Ang buhay nga naman oh. I didn’t expect na makikita ko si Prince Dustin na gan’on ang itsura niya. Yung parang abot-langit yung ngiti niya sa akin. Blessing na naman siguro ‘to na hinding-hindi ko makakalimutan kasi sa tagal ng itinitigil ko rito sa Tyrone U, ngayong araw lang ako nakadama ng ganitong saya.
Hindi ko maipaliwanag yung moment kanina na parang imposibleng mangyari. Dahil mula pa noong first year ko rito, wala akong kakilala, may mga kaibigan naman ako pero kapag may kailangan lang sa’kin. Yung tipong tuwing exam, lahat sila naghihirap sa papel. Gan’on ba talaga kahirap ang buhay na pati papel wala sila? Eh kung makapag-pormahan naman akala mo kung sinong mayayaman, na kumbaga “unreach”.
Hanep ang mga ‘yon, pero pasalamat na rin ako at walang naglalakas ng loob na mam-bully sa’kin. Oo, kahit yung mga ala-gangsters kong mga kaklase kaya pa ‘kong bati-batiin na parang mga anghel na bumaba sa kalangitan. Eh sa iba naman, saksakan ng pang-aasar. Pero wala na ‘kong pakialam ‘pag nagkakagulo na sila. Naandiyan naman ang mga class officers para pasunurin kami eh, kaya lang yung president pa namin ang pasimuno sa pag papa-party party ng mga kaklase ko. Minsan nga pinag-lista ako ng mga noisy sa room pero wala akong inilagay ni isa kasi naman, ano bang mangyayari sa mga buhay namin kung maglilista ako?
Nga pala may exam pa kami this next class sa Science kaya kailangan ko pang mag-review.
Ngayon, pagdating na pagdating ko sa room namin, himalang nag re-review ang lahat. Bakit kaya?
“Callie. Mag review ka na dali!” sabi nung katabi ko na parang ang demanding pa kung mag-utos. “Ah. Bakit anong meron?” simpleng tanong ko sa kaniya.
“Ililibre daw ni Ma’am ang magiging highest sa exam!”
Siyempre, nag-review na rin ako. Gusto kong makakuha ng libre kay Ma’am. Balita ko kasi malapit na ang birthday niya kaya ayun, nagbago yata ang ihip ng hangin. Akalain mo yung masungit naming teacher, manlilibre bigla.
Habang ako’y nag re-review, napansin kong nawawala yung ballpen ko. Kaya hinanap ko na dahil madali lang naman para sa’king mahanap ‘yon dahil may palatandaan ako para kung sakaling mawala, agad kong makikita.
Una kong hinanap sa bag ko, pero wala naman. Nilibot ko ang buong room namin, at tinititigan ko talaga yung mga ballpen na hawak nila. At ‘yon na nga, sa wakas nahanap ko. Na kay Aubrie pala naman jaya agad ko siyang nilapitan para kuhanin yung ballpen ko.
“Aubrie puwedeng akin na ‘yong ballpen?” tanong ko sa kaniya.
“Sure. O eto, nalaglag kasi kanina. Ilalagay ko na sana sa collections ko eh,” nakangiti niyang sabi sa’kin habang inaabot yung ballpen ko.
Dali-dali na ‘kong umupo dahil naririnig ko na ang yabag ng paglalakad ng masungit naming teacher. Kung makapag-heels ba naman, akala mo fashionista talaga.
“Good morning class,” bati niya sa’min habang nakasimangot.
“Good mor-n...” Ibinalik lang namin yung bati pero bigla niya kaming pinatigil. Madalas naman niyang ginagawa ‘yon kaya sanay na sanay na kami.
“We’ll have a long quiz from Genetics to Dihybrid Cross. Walang pamimilian at identification lang kaya ibig sabihin dapat aral na aral niyo na yung mga lessons that we’ve discussed last meetings.” ‘yon ang binigay niyang format ng test kaya lahat kami, napalunok sa mga sinabi niya. Sana makalibre ako kay Ma’am mamaya, todo-todo food trip na ulit ako kung sakali.
