Bakit sa aming dalawa ni Aubrie, siya pa itong parang masaya na mapupunta kami sa guidance office mamaya?
"Diba? Ligtas na tayo sa counting mamaya. Sa office, uupo lang tayo naka-air con pa."
"Kaya pala imbes na kabahan ka, na e-excite ka pa."
"Nakakapagod kaya magbilang ng magbilang. At least, nakalibre tayo buti kung may pa-meryenda sila eh."
Natanaw na namin bigla yung mga estudyante na papunta na rin dito.
Nung makapasok naman na sila, nag-assist na rin kami. Hanggang sa may time na sila para bumoto. May pakana din kaya ang batch na ito? Pansin ko kasi yung mga nauna, may mga gawain eh.
Tahimik naman sila, seryoso yata eh. Kaya naman parang mas bibilis kami ngayon para makatapos.
Nung mga makaka-alis na sana sila may mga biglang nagsalita. Ewan ko lang kung sino-sino ang mga iyon.
"O.....M.....G...." Sabay-sabay nilang sigaw sa tapat ng pinto.
Kaya naman kami naki-usisa na.
Pagtingin ko, jusko. Pati pa naman paglalakad ni Dustin, kailangan nilang pagkaguluhan? Kakaiba talaga.
Bumalik na lang kami sa mga pwesto namin.
"Grabe talaga ang datingan ni Dustin. Laging pinagkakaguluhan."
"Kaya nga eh. Naku, mag-ayos muna tayo nitong room bago umalis."
"Wait, kakain muna tayo."
"Mas magandang malinis na dito bago tayo umalis para hindi na rin tayo babalik."
"Okay." Sabi niya.
Naglinis-linis na lang kaming dalawa dito. Ako naman, walis ang napag-tripan.
Habang ikinukunday ko yung walis na hawak ko, may bigla akong napulot na papel. Malinis pa naman at makapal kaya pinulot ko na, kaya lang nagulat ako na love letter pala ito.
"Kung sinuman ang makakapulot nito, secret lang natin ito ha. Buksan mo sa page 2."
Naku, marami na akong na-encounter na ganiyan. Pero try ko kung ano 'to.
Binuksan ko na sa page 2.
"Crush. Wala ako niyan. Kaya buksan mo sa page 4."
So, ako naman, pumunta na'ko sa page 4.
"Kahit ang mga kaklase ko, yung Dustin ang ikinamamatay nila eh. Pero ako never. Last na 'to. Punta ka sa page 6."
Hinanap ko yung 6th page pero wala naman. Jusko sayang lang pala ang effort ko sa pagbuklat ano ba 'yan!
Winalis ko na lang yung papel na umubos ng oras ko. Nakita ko naman si Aubrie na may sinusulat sa papel.
"Aubrie ano iyan?"Tanong ko sa kanya habang papalapit ako.
"Tignan mo." Ipinakita niya sa akin yung papel, at iyon pala yung page 6 eh.
"Sige, patingin." Tinignan ko yung nakasulat.
Nakasulat rito,
"Eh ikaw ba? Meron? Naku, walang forever. Papa-asahin ka lang niya mahuhulog ka pero 'di ka sasaluhin. Bagsak ka pa sa lupa plus wala ka talagang pag-asa sa kaniya. Ouch, ang sakit diba?"
Sinulat naman ni Aubrie yung,
"Ako wala pero yung friend ko meron yata."
Bigla akong napatawa do'n.
"Aubrie, jusko never mind na lang iyan. Gutom na ako, tara na."
Itinapon na niya sa labas yung papel na binasa namin.
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...