Ninanamnam ko ang pagkain ngayon dahil matagal-tagal na rin akong huling nakatikim nito. Pagkabalik ko sa meeting place namin, nandoon na yung tatlo. Ano iyon? Sabay-sabay ba sila kanina?
"Ang bilis niyo naman." Sabi ko sa kanila.
"Mas nauna ka pa nga eh, kumakain ka pa pala diyan. Halos magkasunod lang tayo tapos si Kyan then si Dustin na." Sabi sa akin ni Aubrie.
"Sapat ba yung mga nabili niyo? Yung nagastos ko mga 500+" Sabi ko sa kanila.
"Buti ka pa nakamura, kami nga maraming nagastos. Medyo nagtaas presyo daw sila ngayon. Pero marami naman akong binili wala man lang discount." Angal ni Kyan.
"Ha? Sa akin meron."
"Hindi na importante kung may discount o wala. Basta nabili lahat ng dapat bilhin, okay na 'yun." Singit sa amin ni Dustin.
"Nga pala, ang styrofoam ba saan pwedeng bilhin?" Tanong ko.
"Hindi ko rin alam eh." Sagot naman ni Dustin sa akin.
"Mukhang walang nakakaalam sa atin kung saan. Bakit hindi muna tayo magtanong?" Sabi sa amin ni Kyan.
"Kanino naman?" Tanong ko sa kaniya.
"Kahit kanino kung may alam sila."
Ginawa namin yung option na iyon, sumakay kami sa kotse at nag-stop ng ilang ulit para magtanong.
Kinausap namin lahat ng mga nadadaanan namin pero ni isa sa kanila hindi alam kung saan pwedeng makabili ng styro.
"Bumalik na kaya tayo ng school." Sabi ni Aubrie.
"Huwag muna, baka may makapagsabi pa sa atin. Nandito na rin tayo, sayang naman kung hindi pa tayo makaka-kumpleto ngayon." Sabi ko sa kaniya.
"Kaya nga." Singit naman ni Kyan.
Patuloy lang ang pagmamaneho ni Dustin, may isang babae kaming nakausap at alam niya yung mapag-bibilhan namin. Salamat naman.
Nagbigay siya ng instructions na tinandaan namin. Pinuntahan namin yung store na tinukoy niya. Makalipas ang ilang minuto at mukhang ito na yung sinasabi niya.
Nasa harapan namin ngayon ang isang store outlet na halos karamihan, spare parts at ilang tools sa pagkukumpuni ang mga tinda.
"Ito na kaya?" Tanong ni Dustin.
"Baka nga, tanungin natin yung mga nagtitinda." Sabi ni Aubrie.
Si Dustin na ang nagtanong, nasa likod niya kami ngayon. Narinig naming may tinda nga sila kaya nabuhayan kami.
Maya-maya inilabas ni manong yung styro na kailangan namin at saktong mayroon pa daw siyang natitirang gano'n. Nung makita namin, masasabi kong 2 inches ang kapal at mga nasa isang metro ang haba.
Naisip naman naming pwede na 'yun kaya kinuha na rin namin. Nung ilalagay na namin yung iba sa compartment, nagkasya naman kaya lang hindi lahat. No choice kami kundi ang isiksik sa loob yung iba.
"Mukhang factory na tayo ng styrofoam nito." Pagbibiro ni Dustin.
Bumalik na kami kaagad ng school, dahil medyo gutom na rin kami. Maaga ang balik namin dahil medyo hindi naman kami nagtagal sa pamimili.
Ilang sandali pa, nag pa-gas muna siya dahil baka hindi raw abutin sa school eh.
Pinili ko nalang muna na makinig ng music dito sa phone ko para hindi ako medyo bored sa biyahe. Tahimik lang akong nakikinig dahil baka makita na naman ako ni Dustin na nag li-lip sync dito. Nakakahiya na.
Mga ilang kanta rin ang natapos at natatanaw ko na ang mga buildings ng school namin. Pinag-aayos na namin ang patas ng mga pang-decorate para madaling maibaba sa kotse mamaya.
Nang marating na namin ang school, bumaba na kami. Sinalubong kami ng dalawang school guard para tulungan kaming bitbitin lahat lalo na yung mga styrofoam. Medyo nakakapagod dahil inclined yung dadaanan namin, parang umaakyat na kami eh, tapos ang bigat pa. Pero carry naman namin ang pagbibitbit.
Dinala namin ang mga ito sa hall para maipatas ulit ng maayos. Okay na rin siguro ito, baka nga sobra pa dahil yung ibang sections may mga pang-decorate din na inihanda. Mabuti nalang hindi namin masyadong nasaid yung fund. Pwede pa naming gamitin iyon sa mga iba pang bagay.
Pagkatapos naming manggaling sa hall, plano na naming mag-lunch nalang muna sa room. Sabay-sabay kaming bumalik at napansin naming halos wala na ulit katao-tao sa room. Si Lance siguro, nandoon sa mga ka-tropa niya sa section namin dati. I hope na sa susunod, may mga maituturing siyang tropa din dito sa Section A. Pati rin sana ako, magkaroon pa ng ibang mga bagong makikilala.
"Nakakapagod ano?" Sabi sa akin ni Dustin.
"Oo nga, buti nalang mabilis tayong nakabili kahit papaano."
Sabay-sabay kaming nag-lunch sa room at tabi-tabi pa. Mga bakante naman kasi ang upuan eh.
"Nasaan kaya si Hazel?" Tanong ni Aubrie.
"Baka nasa cafeteria din kasama yung mga alipores niya." Sagot ni Kyan.
"Alipores?" Pagdududa ko.
"Akala mo lang wala, pero meron. Siguro, hindi pa sila nagpaparamdam sa'yo dahil wala pa yung leader nilang aswang." Sabi ni Kyan.
"Oo nga, siguro sa cafeteria sila naghihimagsik ng lagim." Singit ni Aubrie.
"Grabe naman kayo sa tao, huwag na muna natin siyang i-judge." Sabi ko.
"Mabuti pa ikain niyo nalang iyan. Isa pa, nasa harap kayo ng pagkain tapos ganiyan yung mga sinasabi niyo." Sabi ni Dustin sa kanilang dalawa.
Natahimik sila, pero nag-dadaldalan pa rin kami. Mamaya na nga rin pala yung registration, hindi naman ako kasali dahil bawal ang mga officers. Tsaka kahit hindi naman ako officer, hindi rin ako interested. Medyo nahihiya ako eh. Hahaha...
Biglang nag-ring ang bell at may pa-voca na ulit ang school.
"Magsipasok na ang lahat sa room for an announcement within 10 minutes. Magsipasok na ang lahat sa room for an announcement within 10 minutes."
Dalawang beses pa talaga ha. Todo efforts talaga ang mga nasa school publication club.Maya-maya lang din nadagdagan na ang volume ng bilang ng mga estudyanteng nandito na ulit sa school. Mas pinalakas pa nga ang bell namin ngayon, dahil karamihan nga naman lahat ng estudyante nasa cafeteria tuwing ganitong oras.
Nung nakita ko ang pagpasok ni Hazel sa pinto kinabahan ako bigla, mabuti nalang magkalayo ang upuan naming dalawa kaya medyo panatag ang loob ko ngayon.
"Magsisimula na ang School Fest Registration within 5 minutes. Lahat ay inaanyayahang pumila na agad sa quadrangle. Salamat." Voca effect version 2 na ang nagsabi bigla. Nakakagulat naman 'yun, basta nalang ang pag a-announce. Biglaan talaga eh.
Kailangan ko na ring bumaba dahil need na rin ako ng mga co-officers ko roon.
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...