Chapter 9: I Know Right

533 41 0
                                    

Haayy.... Inaantok pa rin ako. Teka, ano bang nangyari ulit kanina? Kailangan ko bang mag-refresh?

“Hoy ate, bangon na. Mukhang pagod na pagod ka yata kanina.”

“Ha? Pagod? Ako?”

“Nako. Ate, gumising ka nga! Signs of aging ba ‘yan?”

Sa sinabi niyang ‘yon, sinampal ko ang sarili ko. Minsan, pagkagising ko hindi ko maalala ‘yong nangyari before. Pero unti-unting na re-refresh sa isip ko. Siguro sa sobrang pagod na nga rin.

“Ah. ‘yon naalala ko na. Nakapag-meryenda ka na?”

“Oo ate. Kumain ka na. Si Mama umalis habang tulog ka. May pupuntahan daw.”

“Ah. Saan daw siya pupunta?”

“Ewan.”

‘Di pa rin ako makagalaw sa sobrang pagkatulog ko. Nakakaantok pa din eh, pero kumain na rin ako para ako’y magising-gising ng konti.

Habang nasa kusina pa ako, may napansin akong papel. Nakasiksik ‘yon sa cabinet na ang puro laman mga plato at iba pa, na para lang sa mga bisita namin.

Inusisa ko na rin ‘yong papel.

“Hi, Tessie! Si Mitchell ‘to. Miss na miss na kita sis. Malapit na rin akong umuwi, mga April 18 siguro ako makakauwi para sa birthday ni Dustin na i ce-celebrate sa 22. Bumisita ka sa bahay pag-uwi ko ha. Isama mo na rin sina Callie at Kath para makilala ko na rin sila. 6 years before pa nung nakita ko sila. I’m excited to meet them.”

Hala. Oo nga pala si Ate Mitchell. Last ko siyang nakita noong 11 years old ako, pero hindi ko alam na anak niya si Dustin. Siya lang kasi palagi ang pumupunta dito sa bahay, wala siyang nababanggit tungkol sa mga anak niya.

At April 18 ngayon! Oo, 18 nga. Wednesday ngayon eh, plus 4 days edi
sa Sunday yung birthday niya. Bakit wala siyang nabanggit?

Kaya siguro umalis si Mama, dahil nga pupuntahan niya si Ate Mitchell. Jusko. Alam kaya ni Dustin na magkaibigan ang parents namin?

***

5:50 A.M.
April 19, 2018

Callie’s P.O.V.

Haaay... Anong oras na ba? Pagkatingin ko sa orasan, 5:50 AM na. Maaga pa naman, kaya easy-easy muna.

Buti naman, naalala ko ‘yong pangyayari kagabi. Jusko. Ayaw sabihin ni Mama kung saan siya nagpunta. Kaya wala rin akong binanggit tungkol sa sulat na binasa ko. Secret muna namin ni Kath ‘yon, pamihadong nagalaw niya na ‘yon eh. Isa pa yung usisa dito sa bahay.

Habang papunta na ko sa kusina, nakita kong nagluluto na si Mama for breakfast.

“Good morning Ma. Mukhang masarap ‘yong niluluto mo ah,” bati ko sa kaniya.

“Good morning din. Naunahan ka ng kapatid mo bumangon. Maya-maya luto na ito kaya puntahan mo na siya sa kwarto.”

“Ang aga niya Ma nagising? Anong nakain no’n?”

Pumunta na ‘ko sa kwarto ni Kath. Pero pagkapunta ko, binabasa na niya yung letter.

“Kath, ibalik mo ‘yan mamaya sa cabinet ha. Lagot tayo pag nalaman ni Mama na binasa natin.”

“Akong bahala ate, ibabalik ko naman eh.”

“Secret lang natin ‘yan ha. Siya, kakain na maya-maya pumunta na tayo sa kusina.”

“Okay. Itatago ko muna sa bulsa ko. T-timing-an ko na lang si Mama mamaya.”

“Sige, tara na.”

Pagkakain namin, ayun na nga’t luto na ‘yong breakfast. Kumain na rin kami, at na-tiempohan na ni Kath si Mama kaya naibalik na ‘yong sulat. Mabilis na rin kaming nag-gayak para ‘di mahuli sa klase.

Halos 25 minutes kaming naglalakad ngayon. Habang namamasyal kami sa kalsada ng kapatid ko, nakita ko ‘yong kotse ni Dustin na kasama si Hazel. Namukhaan ko dahil naka-open ‘yong bintana. Pareho na silang naka-uniform para pumasok. Nako, baka mapag-usapan sila mamaya. Bakit ba kasi, magkasama sila sa pagpasok? First time lang akong nakakita ng gano’n. Hindi bale na nga.

Maya-maya nung makapasok kami ni Kath ng gate, humiwalay na siya. Ayaw muna daw niya magpahatid. Mabuti nga ‘yon para matuto siya.

Habang naglalakad ako papunta ng room, ang daming estudyanteng nag-uusap kung saan-saan. Hindi kaya tungkol iyon sa dalawa?

Hanggang sa makarating na ako ng room, yung mga kaklase ko, nag-uusap na rin lahat.

Tapos bigla akong tinawag ni Lance.

“Callie, alam mo na?”

“Ang alin?”

“Yung kina ano...”

“Yung kay Hazel at Dustin?”

“Oo. Habang naglalakad ako papunta ng school, magkasama silang pumasok.”

“Bakit kaya? Linked ba ‘yong dalawang ‘yon?”

“Hindi ko rin alam eh.”

Maski ako, nagtataka. Kaka-break lang nila kahapon, sa pagkaka-alam ko. Pero bakit magkasama sila? Mabuti na lang wala pa’kong nasasabihan nung mga nalaman ko sa kanilang dalawa.

Excuse na kami ni Aubrie this day, kaya nagpunta kaagad kami sa hall.

“Aubrie, mag-ingat ka. Mga baguhan lang tayo eh.”

“Okay lang, may idea naman ako sa mga gagawin eh. Flyers nga ano?’

“Oo. Nga pala, kamusta ‘yong paglalakad mo kasama si Dustin?”

“Okay lang. Pero kinilig ng konti. Bihira lang siya makisama sa iba no. Pero hindi ko na siya crush ngayon, dati lang.”

“Sino yung ngayon mo?” mariin kong tanong sa kaniya.

“Secret. Ikaw ba? Si Dustin ‘yan ano?”

“Naku. Hindi, tara na magsimula na tayo.”

Nakapagsimula na kaming dalawa ni Aubrie. Kami yung pinaka-nauna sa lahat. Maaga kasi kaming nakapasok eh. Mga 30 minutes lang at nakarating na sila, sabay-sabay pa ha. Tutal, mag kaka-klase naman sila. Ano kayang feel ni Hazel ngayon?

Kaming dalawa ni Aubrie, focus lang sa ginagawa namin. Hinayaan naman namin silang pumasok eh. Naiilang lang din kami sa kanila, dahil sa isyu nung dalawa. Pero bahala na nga. Jusko.

“Good morning sa inyo,” bati nilang lahat sa amin.

“Good mo-r-ning den,” nauutal kong sagot sa kanila.

Ano naman kayang nakain nilang lahat at binati kami na parang ang ganda ng pasok ng araw nila. Buong section na nila ang napapag-usapan ngayon. Pero ‘di na kami naki-usisa at gusto lang namin ng payapang buhay.

Tapos, ito na. Nakatabi ko na ulit si Dustin. Umiiwas ako ng tingin sa kaniya, dahil ewan ko rin. Parang ayaw ko siyang kausapin na gusto ko naman. Ang gulo ng mundo sa totoo lang. Habang si Aubrie naman, nag-eenjoy lang sa ginagawa niya. Siguro sanay na rin.

“Alam mo na?” biglang tanong sa akin ni Dustin.

If I Were The President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon