Chapter 49: Soon

185 13 0
                                    

Ilang klase rin namin ang lumipas, at napag-kasunduan na rin namin ang magpunta sa bagong-bukas lang na cafeteria malapit dito sa school.

Ang mga kasama sa biyahe ay ako, Sina Aubrie, Lance, Dustin at Kyan. Biyahe talaga? Mabuti na lang at napapayag namin si manong guard para makahingi kami ng permission na lumabas. Maraming estudyante na rin tulad namin ang nasasabik na makatikim ng susyaling lunch. Sana naman, kaya ng budget namin.

Naglakad na kami palabas, okay din dahil medyo makulimlim. Hindi masyadong mainit kaya hindi ako mag ha-halucinate.

Sa sobrang bagal nila, nauna na ako sa paglalakad. Ang isang nakaagaw ng atensyon ko ay yung dalawa ni Dustin at Lance. Medyo naririnig ko yung bulungan nila pero si Lance parang napipilitan makipag-usap. Matagal na akong may hinala na may problema ang dalawang iyon, pero tsaka na. Ayoko munang umusisa tungkol doon.

Nung natatanaw ko na yung destinasyon namin, hinintay ko na sa paglalakad yung mga kasama ko. Pinabilisan ko na sila dahil, marami ng tao sa loob. Mahirap kayang maghanap ng upuan.

"Huy, dali tara na. Bilisan niyo para makahanap tayo ng mauupuan." Sabi ko sa kanila.

Sila naman, nag-takbuhan na.

Sabay-sabay kaming pumasok sa loob. Siyempre, pinauna ko sila para hindi ako magmukhang bida-bida sa pagpasok.

"Hi Callie!" Bati sa akin ng mga estudyante na hindi ko halos kilala.

"Hello din sa inyo." Bati ko pabalik sa kanila.

Kakaibang feeling ang nararamdaman ko dahil parang dati lang, mukha akong usok sa harapan nila. Walang pumapansin sa akin noon. Pero dapat kong ipagpasalamat na nakarating ako in this stage of my highschool life. Ang saya!

Jusko, puno na pala dito sa loob, saan kami pupuwesto?

"Callie, may mga bakante daw sa labas." Sabi sa akin ni Dustin.

Bigla namang nagtanong si Kyan.

"Sino namang may sabi non?"

"Yung mga schoolmates naten, mas okay daw sa labas dahil malilom at malakas ang hangin." Sagot ni Dustin.

"Akala ko ba cafeteria? Bakit sa labas pa tayo?" Angal ni Aubrie.

"Bahagi pa rin iyon ng cafeteriang ito. Wala tayong magagawa kundi ang kumain sa labas. Malamig din naman siguro doon eh."

"Hay, sige na nga. Imbes na umarte tayo, doon nalang tayo kumain. Kaysa sa magkaroon tayo ng choice na bumalik ng school. Napagod pa tayo." Sabi ko sa kanila.

Teka, bakit parang hindi ko namamlayan si Lance? Saan naman napunta iyon?

"Huy, si Lance nasaan?" Nag-aalala kong tanong sa kanila.

"Uy, concern." Pang-aasar ni Kyan. Napangiti nalang sina Dustin at Aubrie sa akin.

"Nasaan na nga ba siya?" Tanong ni Aubrie.

Sinubukan kong tanawin lahat ng estudyante dito sa loob. Masikip ng kaunti pero kayang-kaya naman. Habang lumilingon ako sa lahat ng direksyon, at last at nahagilap ko na siya.

Nandoon lang pala siya, nakikipag-daldalan sa mga kaklase naming original.

"Sandali, nakita ko na. Diyan lang kayo. Kung ano ang i o-order niyo, gano'n na rin sa aming dalawa. Wait lang ha, sa labas na tayo magkita-kita." Sabi ko.

"Okay." Tipid na sagot ni Dustin.

Umalis na ako at pinuntahan ko na si Lance. Grabe bago pa ako maka-hakbang, pasko na. Hindi ko na tuloy masyadong makita yung hinahanap ko.

Nakatingin lang ako sa sahig habang naglalakad to ways watch my steps.

