Yung dalawa gulat na gulat din sa sinabi ko lalo na nung nabasa nila yung news article na binasa ko. Tinignan namin kung totoo nga, pero exactly real ang lahat! Lahat ng networks at news website iyon ang number one topic.
Ang swerte ng birthday ni Dustin.
"Callie, mukhang padilim na." Sabi sa akin ni Dustin.
"Oo nga, bilisan na natin." Sagot ko.
"No, diretso tayo sa bahay namin ngayon."
"Ano? Wala 'yan sa napag-usapan."
"Don't worry you'll be safe."
Tinignan ko si Aubrie pero patay malisya naman siya.
Bakit sa bahay nila ang diretso namin? Hindi nga yata alam nina mama na pupunta ako sa bahay nina Dustin ngayon. Wala na rin akong nagawa dahil feel ko namang sincere siya sa mga sinasabi niya sa'kin.
Madilim na nung makarating kami sa bahay nila. Grabe, mansion nga talaga ang tinitirhan niya. Nakakabisado pa kaya niya ang pasikot-sikot dito?
"Wow, Dustin yayamanin ka talaga." Sabi ni Aubrie habang hangang-hanga.
Habang papalapit na kami sa grand gate nila, napansin kong maingay ng kaunti tapos maliwanag pa. Naririnig ko din 'yung mga boses, madami sila.
Lalo na nung bigla kong narinig 'yung mataas na boses ni Kath?Anong meron at nandito siya? Kasama kaya niya sa mama?
"Dustin, anong meron sa loob?" Tanong ko sa kanya.
"Aubrie, magbihis na kayo. Ituturo ko ang dressing room." Sabi ni Dustin.
Teka ano ba talaga 'to? Setup? Ganon?
"Dustin, bakit wala akong alam dito?" Tanong ko ulit.
"Basta, magbihis ka na para maganda ka mamaya." Sagot niya.
Hala.
"Nako, Callie let's go. Magbihis na tayo." Sabay hawak sa akin ni Aubrie sa balikat at sinamahan na kami ni Dustin sa dressing room.
"Aubrie, may alam ka ba tungkol dito?" Tanong ko.
"Yes. Kaya nga 'wag kang matakot. Nandiyan din ang mama mo ano, pati si Kath."
"So ibig sabihin, birthday celebration 'to ni Dustin?"
"Exactly, kaya magpaganda ka ng ayos."
"Jusko, wala man lang kayong pasabi?"
Pinagmadali na rin niya ako sa paglalakad, tapos nakapasok na kami ng dressing room.
"Callie."
Sa sobrang dami ng tao, hindi ko makita yung tumatawag sa akin. Nagpaulit-ulit siya ng tawag hanggang sa makita ko na. Si mama na pala 'yon.
"Callie, magbibihis lang ako. Sabi ko sa'yo diba? Nandiyan ang mama mo, ano ka ba naman." Umalis na rin siya pagkatapos.
Maganda ang suot ni mama ngayon, naka red siya. Maganda ang style ng blouse niya pati nung paldang fit sa mga hita niya.
"Callie, anak bilisan mo. Nakahanda na ang damit mo sa loob."
"Pero ma..."
"Dali, baka mahuli ka pa."
Pumasok na lang tuloy ako dahil hindi ako makaka-angal kay mama.
Pagkapasok ko, nakita ko na yung susuotin ko. Light pink siyang gown tapos may bakal pa yung pinaka-palda niya pampa-expand. Hindi ko na maalala 'yung tawag do'n pero ala Cinderella ang style niya.
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...