Talagang pinaghahandaan na namin ang araw na ito dahil napaka-importante nito lalong-lalo na para sa mga kandidato. Gaya nga ng sinabi kahapon, kailangan daw naming maging mausisa at maagap sa botohan kasi kami ang appointed na mangangasiwa. Yung mga teachers lang ang mag-aayos ng mga kailangang gamitin at kami na raw ang bahala sa pag di-distribute, observe, at magbibilang ng mga boto. Hati-hati naman kami, makakasama ko si Aubrie sa room namin. Mabuti na lang at may makakadaldalan ako habang nag-aasikaso kami ng mga kailangang gawin.
Nasa room ako ngayon para mag-ayos ng upuan. Room 1 ang classroom namin kaya, kauna-unahan kaming magsisimula. Dali-dali kami ng linis ng mga kaklase ko for the first time. Hahaha, ngayon ko lang nakitang seryoso ang lahat na maglinis kahit papaano.
Umalis na maya-maya yung iba dahil parating na rin yung teacher na naka-assign dito. Nagpadala na rin ng screen projector para malinaw talaga sa mga voters kung sino ang iboboto nila na mag a-appear na lang sa screen. Hindi ba mas madali.
Nung ma okay-okay na ang lahat, nakarating na yung ibang teachers. Actually dalawa lang silang babae na naka-assign din siguro dito. Maya-maya naman ay aalis na rin sila kapag nagsisimula ng bumoto ang lahat.
"Good morning kayo ang appointed dito?" Tanong nung isa.
"Opo. Kaming dalawa." Sagot ko.
"Ipapatawag na namin yung unang section na pupunta rito, at mukhang ayos naman na ang lahat.'
"Sige po." Sagot ni Aubrie.
Maya-maya lang nagsipuntahan na yung mga estudyante, siyempre nagpapila muna kami para maayos ang flow namin. Mahirap na baka magkagulo pa.
"Pasok kayo, pero ayusin niyo muna ang pila niyo para hindi na tayo magtagal. Tsaka huwag na ring masyadong maingay ha." Sabi ni Aubrie.
Yung mga teachers, nagpaupo na sila ng mga estudyante, nagbigay na rin kami ng mga ballots kaya lang wala naman kaming machine kaya mano-mano kami mamaya sa pagbibilang.
Binuksan na ang screen maya-maya ng mga teachers.
"Uhmm... Sabi ng teacher niyo sa math kahapon, may pinaghawak daw siyang flash drive sa inyo. Nasaan kaya iyon?" Tanong nila sa amin.
"Nasa akin po mam." Sabi ko.
"Akin na para makapagsimula muna tayo ng orientation."
"Sige po." Kinapkap ko muna yung bulsa ng palda ko. Maka-ilang beses kong chi-neck kung nandito nga, pero...
Pero...
Pero...
WALA!!!
"Mam sorry po, titignan ko lang po sa bag ko." Sabi ko.
"Ano? Huwag mong sabihing na misplace mo. Patay tayo niyan." Alala sa akin ni Aubrie.
"Sandali, hahanapin ko muna ulit."
"Sige, medyo bilisan mo baka ma-delay tayo." Sabi niya sa akin.
"Sige."
Umalis na ako sa room at alam kong nasa ibang clasaroom na ang bag ko dahil pinadala ko na sa kanila.
Habang humahakbang ako sa paglalakad, pinipilit kong alalahanin kung saan ko iyon nailagay.
"Callie, tandaan mo kung saan. Maalala mo 'yun. Isipin mo. Mag-refresh ka, magiging okay ang lahat." Sabi ko sa sarili ko.
Mabuti na lang at natatandaan ko na ng konti.
Agad ko ng binalikan ang bag ko, nagtaka yung iba nung pagkapasok na pagkapasok ko sa room parang madaling-madali ako. Pero kailangan ko talaga munang hanapin 'yun. Jusko.
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...