This is my first time ulit na makasakay ng motor para ihatid ako na kasama siya. Hindi ko alam kung bakit kapag magkasama kami, mas nagiging komportable ako. Isa na naman itong unexpected moment sa naging buhay ko as student.
Dahil sa mga consequences, naiisip kong baka hindi ako sinusukuan ni Lance. Medyo weird pero sana, kung may pipiliin man ako, maging ayos lang sa kanila. Naguguluhan ako sa feelings ko.
Medyo malapit-lapit na rin kami sa bahay, pero itinigil niya yung motor dito sa kalye na pinagpi-piyestahan ng mga pagkain. Amoy na amoy ko na kaagad eh, mukhang masarap. Bihira lang din naman ako nakakabili dito.
"Kumain muna tayo, nagugutom na 'ko mula pa kanina." Yaya niya sa akin.
Bumaba na kami pareho para tumingin ng mga pagkain. Mabuti nalang may budget pang natitira sa bulsa ko.
Nasa harapan na kami ngayon ng mga hile-hilerang food stalls dito sa sidewalk. Nakakatakam talaga yung mga tinda gaya ng fishballs, kikiam, squid balls, kwek-kwek, calamares, at marami pang iba. Siyempre hindi rin mawawala yung barbeque, namnamin ko na nga lang kaya lahat ng 'to?
"Pumili ka ng gusto mo, ililibre na kita. Wala ng tanggi-tanggi ha, minsan lang ako manlibre." Sabi niya kaya hindi na rin ako nag-inarte.
"Hala, sabi mo nga. Ano pa bang magagawa ko?"
"Mahilig kang bumili-bili rito?"
"Ah, bihira lang naman. Snobber ako kapag dito na ako dumadaan pauwi sa'min eh. Matagal na rin yung last na pagbili ko dito."
"Favorite ko yung calamares at fishball, 'yun lang kasi afford ko eh."
"Jusko. Wala naman 'yan sa presyo. Pwede na sa'kin yung kwek-kwek."
"Iyon lang? Ang tipid mo naman pala sa mga ganiyan."
"Okay na 'yun sa'kin."
"Sige. Dagdagan ko nalang, gusto mo nung fishball? Baka magpaka-pabebe ka pa niyan ha, hindi bagay."
Wow, mukhang maaasar ako nito ha. Napakamot na lang ako sa sinabi niya dahil unang pagkakataon lang na nagkasabay kami. Kontrolin ko muna ang sarili ko.
"Siya. Sige na, samahan mo na rin ng palamig para masaya. Ayan na, baka sabihin mong pabebe pa ako."
"Okay, kumuha ka na diyan. Kahit ilan."
Mabait nga naman na bata oh. Kumuha nalang ako ng limang pirasong kwek-kwek at ten pesos na fishballs. Naghahanap pa nga ako ng kanin dahil mas nakakabusog, pero siguro ewan lang ang gagawa no'n. No to unli rice na yata ang bayan.
Maya-maya binayaran niya na yung mga binili namin.
"Ano? Masarap ba?" Tanong niya sa akin habang puno yung bibig niya ng pagkain. Buti naiintindihan ko pa.
"Masamang magsalita kapag puno ang bibig, hindi mo ba alam 'yun?"
Natawa naman siya sa sinabi ko pero totoo naman eh. Lumunok muna siya bago nagsalita.
"Alam ko po siyempre. At masama rin na tanggap ka lang ng tanggap, kaya amin na ang bayad mo." Wow, demanding ha, tapos maniningil siya ngayon?
"Hala. Sabi mo libre."
"Sabi ko lang 'yun. By the way, tuloy na yata ang pag-transfer natin sa section nina Dustin."
"Bahala na. Huwag na muna nating pag-usapan ang school dahil nakaka-stress."
"Ay, sorry. First time mo bang mailibre? Alam kong mula pa no'ng first year tayo, wala pang nanlilibre sa'yo."
"Meron naman na, si Dustin. Noong birthday niya."
"Ah, okay. Ano namang natanggap mo?"
"Mga ano lang naman, mga pagkain din. Nag-gala kami sa mall no'n kasama si Aubrie."
"Oo nga pala 'no. Nabanggit mo na iyan sa'kin nung birthday party niya. Ang bilis kong nakakalimot."
"Mag-memory plus gold ka kaya? Signs of aging na 'yan."
"Hindi na, wala naman na akong dapat makalimutan pa sa araw na 'to."
