Chapter 78: School Fest

161 12 0
                                    

All were excited na para sa School Fest and the same time Foundation Day ng aming school. Napagkasunduan ng mga teachers na gawin ang Gala Night pagkatapos ng event na ito.

Mabuti nalang at nakapag-hire agad si mama ng damit na susuotin ko. Hindi ko pa alam yung magiging ka-partner ko mamaya, dahil wala pang nagaganap na bunutan.

Naayos na ang lahat ng kailangan ngayong araw. Stage, mga upuan, decorations na animo'y fiesta, trophies/medals at mga certificates. May ilan pang activities na gagawin pero mga teachers na rin ang nagplano.

Sama-sama kaming magkakaklase dito sa quadrangle. Pinapapila na muna ang lahat para sa line-up ng mga activities na gagawin namin. Mabilis namang naki-cooperate ang lahat kaya nagsimula na rin yung principal naming magsalita sa unahan.

Halos 10 minutes ang opening remarks plus mga paalala niya sa aming lahat, para iwas na rin sa gulo. Sana nga naman, wala kaming maging problema lalo na at may mga bisitang darating mamaya.

Napakakulay ng paligid, kada buildings ay may kaniya-kaniya ng themes at decors, dahil isa na rin yung competition. Cleaning set yata ang prize, tapos may cash din siguro. Blue and violet ang theme nung sa amin. Inaayos pa nila yung mga karagdagan, takam din kasi kaming manalo.

"Callie, huy nakita kong pumasok na si Hazel." Pangungulit sa akin ni Aubrie.

"Salamat naman at okay na siya. Nasaan ba?" Tanong ko.

"Nandoon sa room, kausap yung mga ka-tropa niya. Ewan ko lang kung pati rin si Dustin."

"Basta, huwag ng mag-isip ng kung anong masama sa kaniya. Masaya lang dapat tayong lahat sa araw na 'to."

"Sus. Alam ko na 'yun."

Nagkalampagan na rin yung mga drums at buong musiko na nakalinya sa likod. Nagsimula na ring maglabasan ang iba't-ibang klase ng booths gaya ng snacks, merchandise, posters, arcades, at iba pa. Halos lahat sa mga nakikita ko ay K-Pop ang tema, may BTS, EXO, GOT7, Blackpink, Twice, Momoland at kung anu-ano pa.

Grabe, kain na kain na talaga ng sistemang korean music ang school namin. Speaking of kinain na ng sistema, nagpatugtog na ang sound system namin ng 'Dduu-dduu-dduu' ba iyon? Jusko.

Matapos ang ilang minuto, nagsimula ng mag-perform ang ilang banda sa stage. OPM lang ang dapat marinig sa kanila dahil iyon ang nakalagay sa rubrics. Ma-di-disqualify sila kung hindi nila iyon masusunod.

Ang art exhibit competition naman ay umaarangkada na rin sa mga respective classrooms. As usual, laging hirap ang mga judges sa pagpili dahil lahat sila, magagaling. May mga pinaghuhugutan din yung ilan kaya nahahaluan nila ng feelings yung artwork na ginagawa nila. Sana ako din.

"Tara nang bumili, ang daming pwedeng mapuntahan ngayon." Pagyayaya sa akin ni Aubrie.

Dumiretso kami sa isang pastry booth. Malaki ng kaunti yung booth na ito kumpara sa iba, ang laking gastos siguro nito pero alam ko namang gusto nila iyon. Halos cupcakes na may iba't-ibang flavors ang tinitinda nila. Pwede ring mag-request kung gusto mong ikaw na ang mag-personalize. 20 pesos ang presyo ng bawat isa, tama lang naman dahil malaki yung cupcake.

Bumili kami ng tig-isa, hinayaan na naming sila na ang mag-asikaso ng designs. Baka kasi pumangit lang ang gawa ko.

Dumating naman sina Kyan at Lance na may dalang popcorn. Isang cheese at dalawang sour and cream ang binili nila.

"Saan kayo bumili niyan?" Tanong ko.
Wala ni isa sa kanilang dalawa ang nakasagot dahil puno yung bibig nila.

"Diyan lang sa tabi-tabi. Gusto niyo?" Pang-aalok ni Lance. Kumuha ako ng ilang piraso.

If I Were The President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon