Sama-sama kaming umalis ng ospital pagkatapos at pinili naman ni Dustin na samahan muna sa pagbabantay ang mga parents ni Hazel.
Sumakay nalang kami ng jeep para makatipid-tipid kahit papaano.
Dumaan ang ilang minuto at nakababa na rin kami, naghiwa-hiwalay na nang makauwi kaagad dahil magdidilim na naman ulit ang paligid.
Sinamahan na muna ako ni Lance sa amin.
"Lance, nagkausap ba kayo ni Dustin." Tanong ko sa kaniya.
"Oo, nanibago lang ulit ako bigla sa mga kinikilos niya. Kapag gusto niyang magkuwento sa akin, napapasabay na rin ako."
"So, hindi na kayo nagkakailangan?"
"Para sa akin, hindi naman totally. Hinayaan ko nalang muna na magsalita siya dahil mahahalagang bagay rin naman ang nagiging topic."
"Ahhh... Anong klase ng topic?"
"Ahmm... Mga bagay-bagay na nangyayari gano'n."
"I'm hoping na sa kung anuman ang naging problema niyo, masosolusyunan niyo rin iyan. Basta kung kailangan mo rin ng makakausap, tawagan mo lang ako."
"Opo sir. Noted na."
Pagkatapos ng usapan namin habang nakasakay sa tricycle, nakarating na rin kami dito sa bahay.
Napansin kong walang tao at naalala kong pupunta sila ng palengke ni Kath. Pinapasok ko na rin si Lance pero kailangan niya na rin daw umuwi, dahil baka abutan siya ng malakas na ulan.
Ako nalang tuloy mag-isa rito sa bahay. Makapaglinis na nga lang para may magawa naman ako.
______________/___________/____________Maya-maya nakaabot nga naman kami at hindi kami considered late.
Maraming estudyante ang lumapit sa akin at nagtanong kung bakit hindi raw matutuloy ang camp. Sa katunayan, wala rin talaga akong alam sa rason kung bakit inatras. Halata talaga na excited kaming lahat, tapos hindi pala itutuloy?
Pagkapasok ko ng room, naglilinis-linis pa naman sila. Ako naman, nandito na sa upuan, malinis na rin naman kasi yung area namin eh.
Halos 15 minutes ang lumipas at pinapasok na kaming lahat sa room. Dumating na yung teacher namin para daw makausap kaming lahat.
"Class, sad to say na hindi matutuloy ang camp dahil delikado daw mag out-of-town ngayon. Ni hindi nga rin in-accept yung letter na ginawa namin to the district office."
Jusko, pinaasa lang lahat kami. Sayang pero maski ako walang magagawa dahil authorized officials ang nangangasiwa no'n.
"I'll give you ten minutes to review for our short quiz," Napayuko nalang ako ng narining ko 'yun. Hala, sana makapag-concentrate naman ako ngayon.
Nung matapos na ang sampung minuto, wala ng atrasan at nag-take na kaming lahat. Kasama no'n ang mga bulungan ng mga kaklase kong nasa likod. Naging hobby na rin siguro nilang magkopyahan sa panahon ng pangangailangan.
Naging madali naman para sa akin yung mga tanong pero hindi ko sure kung makakatama ako sa ilan dahil nakakalito nga.
Maba-blanko nalang ang next week for camp. Mas magkakaroon kami ngayon ng mahabang oras para makapag-prepare sa foundation day-slash-school fest. Maggagawa na naman ako ng draft para sa mga araw na susunod.
Minabuti kong pumunta sa reading corner ng aming classroom para mas komportable ako sa pagsusulat. Nagtimpla muna ako ng kape bago ako pumuwesto sa upuan.
Inilagay ko lahat ng suggestions ko for the preparation ulit. Additional things to do nalang para sa last day.
It took me several minutes to finish, to write down lahat ng ideas na naiisip ko. Inabot na ako ng recess, kaya kinuha ko na sa bag ko yung binili kong baon kanina. Ayoko munang bumili sa canteen para naman makatipid muna ako ng oras ngayon.
Sakto namang halos lahat, lumabas ng room. Mas okay kung tahimik pero napansin kong papasok naman itong si Hubert. Mabilis siyang lumapit sa akin, mukhang may sasabihin.
"Paano na iyan, mababakante tayo ng one week." Pailing-iling niyang sabi sa'kin.
"Nag-iisip pa nga ako eh, ikaw ba? May plano ka?"
"Uhmmm. Wala pa, tulungan nalang kitang mag brainstorming."
Bago siya nakiusisa sa mga notes ko, nagtimpla na rin siya ng coffee.
"Huy, nakakakain ka na niyan?" Tanong ko.
"Oo, mabilis akong kumain."
Nagsimula na siyang mag-enumerate ng mga bagay-bagay na pumapasok sa isip niya. Samantalang ako, wala pang maidagdag. Pa'no kaya kung, i-advance ko na ang celebration? Pa'no naman kung simulan na yung mga sports tournament that week? Pa'no kaya kung wala ng mangyayari pa, nakakapagod?
Jusko. Mukhang hindi naman yata katanggap-tanggap yung mga ideas ko.
"May mga naisip na ako." Nakakagulat niyang sigaw sa harapan ko.
"Papatayin mo ba ko sa nerbiyos?"
"Sorry."
"Oh anong nailagay mo?"
"Magkaroon ng Party, sa Friday next week. Hindi ko pa alam kung anong klase, basta 'yon. Tapos, magkaroon na ng game sa mga natitira pang games sa Monday to Thursday, then awarding sa foundation day."
"Paano yung mga banda at paints?"
"Sa last week na silang lahat, madali lang naman matapos 'yun. Tsaka isa pa, bakit hindi tayo mag-invite ng guest?" Bigla akong napatigil.
"Guest? Sino naman?"
"Malay ko, 'di pa naman sure 'yan. Kaya nga drafts hindi ba?"
"Maganda yung mga naisip mo, pero yung guest, mahirap hanapan kung sino. Kailangan kasi, kilala ng lahat."
"Bakit kaya, hindi ikaw?"
"Ako? Hindi ako bagay mag-guest, taga-rito lang din naman ako."
"Oo nga pala, pero magtatanong nalang ako sa iba. Research din kapag may time."
"Ikaw ng bahala sa bagay na 'yan. Mamaya sasabihin ko sa P.I.O. yung mga natitirang ganap for next week."
"Nga pala, huwag ka na mag-decorate, mga teachers na ng school natin ang bahala. Masyado na daw tayong exposed, hayaan na raw natin sila."
"Gano'n ba? Okay. Kailangan natin silang pasalamatan."
"Then yung party?"
"Bukas na natin pag-usapan. Research nalang din ang gagawin ko for the concepts, ikaw din para may mapagpilian tayo."
"Hindi ako magaling diyan eh." Sagot niya.
Siya nag-isip, hindi niya alam? Hays, sino kayang pwede kong makatulong? Si Dustin? Aubrie? Kyan? Ang kapatid ko?
Si Kyan! Magaling sa mga designs at themes ang babaeng 'yun. Baka siya na ang makatulong sa akin.
Nagpaalam na rin si Hubert pagkatapos. Ngayon lang din ako nakaranas ng ordinaryong araw, less problems pa. Kaunting panahon na lang, tapos na ang lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Novela JuvenilMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...