Maya-maya pa’y pinag-take niya na kami ng exam. 45 minutes lang yung time allotment kaya binilisan ko na. Sure naman ako sa mga naging sagot ko kaya wala akong dapat ipag-alala. Ipinasa ko na rin agad yung papel ko pagkatapos.
“Ma’am ito na po yung papel ko,” nagtaka lang ako at yung tingin sa’kin ni Ma’am, para bang gulat na gulat siya nung nagpasa na ‘ko.
Kitang-kita ko na parang namangha din yung iba.
“Uwian na, may nanalo na bes,” bulong ng isa kong kaklase. Pero kahit ano ‘pang hina niyan, naririnig ko pa rin. Nagpakabit na ko ng auditory device sa tenga ko, para ‘di ako mapag-iwanan ng mga tsismis nila. Tahimik na may tinatagong ingay pala.
Nung nakapagpasa naman na ang lahat, pinalibot na yung mga answer sheets namin para ma-check-an na. Excited naman ako para ‘don, dahil ito yung favorite part ko ‘pag nag e-exam.
After several minutes...
This is it! Mag a-announce na si Ma’am!
Sana ako ‘yan. Keep praying Callie, tiwala lang. Tahimik na tahimik ako habang nag papa-suspense si Mam.“Callie, puwede bang tumayo ka?” tanong sa’kin ni Mam, kaya lalo akong kinabahan ngayon. Pero tumayo na rin kagad ako, kahit nanginginig ako sa sobrang nerbiyos.
“You’ve got the highest score Callie. Gaya nga ng sabi ko, Mag ti-treat ako ng makakuha ng mataas na score sa’ting exam. Mamaya, pumunta ka sa room ko mga hapon bago umuwi.”
“Talaga po Mam? Sige po, sige po pupunta na po ako mamaya.” pa-innocent kong reply sa kaniya. Ano kaya ‘yon? Nakaka-excite naman at sana ayos yung pa-treat sa’kin ni Ma’ammamaya. Ano kayang nakain no'n? Kahit pa-pizza lang, ayos na sa’kin dahil ‘di naman ako choosy.
***
Nangyari naman na lahat ang dapat mangyari para sa araw kong ‘to. May isa na lang na hindi eh. Kaya dali-dali akong nagpunta sa room ni Mam. Yung mga kaklase ko, yung mga itsura parang nag e-expect na bibigyan ko sila. Para muna sa’kin ‘to.
Nang makarating na’ko sa room ni Mam, pinaupo na niya ako.
“Callie, talagang hinintay na kita para maging malinaw sa’yo yung pa-treat ko. Excited ka na ba?” tanong niya.
“Yes mam, excited na’ko,” tipid kong sagot para ‘di ako mapagkamalang gutom sa libre.
“Ginawa kong batayan yung test kanina dahil, I need a student na mangunguna sa campaign at election week na gaganapin sa susunod na linggo. Bale 2 weeks na, isa sa campaign at isa sa election. Science Club ang mangunguna ‘don. Halos first section ang nasa club ko kaya kumuha na ‘ko sa inyo. Alam ko namang kakayanin mo,” pilit kong ina-absorb lahat ng sinabi niya.
“Ano po mam? Ako ang mangunguna sa club?”
“Oo, Callie dahil napaka-busy na ng mga officers. At alam kong ikaw yung makakapag-report sa’kin sa mga preparations. Ayos lang ba sa’yo?”
“Ok mam.”
“Yung talagang pursigido ang pinili ko at ikaw ‘yon.”
“Ok mam. Puwede na po ba ‘ko umalis?”
“Sige, baka ma-late ka pa sa pag-uwi. Salamat ulit.”
“Anytime po mam. Sige po ako’y aalis na.”
“Ingat sa pag-uwi.”
Naglakad na ‘ko pabalik sa room. Nando’n pa pala sila. Parang nag-abang ang mga ‘to.
“Callie. Alam mo na,” gutom na gutom nilang sabi sa’kin.
“Sorry. Ang treat sa’kin ni Mam, ako ang mangunguna sa campaign at election week para sa Student Council.”
“ANOOO????”
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Genç KurguMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...