Kung hindi nga lang ako nauntog sa kung sino! Siguro nakapunta na ako kung nasaan siya.

Itinunghay ko ang ulo ko, para malaman yung taong sumira sa moment ko. Kainis.

"Okay ka lang?" Tanong ng isang lalaki na pamilyar sa akin ang boses.

Jusko. Si Lance na pala iyon.

"Hala, pupuntahan sana kita. Okay lang ako, promise." Sabi ko sa kaniya.

"Hay, kumain na nga tayo. Nasaan na sila?"

"Ayun, umu-order na ng kakainin natin. Tara na sa labas."

"Sa labas? Kakain tayo?" Ano ba itong taong kausap ko. Equivocated kaya ito? Parang sa mga sinasabi niya, ang dami kong naiisip na meaning.

"Ano?" Simpleng tanong ko para hindi ako mahalata.

"I mean, sa labas tayo kakain?" Mukhang natatawa naman siya sa tanong ko kanina. Ang lakas niyang makiramdam.

"Tayo? Kakain sa labas?"

"Huy!" Nagulat ako bigla. Ang ewan ko naman, bakit natanong ko pa iyon? Lutang na naman yata ako.

"Si Callie, alam ko na yung nasa isip mo. Huwag mong ipagkaila."

"Anong nasa isip?"

"Hayaan mo, soon!"

"Ano? Seryoso ka?" Tanong ko.

"Huli, hahaha... Akala mo ha. Pero oo, seryoso ako."

"Sus, lumabas na tayo para kumain."

"Ano?" Iba din ang aura niya ngayon ha.

"Naku, I mean lalabas tayo para kumain dahil nandoon na sina Aubrie. Baka hinihintay nila tayo. Alam ko na iyang nasa isip mo. Akala mo ikaw lang ha."

"Nice, binalik talaga sa akin." Ano kayang nakain nito? Nakakapanibago ng kaunti.

Lumabas na kami, para makapag-lunch na. Hinarap namin ang sandamakmak na tao palabas. Parami ng parami ang mga customers. Sa bagay, malaki ang kikitain ng cafeteriang ito.

"Tara na kumain oh." Alok ni Kyan.

"Wow, mukhang masarap 'yan ha."

"Oo naman." Sabi ni Aubrie.

Bumili sila ng fried chicken with gravy, mami at mango shake. Okay na ito, mabubusog naman kami eh.

Ang hanay ng upuan namin, ay pa U-Shape. Sa isang side, magkatabi kami ni Lance, sa kabila sina Aubrie at Dustin then sa gitna naman, si Kyan.

"Guys, anong magandang topic?" Tanong sa amin ni Kyan.

"Bakit hindi ka crush ng crush mo? Iyon, magandang pag-usapan." Singit ni Aubrie.

"Hala. Wala akong alam diyan ha." Pa-innocent kong sabi sa kanila.

"Parang ang pangit, palitan natin." Sabi ni Kyan.

"Alam ko na, okay lang ba yung mga activity na naisip ko?" Sabi ko.

Sumagot naman si Dustin.

"Oo, okay na okay. Paano iyon, isang buwan na walang klase?"

"Hindi, mag-gagawa pa kami ng schedule. Sa last two days mawawalan ng klase."

"Huwag na. Kaya nga school fest, dapat happy happy lang tayo." Sabi ni Aubrie.

"Jusko. Happy happy, paano kung mag-exam edi wala tayong alam?" Sabi ko.

"Oo nga no, tutulungan ka namin mag-isip para marami kang mailatag na school activities na mag e-enjoy ang lahat." Sabi niya ulit sa akin.

Bigla namang nag-ring ang cellphone ko. Sinagot ko na kahit number lang ang nakalagay.

"Hi Callie, si Hubert ito. We will have a short interview para sa iyo. Kita-kits nalang sa room natin."

"Anong oras?" Tanong ko.

"Mga after lunch."

"Okay sige."

Jusko. Interview? Kailangan kong mag-prepare para sa mga isasagot ko. Dapat pang Miss Universe para maganda. Joke.



If I Were The President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon