Kinahapunan rin ng magpunta na ako sa cafeteria. Narito ako sa daan ngayon para puntahan si Aubrie.
Habang papalapit na ako roon, nakita kong naghihintay na siya. Mabuti nalang at walang nakakapansin na absent siya ngayon. Sa hinaba-haba ng oras na naggala lang kami sa school, malamang wala ng makaka-notice sa kanya.
Mabilis na akong nakapaglakad then narito na rin ako. Umupo na ako kung saan nandoon siya.
"Aubrie." Tawag ko.
"Nandiyan ka na pala, ang aga mo naman."
"Gano'n ba? Teka, bili muna tayo ng maiinom."
Um-order kaming dalawa ng expresso. Pangalawang inom ko ng kape ngayon, pero hindi ko naman na talaga habit na uminom pa nito.
"Ano ba yung sasabihin mo sa akin?" Tanong ko sa kaniya.
"Wait, hindi ko alam kung paano ko sisimulan."
Hinintay ko nalang siyang makapagsalita para bigyan siya ng turn.
"May nababanggit ba sa'yo si Lance?"
"Nababanggit na?"
"Kahit ano."
Jusko, kailangan ko munang magsinungaling na wala. Baka kasi masyadong bumilis ang pangyayari. Tignan ko muna kung para saan ang usapang ito.
"Wala naman, teka bakit ba natanong mo?"
"Sa iyo ko lang ito sasabihin ha."
"Okay. Ano ba 'yon?"
"Absent ako kanina dahil may mga personal things akong inaayos. Nag-decide sina mommy na i-transfer na ako ng school."
Nanlaki ang mga mata ko dahil Super akong nabigla sa sinabi niyang iyon.
"Hala. Bakit ka naman lilipat?"
"Kasi, nandoon yung dalawa kong kapatid. Sabi nila sumunod na raw ako roon para makasama na rin sila."
"Jusko, ang hirap naman niyan. Kailan ang alis mo?"
"Baka next 2 months na rin ako makakaalis. Buti naabutan ko pa itong fest natin."
"Kaya nga eh, nalulungkot ako kung matutuloy iyang pag-alis niyo, balik tayo. Bakit mo natanong sa akin si Lance?"
"Naalala mo pa ba yung time na bigla akong umiyak sa harapan mo?"
"Oo, naaalala ko pa 'yun."
"Kasi..."
"Kasi?"
"I've been dreaming for him since nung una ko siyang nakita. Hanngang ngayon naman walang nagbabago sa akin eh. Pero heto ako ngayon, mukhang hangin lang sa harapan niya. Dapat pa ba akong umasa don? Feeling ko kasi, walang pupuntahan lahat ng 'to. Ayoko lang na mapagod ako at lalong masaktan sa huli." Ako naman, medyo nag-iisip pa ng sasabihin sa kaniya.
"Pinagdadaanan ko na rin 'yan Aubrie. Depende na rin sa iyo kung patuloy ka pa ring umaasa ka sa kaniya. Pwede nating sabihing baka meron, o baka naman wala, we are not sure sa bagay na 'yon. Then kung magkamali man tayo, marami naman tayong matututunan. Bakit mo ring nasabing paasa siya?"
"Hindi sa pag-aano Callie ha. Napapansin ko lang kasing madalas kayong magkasama."
"Nagseselos ka ba?"
"Parang gano'n na nga. Kapag minsan nag-uusap na kayo kasama si Kyan, hindi ako makasingit dahil nahihiya na rin ako sa kaniya. Baka kasi masabi pang nagpapapansin ako."
"Aubrie, yung sitwasyon ko rin talaga ngayon is nalilito talaga ako. Ang pledge ko talaga ay study first tapos biglang sumulpot sa buhay ko sina Dustin at Lance. Siguro, kung mangyari man yung mangyayari na hindi ko pa sure, sana mabalanse ko."
"Pero nakapili ka na sa kanila? Kung si Lance man iyan, ayos lang sa akin kung talagang kayo ang dapat sa isa't-isa eh. Pareho ko naman kayong kaibigan, kaya support ako sa inyo."