Bigla akong napatigil sa sinabi niya.
"Ano ulit 'yon?"
"Ah, wala wala." Mukhang lutang yata siya? Pero parang may gusto siyang sabihin.
"May itatanong pa ako sa'yo. Huwag kang mabibigla o anuman. May problema ba talaga kayo ni Dustin?"
"Bakit mo naman natanong 'yan?"
"Hindi ko na kaagad nasabi sa'yo eh. Nung mga nakaraang araw kasi, nakita ko kayo sa corridor. Parang nagsasagutan kayo, kaya na-curious lang ako."
"Sa ibang araw ko nalang sasabihin, sorry. Hindi ito ang tamang lugar para mapag-usapan natin iyan."
"Pasensya na sa tanong ko. Kumain nalang tayo."
"Okay. Mukhang mauunahan mo akong makatapos eh."
Kinain nalang namin yung mga pwede pa naming sairin. Ang sarap sadya eh. Nang makatapos naman na kami pagkatapos ng ilang minutes, papunta na rin kami sa sa bahay ko.
Sana lang hindi muna ako atayin ngayon. Hindi ko ma-imagine na pwede palang mangyari 'to sa buhay ko. Yung taong pinaasa at kinainisan ko pa dati, ang magpapakita sa akin ng ganito. Hindi ko ma-describe eh, do'n ako mahina pero ang masasabi ko nalang I'm feeling great kapag nakakasama ko siya. Kasi, lagi niya akong inilalayo sa mga masasamang pwedeng mangyari sa akin.
Maya-maya nakarating na kami sa tapat ng gate ng bahay namin.
"Pa'no ba iyan, pasensya na sa libre ko. Babawi nalang ako sa susunod." Sabi niya pagbaba ko.
"Hindi ka pa satisfied? Grabe ka naman. Masaya na ako do'n, nag-enjoy kaya ako."
"Naks naman, sige alis na ako."
Maya-maya biglang lumabas naman si mama.
"Nakarating na pala kayo. Lance, tuloy ka muna." Bati ni mama
"Naku, paalis na rin po ako. Hinatid ko lang po si Callie pauwi, baka po kasi makasama sa kaniya na maglakad dahil hindi pa naman po siya talaga gano'ng okay."
"Salamat Lance sa pag-aasikaso sa kaniya. Nakwento nga sa akin ni Kath lahat ng nangyari kanina sa school niyo. Maraming salamat talaga."
"Wala po iyon. Para naman po sa ikabubuti ng anak niyo."
"Aalis ka na talaga?" Tanong ni mama.
"Opo eh."
"Siya, mag-iingat ka sa daan. Dahan-dahan sa pag-drive ha." Bilin sa kaniya ni mama.
"Oo nga. Ingat ka." Singit ko sa usapan.
Maya-maya umalis na rin siya, mukhang padilim na rin eh. Sabay naman kaming pumasok ni mama ngayon.
"Anak, ayos ka na talaga?"
"Medyo po. Pero kaya ko naman po eh, hindi naman po gano'n kalala ang pagkatumba ko kanina."
"Mabuti naman kung gano'n, makakapasok ka pa ba bukas?"
"Opo. Papasok po ako."
"Siya, dapat maaga kang makapagpahinga mamaya. Teka, para talagang ibang-iba na siya ngayon ah. Diba sabi mo matagal na, kinaiinisan mo siya. Bakit ngayon parang hindi."
"Iyan nga din po ang napansin ko sa kanya eh. Pero ang mahalaga po, nagbago na siya. Lagi nga po niya akong ni re-rescue sa school, hindi ko naman po akalain na gagawin niya ang mga 'yon sa'kin."
"Paano ba 'yan anak. Mukhang mahihirapan ka sa kanilang dalawa ni Dustin. Support naman ako kung sino ang mas gugustuhin mo sa kanila. Pero huwag kalimutan ang pag-aaral ha."
"Hala, kayo talaga."
Jusko. May point talaga si mama eh, hindi ko na alam kung ano pa ang mga gagawin ko. Kasi, sa akin ngayon pareho ko naman silang kaibigan. Pero bakit parang iisa lang ang pakikitungo nila sa akin?
Haaayyysss... Gugunaw na ba ang mundo ko?
Please, lupa kainin mo nalang ako ngayon. Hindi ko na yata kakayanin ang mga pakana ko, jusko.
![](https://img.wattpad.com/cover/145013254-288-k535387.jpg)
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Roman pour AdolescentsMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...