Speaking of Kyan, bigla naman siyang nagpunta rito sa pinto room namin.
"Callie, maya-maya mag i-start na ulit. Kaya hindi ka muna pwedeng magtagal." Sabi niya sa akin.
Nilapitan ko na siya dahil alangan namang sumigaw ako para makausap siya eh.
"Sige, bibilisan ko na lang." Sagot ko.
Bumalik na ako sa kina-uupuan ko dahil magkausap pa kami ni Lance eh.
"Diba, iyon yung Kyan na sinasabi mo?" Tanong niya sa akin.
"Oo. Siya nga."
"Parang hindi naman ganoong katapang eh. Yung first impression ko kasi."
"Oo nga. Teka, si Aubrie kaya? Kanina pa siyang wala. Hindi pa ba tapos bumili iyon?"
"Naku, baka hindi pa. Ang dami kasing bumibili kaya medyo sikip."
"Puntahan kaya natin. Mamaya pa naman ulit ang start ng election eh."
"Sige, tignan natin siya roon."
Pumunta agad kaming dalawa para ready sa siksikan. Jusko.
"Sana naman medyo humupa na yung mga estudyante ano?" Sabi ni Lance sa akin.
"Kaya nga, election day kasi. Kaya sabay-sabay lahat ng recess natin."
"Ngayong araw lang naman kaya, pagtiisan na muna natin."
Ngayon, nasa loob na kami. Alam kong malaki naman ang canteen namin eh. Kaya lang marami talagang estudyante rito kaya sikip. Nga pala, magpapatayo daw ng cafeteria sa labas, eh ang lapit pala dito sa school namin kaya pamihado mag ma-migrate ang ilan doon kapag nagawa na.
Lahat ng kaya naming daanan, nilalakad na namin pero...
"Are you out of your mind?" Sigaw ng isang babae na sa tingin ko, galit sa akin.
Sa pagmamadali ko kasi, nalaglag yung pagkain niya sa sahig.
"Pasensya na." Nakatungo pa rin ako dahil nahihiya ako eh.
"Naku, huwag kang pa-innocent."
"Pwede ba? Nag so-sorry na nga yung tao sa'yo." Singit ni Lance sa akin.
"At sino ka naman, para ipagtanggol 'yan? Boyfriend ka ba niya? Ha."
Naglakas loob na akong harapin yung babae na 'yun.
Nagulat lang ako dahil si Hazel pala.
"Callie?" Tanong niya sa akin.
Hindi na ako nakasagot at nag-sorry na lang ako.
"Alam mo ikaw, ikaw yung rason kung bakit nag-break kami ni Dustin! Sa totoo lang, simula nung dumikit-dukit ka sa kanya, galit na galit na ako sa'yo noon." Sigaw niya sa akin.
"Hindi ko naman kasalanan kung bakit ganyan ang nangyari sa inyo." Sagot ko sa kanya.
Napatingin ang lahat sa amin, dahil walang nakaka-alam na nag-break sila lalong-lalo na, na naging sila noon.
"Tara na Callie." Hinila na ako ni Lance para makaalis na kami. Pero patuloy pa rin siya sa pagsasalita.
"Hindi pa tayo tapos, huwag kang duwag!" Sinundan niya na ako ngayon.
Bigla namang dumating sina Aubrie at Dustin.
"Anong meron?" Gulat na tanong ni Aubrie.
"Hazel, ikaw ba ang may kagagawan nito?" Tanong rin ni Dustin.
"Pwede ba? Aminin mo na lang na siya talaga ang sumira sa atin. Ngayon lang ako nakapaglabas ng sama ng loob dahil nakita ko ang pagmumukha niya."
"Huwag kang gumawa ng isyu rito." Sabi ni Dustin.
"Callie, tara na. Hayaan mo sila." Hinila na ako ng tuluyan ni Lance palabas.
"What's happening there?" Napatigil kami ng marinig ng lahat ang boses ng nag-iisang Kyan Contreras.