"No comment pa ako eh. Bahala na siguro, 'yun namang si Dustin tumahimik ngayong araw. Kasa-kasama si Hazel."
"What? Magkasama pa sila ngayon? Parang walang nangyari ha, nakakagigil na talaga ng sobra iyang babaeng 'yan. Sarap sabunutan eh, ang kapal talaga! Kasalanan niya yung kahihiyan sa school, tapos gano'n-gano'n nalang ba 'yun?"
"Ang nakakapagtaka lang kinausap niya ako kanina habang magkatabi sila ni Dustin. Ang bait niya sa akin."
"Naniniwala ka naman? Ni hindi pa nga yata nag so-sorry sa iyo 'yun ah."
"Hindi pa nga."
"It means pakitang tao siya, kung talagang na gi-guilty siya sa ginawa niya sa'yo, mag so-sorry 'yun as pagtanggal ng pride niya."
"Kung magagawa niya pa sa akin na magpanggap, siya na ang may problema at hindi na ako."
"By the way, bakit kaya dumidikit na ngayon si Dustin sa kaniya?"
"Hindi ko na rin alam eh."
"Baka may napag-usapan na sila na hindi binabanggit sa'yo ni Dustin."
"Bakit naman i she-share pa niya? Sino ba ako sa buhay no'n?"
"Napansin ko na rin noon ha, mula nung kauna-unahang araw palang yata bago ako sumama sa preparation week ng election, may something na."
"Ha? Paano mo naman 'yan nasabi?" Natatawa kong tanong sa kaniya.
"Nung first day ko roon, halatang na love at first sight na siya sa'yo. Sino ba namang lalaki ang biglang mang-aasar sa'yo na hindi mo pa naman masyadong nakikilala. Siguro ramdam na rin niya na you like him."
"Jusko, malay ko ba?"
"Pero totoo bang gusto mo?"
"Masasabi ko na masaya akong na-notice niya ako bigla. Sa dinami-rami kasi ng mga nagkakandarapa na mapansin sila ni Dustin, eh ako pa. Pero siguro friendly nga rin siya sa mga bago niyang kakilala. Nasabi niya sa akin 'yun dati. Ayaw niyang sabihin kung bakit gano'n."
"Kaibigan? Naku, malay mo higit pa doon dati. Ewan ko lang ngayon, kasi bakit pa niya sasamahan ang ex niya sa paglilibot ng school? Ang awkward na kaya no'n."
"Bahala na silang dalawa. Labas na ako roon, baka kasi sabihing nakikisawsaw ako."
"Bakit hindi mo siya tanungin? Take your time kung gagawin mo. Nagsasabi lang ako kung anong naiisip kong magandang way."
"Pag-iisipan ko muna."
"Basta Callie, 'wag mo ipagsasabi yung secret ko ha."
"Opo mam. Pati yung akin huy."
Napansin naming baka masobrahan kami sa oras ngayon kaya napagpasyahan na naming umuwi nalang at bukas na ulit mag-usap sa school.
Kung gusto niya si Lance, at ako hindi pa sure, ibig sabihin sa akin nakadepende ang kalalabasan ng problema niya. At kung may gusto man ako kay Dustin pero hindi naman talaga ako yung deserve sa kaniya na siguro dala lang ng pag a-assume ko, baka masaktan lang ako sa huli.
Isang moral dillema ang kahaharapin ko ngayon. Hindi ko pa alam ang gagawin, baka may sign pa ulit.
Nung humiwalay na ako kay Aubrie sa paglalakad dahil may pupuntahan siya, bigla kong nakitang nakaangkas sa motor si Hazel which is si Dustin pa ang nag da-drive. Naka uniform pa sila, bakit late silang uuwi? Ihahatid kaya siya ni Dustin?
Yoko na. Hahaha... Ang sakit mag-assume, pero paano si Lance?
Mas mahirap pa yatang sagutin ang mga tanong ko sa sarili ko kaysa gumawa ng mga thesis. Haahaha.... Pero hindi ko pa natutunan 'yun.
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...