"Callie, are you okay?" Tanong niya sa akin.
Hindi naman agad ako nakasagot dahil hindi ko kayang magsalita ng ganito ang hitsura.
Parang blangko lang yung reaction niya sa akin habang tinititigan niya ako.
"Si Kyan ba may gawa niyan?" Pag-aalalang tanong niya sa akin.
Umiling nalang ako sa kanya ngayon.
Patuloy lang ang pag-iyak ko dito dahil apektado talaga ako sa mga nasabi sa akin ni Kyan. Imagine na isa siya sa dahilan kung bakit parang gumuho ang mundo ko nung mga time na iyon.
Bigla naman siyang lumapit ng husto sa akin.
"Sinundan kita kanina, kahit hindi mo na ipaliwanag. Narinig ko lahat ng usapan niyo, I understand naman yung nararamdaman mo. Nakakabigla pala yung nangyari sa iyo."
Nakikinig lang ako sa kaniya, nanikip naman ang paghinga ko nung hinawakan niya yung mga pisngi ko. Hindi ko alam kung anong i re-react ko.
"Callie, I knew na kaya mo iyan. Iyon nang nangyari sa iyo dati, nakayanan mo eh mas mabigat po iyon kumpara sa ngayon. Isa ako sa mga naniniwala sa'yo."
"Salamat." Iyon na lamang ang nasabi ko sa kanya dahil hirap pa rin ako eh.
Hindi ko mapigilang umiyak sa harapan niya, pangalawang pagkakataon ko ng nagawa ito. Yung una is yung pina-expel ako.
Niyakap nalang ako bigla ni Lance para patahanin ako. Na a-appreciate ko ng sobra ang mga ginagawa niya para maging okay ako palagi.
Habang tumatagal at nagkakasama kami, lalong gumagaan ang loob ko sa kaniya.
"Tahan na Callie. Baka masira ang beauty mo."
Bigla akong natawa sa sinabi niya. Maganda nga naman at nasira niya yung moment ko sa pag-iyak.
"Naku, wala naman akong beauty." Dahilan na 'yun para maging usual na rin ang usapan namin.
"Uy, tumatawa na siya. Effective ba?" Tanong niya.
"Oo naman. Salamat ulit."
"Para sa akin, alam kong mahirap yung nasa sitwasyong ganiyan. Pero may opportunity ka na, pwede mo pang matupad yung will mo dati. I'm trusting na magagawa mo na iyon."
"Naghahanap pa kasi ako ng sign eh."
"Sign? Bakit naghahanap ka pa eh nasa harapan mo na ang sign na hinahanap mo."
"Ano?"
"Oo, mino-motivate na kita para lumakas iyang loob mo. Para rin sa'yo iyan Callie."
"Oo nga, pag-iisipan ko. Pero baka mahirapan ako."
"Huwag kang nega, nandito ako, kami ng mga kaibigan mo. Lagi kaming naka-support sa iyo."
"Salamat ha, at least alam kong may mga totoo akong kaibigan tulad niyo."
"Alam na namin iyon. Kaya ikaw, magsabi ka lang palagi sa amin."
"Oo ba. Pero gusto ko sanang gamitin ang oras na ito para..." Kinabahan ako bigla.
"Para?"
Hindi ko alam ang term kung ano eh. Basta.
"Thanks sa'yo dahil alam mo na, nandyan ka palagi na to the rescue sa akin. Hindi ko inakala na darating tayo sa ganito, akala ko magsusungit ka ulit eh. Sa lahat ng times na hindi ko alam, na blangko ang isip ko nandyan ka parati para damayan ako. Ngayon lang din ako nakahagilap ng taong tulad mo na napakabait at thoughtful. I want you to know na na a-appreciate ko lahat ng ginagawa mo para sa akin."
"Para kay ma'am Charo ba iyan?"
"Jusko. Para sa'yo, gusto mo bang ulitin ko pa?"
"Ay, huwag na. Salamat din at nasasabi mo iyan sa harap ko."
"Aba siyempre naman."
"Wow, Callie ikaw ba iyan?"
"Ay hindi."
"Tara na nga." Bigla naman akong inakbayan habang paalis eh.
May meaning pa rin ba ito? May kinalaman ba lahat sa sulat niya sa akin dati? Pero totoo naman lahat ng ginagawa niya para sa akin. Yung mga efforts niya nakikita ko talaga.
Baka mag-assume na naman ako.
Nung marami ng makakakitang estudyante, tinanggal ko na yung braso niya sa balikat ko. Baka kasi ngayon, maging usapan pa eh.
"Mahalata kaya nila ang mata ko?" Tanong ko sa kaniya
"Hindi iyan, ako ng bahala sa'yo."
Halos nawala na yung bigat na naramdaman ko kanina. Hindi ko nasabi kung anong character mayroon siya. Sa mga sinabi niya kasi sa akin, ang bilis kong maka-recover kaagad. Para siyang pain reliever. Hahaha...
Maayos naman kaming nakabalik ng room, yung iba parang nagdududa sa mukha ko. Halata nga siguro ang pag-iyak ko kanina.
"Hala, Lance. Bakit mo pinaiyak ang prinsesa mo?" Tanong nung kaklase kong lalaki.
Prinsesa talaga kaagad? Pero sa bagay, magandang pakingggan. Hahaha...
"Hindi 'no."
"Umupo nalang siya sa upuan niya. Ngumiti naman siya sa akin bago siya nagbuklat ng notebook niya.
Yung mga katabi ko, sabay-sabay na lumingon sa akin matapos nilang makita yung ngiti mode sa akin ni Lance.
"Wow, nagkaka-developan yata kayo ha." Sabi nung katabi kom
"Hala, hindi naman."
"Ehe? Diyan na nagsisimula iyan. Teka, teka. Hindi kaya may kinalaman iyan sa sulat niya dati sa'yo?"
"Ewan ko ba, hindi ko rin alam eh."
"Bakit ka naman umiyak? Tanong nung isa.
"Ah, wala. Huwag niyo ng isipin 'yun.
Nagpatuloy nalang yung iba sa pakikipag-daldalan.
Habang naghahalungkat ako ng gamit sa bag, napansin ko ulit yung folder na naglalaman ng mga papers na pwede kong mapirmahan in case na pumayag na ako. Pag-iisipan ko pa rin talaga eh.
May point si Lance sa sinabi niya na opportunity na ito para matupad ko yung dream kong maging president dati. Wala rin namang mawawala kung papayag ako eh, kailangan kong pagkatiwalaan ang sarili ko para mairaos ko ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Tsaka temporary palang naman yung position na inaalok sa akin eh, pwede na kung susubukan ko nalang.
Sana lang talaga maging okay na ang lahat para sa akin kapag nagpirmahan ko na ito. Sa totoo lang, araw-araw ko ng pinag-iisipan kung dapat bang pumayag ako then eto na, sina Lance at Kyan ang naging sign.
Binasa ko ulit ang pagka habang-habang sulat kung saan nakalagay ang mga rules and responsibilities na i-aatang sa akin. I'm believing na kaya ko ito, marami namang naka support sa akin eh.
Ngayon, tinititigan ko na yung pangalan ko sa papel. Inilabas ko na yung ballpen ko then nag sign-of-the-cross na ako.
Pinirmahan ko na ang kontrata este ang verification letter ko. Pupunta nalang muna ako kay Ms.Lopez mamaya para malaman niya na at maibigay na sa mga teachers na responsable rito.
This is the most crucial part ng naging buhay ko sa school na ito. Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa mga heptic schedules, at kung anu-ano pa. Siguro naman kakayanin ko iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/145013254-288-k535387.jpg)
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...