"Huwag kang makisali rito, dakilang perpekto." Sabi ni Hazel sa kanya.
"Okay. Alam mo naman ang ugali ko, ayokong mapasama diyan kaya ayokong mapasama sa mga illegal na gawain mong manira ng buhay ng iba." Inilabas niya bigla ang phone niya.
"Hi mam guidance, we have to talk right now. Dahil meron po tayong duming lilinisin. See you." Ang dalubhasa niyang makipag-usap.
"Hoy, hindi mo ko kayang takutin." Sigaw ni Hazel.
"Watch me." Tipid na sagot ni Kyan at umalis na.
Tumakbo na kami ni Lance dahil ayaw naming mapasama sa gulo. Bago kami makaalis, may sasabihin pa sana sa akin si Dustin pero kailangan na namin talagang makaalis roon.
Grabe, nandito lang naman kami para hanapin si Aubrie, tapos nagkagulo na. Nakakahiya.
Dumiretso na kami ni Lance sa room.
Iyong mga kaklase ko naman, nawala lahat kaya kami lang dalawa ang narito. Nasaan naman kaya sila?
"Okay ka lang ba?"
"Medyo, pero salamat ulit at ipinagtanggol mo ako kanina. Pasensya na, ayokong makipag-away sa kanya, dahil hindi ko naman gustong gawin 'yon."
"It's okay. Nagulat ako sa mga sinabi nung Hazel na 'yun. Lalo no'ng sinabi niyang ikaw daw ang dahilan kung bakit nag-break sila ni Dustin."
"Pero aaminin ko sa'yo na nalaman kong nag-break na sila nung araw ng first day ko sa hall, dahil accidentally kong nabasa yung message notification sa phone ni Dustin."
"Bakit kaya ikaw ang napagbuntunan niya?"
"Hindi ko rin alam. Alam ko namang wala akong ginagawang masama." Napaiyak na lang ako bigla. Hindi ko alam kung bakit.
"Sige, iiyak mo lang. Ilabas mo lahat ng nararamdaman mo."
"Sorry, kung sa harapan mo pa akong nakikitang nagkakaganito. Ito ang unang pagkakataon na, umiyak ako. Unang pagkakataon rin na may taong nagtatanggol sa akin. Sobra-sobra na lahat ng nagawa mo."
"Sinabi ko naman sa'yo na, lagi akong nandito para sa'yo. Alam ko namang magkaibigan na tayo eh. Diba?"
"Sa-la-mat." Nahihirapan na akong magsalita dahil humahagulhol na ako sa kakaiyak.
Sa pagkakataong ito, hindi ko in-expect na bigla niya akong yayakapin. Ngayon ko lang nalaman na, may natitira pang tao na kaya akong samahan sa mga ganitong sitwasyon. Thankful ako dahil siya 'yon.
Patuloy pa rin ako sa kakaiyak pero, nawala dahil nakita ko ang mga kaklase ko, sa pinto habang papalapit.
"Ahhhhhmmmmm..." Bigla silang nag ubo-ubuhan.
Tumahan na ako nung makita ko sila.
"Callie, tapos na. Napaluhod na namin si Hazel kaya tantanan mo na ang pag e-emote. Hahaha..." Sabi nung isang ka-tropa ni Lance sa akin.
Nakangiti silang lahat nung nawala na ang pag-iyak ko.
"Lance ha, ikaw ba 'yan?" Sabi niya ulit.
"Oo naman. Nanibago bigla kayo?"
"Ah, kasi. Basta. Hahaha..."
Napatawa nalang bigla kaming lahat. Masaya na rin ako dahil ang babait nila sa akin.
"Naku, mamaya na natin pag-usapan ang nangyari, kumain na lang tayo. Gutom na ang lahat eh." Sabi ni Aubrie.
Gaya nga ng sinabi niya, nag-pretend na lang kaming walang nangyari.
"Lance, thank you sa lahat."
"I'm here naman as always. Tama na ang drama. Kumain na lang tayo para wala ng problema."
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Novela JuvenilMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...