Hazel. Aksidente lang po ang nangyari kanina kaya humihingi po ako ng dispensa." Sagot ko.
"Then, nung nasagi po siya ni Callie, bigla pong sumigaw si Hazel. Marami po siyang sinabi eh, parang napahiya po si Callie ng mga oras na 'yun. Dahil marami pong nakatitig sa kanya." Sunod na sabi ni Lance.
"Hmmmm... O, ikaw Hazel. Bakit naman sumigaw ka kaagad sa harapan niya eh alam mo namang maraming pwedeng makarinig ng mga pinagsasabi mo?" Tanong naman ni mam kay Hazel.
"Nadala lang po ako ng emosyon kanina." Sagot niya.
"Anyway, highlighted lahat ng iskandalong ginawa mo kanina. Pero yung sinabi mong nag-break kayo ni Mr. Alvarez, ang tumatak sa pandinig ng lahat. Is it true? Ikaw rin Dustin, tinatanong rin kita.
"Yes po." Sabay nilang sagot.
"Alam niyo naman siguro na, it doesn't need to involve or share your relationship status in public. Hindi niyo ba alam na kayong dalawa na lang ang natitirang running for president?"
"Ano po?" Tanong ni Dustin.
"Oo. Kanina lang yung isang candidate, umayaw na dahil mag ta-transfer siya sa Canada next two weeks. Yung mga pending list ng presidential candidates ay sa inyong dalawa na lang. Yung mga botong nakuha niya is i ta-transfer sa inyo depende sa mga students. May identity naman ang mga voters kaya madaling i-follow up ang votes nila."
"I'm so sorry po mam." Halata namang sincere si Dustin sa sinabi niya.
"I don't know if may magbabago dahil sa iskandalong ginawa niyo kanina. Mabuti na lang nakapag-report kaagad si Kyan. Makakaapekto sa image niyo yung nangyari." Dagdag ni mam.
"Well, napadaan lang po ako para bumili. Bigla ko pong nakitang nagkakagulo na sila kaya naman tinawagan ko na kayo kaagad." Sabi naman ni Kyan.
"Wala po kaming kasalanan dahil naroon po kami para pigilan na yung away. Talagang hindi na po namin makontrol si Hazel eh." Singit ni Aubrie.
"Sa ginawa mong ito Ms. Hazel, may gagawin kaming parusa na para sa iyo. Pero bago iyon kailangan ko munang makausap ang mga magulang mo, pati na rin ang sa inyo Callie at Dustin."
"Mam, baka po naman puwedeng mag-aregluhan na lang po kami." Pagmamaka-awa ni Hazel.
"No, wala akong kinukunsinti na kahit na sino sa inyo. Kapag lumabas sa school ang isyung ito, mapapahiya ang school natin. Then, mark my word, if that ever happens, walang kapatawaran ang ginawa mo. Running for president ka pa naman at graduating student tapos gagawa ka ng malaking isyu? I'm so disappointed." Sabi ni mam sa kanya.
"Mam, please po ako na rin po ang nagsasabi na huwag niyo na pong bigyan ng parusa si Hazel. Okay naman na po ako." Sabi ko.
"Thank you." Reply sa akin ni Hazel, halatang plastik naman yung smile niya. Kainis.
"I'm sorry pero buo na ang desisyon ko. Alam mo Hazel, sa lahat ng sinabi mo isa lang yung hinihintay ko, yung mag-sorry ka. Matuto kang magbaba ng pride mo."
Napalunok kaming lahat sa sinabi ni mam.
"Tapusin na natin ang usapan at baka magkagulo pa. Thank you for your time." Paalis na rin si mam kaya nagsitayo na kami.
"Yung mga parents, kailangan kong makausap bukas. Then Ms. Hazel..." Tinawag siya bigla ni mam kaya lumingon na siya.
"Learn from your mistakes." Sabay nag-walk out na si mam sa harap namin.
Gusto ko talaga na huwag ng mahirapan si Hazel eh, pero ano nga bang gagawin ko, yun ang dapat na gawin ni mam sa kanya.
Ayokong maistorbo rin si mama.
![](https://img.wattpad.com/cover/145013254-288-k535387.jpg)
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Novela JuvenilMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...