Chapter 32: Invitation

219 19 0
                                    

Nagsikain na lang kami in a usual way na ginagawa namin araw-araw. Mga ilang minutes rin ang lumipas at bumalik na kami ni Aubrie sa totoong room namin.

"Callie, sure ka bang pupunta ka pa sa election room natin?" Tanong sa akin ni Aubrie.

"Oo. Okay naman ako ngayon eh."

"Sa bagay nga naman, kaysa mag-isip ka sa nangyari kanina. Totoo bang naging sila dati?"

"Oo. Nung 1st day ko sa hall yung mismong araw ng breakup nila.

"Ano? Paano mo naman nalaman?"

"Nasa labas kasi si Dustin no'n, ako naman busy. Biglang tumunog ang phone niya tapos accidentally kong nakita yung message notification niya na galing kay Hazel mismo."

"Isang malaking OMG."

"Naku, bahala na sila."

"By the way, yung Kyan ba 'yon? Grabe ang tapang niya kanina. Kung hindi siya nakarating, baka siyam-siyam na 'di pa natatapos magsalita si Hazel."

"Oo nga eh. Nakakaya niya si Hazel ng gano'n gano'n lang."

"Running for president si Hazel diba? Naku, baka makasira 'yon ng image niya dahil alam ng lahat ang mga pinag-gagagawa niya kanina sa'yo."

"Bahala na siya, wala naman akong atraso sa kanya para pagbuntunan niya ako."

"Asikasuhin na nga lang natin yung mga natitirang gagawin. Baka ma-stress ako sa Hazel na 'yan, nakaka-badtrip. Ang ganda pa naman ng beauty rest ko kagabi."

"Wow, naka-beauty rest pa talaga ha?"

"Oo naman. Para araw-araw laging fresh."

Inasikaso na lang namin lahat. Paulit-ulit din naman ang ginagawa namin eh. Mga dalawang batch pa para makatapos na kami rito. Yung counting nga lang ang kinatatamaran kong gawin. Jusko.

Maya-maya naman pinaboto na namin itong current batch na hawak namin ngayon, may nag-approach pa sa amin eh.

"Ate, pwede po magtanong?"

"Okay. Ano ba 'yun?" Tanong ni Aubrie.

"Magkaklase po ba kayo?"

"Oo. Bakit?" Tanong ko.

"Diba kayo yung nasigawan kanina nung warfreak?"

"Ah. Oo, pero hindi naman siya warfreak." Sabi ko.

"Oo. Hindi naman siya warfreak, huwag niyo siyang tawagin ng ganoon." Sabi ni Aubrie.

"Okay po."

"Impaktang naubusan ng lovelife ang itawag niyo sa kanya." Sabi ni Aubrie.

Napatawa naman ang lahat sa sinabi niya.

"Aubrie, sobra ka naman. Baka may makarinig sa'yo." Bulong ko sa kanya.

"Nagbibiro lang si Aubrie. Huwag niyong sundin yung sinabi niya ha." Sabi ko sa lahat.

"Hazel for president po siya diba?"

"Oo. Bumoto na lang kayo, hindi kami pwedeng mag-entertain na about sa mga candidates."

"Ayyieeehhh... Yung prinsipe ko iboboto ko." Singit nung isang babae.

Grabe talaga ang hatak ni Dustin sa lahat. Kapag nga naman may hitsura, iba ang nagagawa. Bahala na kung sino mananalo.

Maya-maya naman nakatapos na silang bumoto lahat kaya last batch na lang, at matatapos na kami. Salamat naman.

May biglang nag-excuse sa pinto. As usual naman eh, sistema na talaga yata ng iba na mag-excuse ngayon.

Nilingon ko kung sino pero si Dustin pala.

If I Were The President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon